Pagkababa ko ng bus sa unloading station sa Ayala ay nagsimula na akong maglakad patungo sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa pero wala ito, agad na napaisip ako kung saan ko ito nilagay o nailagay ko nga ba ito sa bag ko matapos kong gamitin kanina sa bus.
“Shit! San ko ba yun nilagay?” saad ko nang hinahalungkat ang bag ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Kapag minamalas ka nga naman. Late na nga nagising, malelate pa sa trabaho tapos nanakawan pa ata ako ng cellphone!” frustrated kong sabi na sapo ang noo. Patuloy kong hinalungkat yung bag ko nang sa wakas ay makapa ko na ang phone ko.
“Yes! Akala ko nawala na!” sa sobrang galak ko ay napasuntok pa ako sa hangin pero mababa lang.
*boogsh*
*blag*
*crack*
Pinagmasdan kong tumilapon ang isang cellphone sa harap ko.
“Hala! Sorry!” nahihintakutan kong sabi at agad na kinuha ang tumilapon na cellphone.
Ugh! Bakit ang malas ko sa usapang cellphone ngayon?! Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko.
“Look what you’ve done to my phone! Stupid!” bulyaw sa akin ng natamaan ko at nagulat ako ng bigla nalang nitong hinablot sa akin ang phone niya. Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya kaya naman ay nilingon ko na ito.
“Hoyyy –“ Ay leche! Ang gwapo! Ang tangkad! Ang macho! Ang tangos ng ilong! Ang bango! Ang gwapo! Ang... “- ang kapal ng mukha mong tawagin akong stupid! Mas mukha kang stupid!” galit kong balik-bulyaw dito. Ang init ng pisngi ko, alam kong namumula ako. Namumula ako hindi dahil sa galit ako sa kanya kundi ay nahihiya ako. Muntik pa kong matulala sa kanya kanina, halata naman kasi na natigilan ako ng lingunin ko siya. Ang gwapo pala kasi ng kumag kahit kunot na kunot ang noo nito. Idagdag pa na nakakahiya din na natamaan ko siya dahilan para mabasag yung screen ng phone niya.
“What?! Who was acting like crazy talking to herself a while ago?! You even went as far as punching the air not thinking of the possibility that someone might be walking beside you and you might hit them!” pahayag nito na tila ba ipinapamukha nito sa akin na hindi lang ako tanga kundi pati na din baliw.
“Ugh! Now what?! My phone’s broken! Why are some people not using their heads anymore?! What a bunch of nuisances!” inis na pahayag nito na kausap ay ang sarili pero alam ko naman na pinaparinggan din ako nito.
“Ikaw mister ha! Sumusobra ka na! I already apologized! English ka pa ng English dyan…yan tuloy pati ako nahawa. Kung maghahabol ka sa pagpapagawa niyang phone mo puntahan mo nalang ako sa Café Classico, Patty ang pangalan ko okay? Siya, dyan ka na! Panira ka lalo ng sira ko nang araw.” Pahayag ko tsaka nagmamadaling maglakad papuntang store dahil late na ako.
Isang linggo na ay wala pa ding naniningil sa akin tungkol doon sa nasirang phone at laking tuwa ko doon dahil wala na talaga akong pera kakabayad ko lang ng kuryente at renta sa apartment na tinutuluyan ko. Ngunit, hindi maikakaila na dismayado ako na hindi nagpunta sa shop yung lalaking yun. Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi naman ako pinagkakaitan na makakita ng gwapong lalake pero iba pagdating sa lalakeng iyon. Gusto ko ulit siyang makita. Siguro nga ay crush ko na siya kahit pa tinawag niya akong stupid at crazy.
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...