Sixth War

2.3K 59 0
                                    

"You ready?" Tanong ko kay Patty.

"Yes." Nakangiti nitong sagot. Napangiti na rin ako. Napapadalas ang paglabas naming dalawa para kumain ng dinner. Masarap kasi itong kakwentuhan at nakakatawa pa. I never had this kind of relationship with any of my secretary or employee, it feels like I can confide anything to her. To think na noong una ay para kaming aso't pusa na hindi magkasundo.

Narating namin ang restaurant kung saan kami madalas kumain. Agad kaming dinaluhan ni Myra, ang waitress namin lagi, upang kunin ang order.

"Sir/Mam, the usual?" Tanong sa amin nito. Natatawang tumango na lamang kami ni Patty.

Nagkwentuhan lamang kami habang hinihintay dumating ang order naming pagkain. Napakagaan talaga nitong kausap. I looked at her intently while she was talking. Maganda ito, one thing I noticed even when we first met. She has long eyelashes that compliments her big brown eyes and a perfectly arched eyebrows. She has an up-turned nose and sweet-looking pink full lips.

"Sir! Hoy! Nakikinig ka ba?" Natauhan ako ng pumitik pa ito sa harap ko.

"Ha? O-oo naman." Sagot ko.

"Tulala ka kasi. Ayun nga, pinaguusapan tayo sa office. Nakakaloka!" Her perfect eyebrows almost meeting as she said that.

"Just let them talk about us. Hayaan mo lang. Totoo naman ang mga sinasabi nila." Nakita kong lalong nagkasalubong ang kilay nito.

"Hindi lahat no! I am not seducing you kaya!" Natawa ako ng sabihin nito iyon sa nanlalaking mata.

"Hindi nga ba?" Nalukot ang mukha nito sa sinabi ko kaya lalo akong natawa. This girl is a perfect bait for bullies. Masyadong mapagpatol sa biro. "Kidding!" Bawi ko sa sinabi ko dahil parang sasabog na ito sa inis. And she looks even more pretty when her face is all red like it is right now.

Sinamaan ako nito ng tingin at umirap pa. Mabuti naman ay dumating na din ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

"I'll just go to the restroom." Paalam nito sa akin.

Ilang minuto na akong naghihintay ay hindi pa din ito bumabalik. Bakit kaya ang tagal nito sa restroom. Tatayo na sana ako para sundan ito ng may tumawag sa pangalan ko.

"Brent? Is that you?" Nanigas ako sa upuan ng makilala ang boses ng tumawag. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam na alam ko kung kanino ito.

"How are you?! It's good to see you." Ang sabi ulit nito. Nilingon ko ito. She seems to be really happy to see me. She's still beautiful as the last time I saw her. My Pinky. Damn her effect on me.

"I'm doing great! How about you?" Ayaw kong isipin niya na apektado pa rin ako hanggang ngayon.

"I'm okay. I missed you." Sabi nito sa malungkot na tono. I don't know what to say. There's a part of me that wants to tell her how much I missed her too and a part that says it won't do me any good. Laking pasasalamat ko nang biglang dumating si Patty.

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon