Nakatanaw ako dito sa balkonahe. Wala akong makitang kahit ano kundi ang buwan at ang repleksiyon nito sa tubig dagat. Hatinggabi na ngunit hindi ako makatulog habang si Brent ay tulog na tulog doon sa kwarto matapos ang mga nangyari.
Masaya akong malaman na akin si Brent magmula pa noon. Ngunit sa mata ng marami ay kasal pa din siya at pamilyadong tao. Hindi ko maiwasang huwag mangamba sa opinyon ng mga tao.
Most people tend to believe only the things they know. People are quick to judge those who they think are wrong.
At sa sitwasyon naming ito, kami ni Brent ang nagmumukhang mali.
Yes, we can keep things secret but until when? And what will this make us?
Lalong naging kumplikado ang lahat kung tutuusin. Noon, kaya kong lumayo upang huwag makasira ng pamilya ngunit ngayong alam ko na ang totoo, mahirap pigilan dahil hindi naman pala maling gawin. Suddenly, I don't need to choose between right or wrong.
Niyakap ko ang sarili at pumikit ng maalala ko ang pakiusap ni Pinky. I said yes not knowing the truth but now that I am informed...I can't just ignore the fact that I was ripped off my happiness. She took it away from me.
Bumabalik ang galit ko kay Pinky, papaano niya nakakayang manakit ng iba para lamang sa sariling kapakanan? Kung mahalaga sa kanya ang reputasyon then bakit gumawa siya ng mga bagay na ikakasira nito? If something's important to you, you treasure and protect it!
But you don't protect it in expense of another!
"Hmm, babe parang ang lalim ng iniisip mo. Sana hindi ang pag-iwan sa akin ang pinagiisipan mo." Bulong ni Brent mula sa may batok ko saka hinalikan ito. Hindi ko namalayang nagising siya at nakalapit na sa akin.
"Never." Pangako ko habang hinahaplos ang braso nitong nakayakap sa baywang ko.
"Then mind sharing what's on your mind?" Mas humigpit ang yakap nito at hinuli ng isang kamay ang kamay kong humahaplos sa kanyang braso. Ipinatong niya din ang kanyang kanang pisngi sa may bandang kaliwang tainga ko. Napangiti ako sa init na nararamdaman. Being this close to him makes my body shiver in heat.
"Just thinking of what will happen tomorrow. Paano tayo pagbalik natin sa metro?" Malumanay kong tanong sa kanya. Nababahala ako alright but knowing he's with me calms me.
"Can we forget about tomorrow..." Ayan na naman siya! Nakangusong nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Tumawa siya at mabilis akong hinalikan bago dinugtungan ang sinasabi. "for awhile, babe. Let's think of tonight. You...me...the sheets." Pilyo niyang bulong. Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa mga pinagsasabi niya. Humalakhak siya nang pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya at lumayo dahil sa kahihiyan.
"Babe, saan ka pupunta?" Natatawang tanong niya nang tuluyan niya akong pakawalan.
"Tumahimik ka nga!" Suway ko dito. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto kung saan kami galing kanina.
"I just asked where you are going!Hey!" Sigaw niya.
"Sa room! Bakit ba?" Kunwaring inis kong sagot. Nakakahiya talaga na nakakailang.
"Oh, alright. Magsisimula na pala ulit tayo. I get it baby. You wanna play. I'll chase after you then." Puno ng kapilyuhan niyang pahabol na sigaw. Marahas ko siyang nilingon.
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...