The wedding was magical. The theme says a lot of their story. You can see that the couple loves to travel for fun but most of all because of love. Chasing love all around the world. I cried when they exchanged their vows. Trim was teasing me for crying but ignored her.
I am so happy for my brother yet a part of me cried because of envy for the love I saw in them. I want that same love for myself. I am not crying for what I have lost. I am crying for what I'm about to find. And if I have to travel around the world for it then I will. I wanna know what's still out there. I wanna have it. I'll do anything just to have it.
Pumasok bigla sa isipan ko ang mukha ni Ameer na nakangiti. I don't know...when I think of love, I think of him. I think of his smiles that warms my heart. I think of his eyes that pierces my soul. I think of us together.
Or maybe, I won't need to look for it around the world 'cause it already found me. Napangiti ako.
"What are you smiling for?" Puna ni Trim na ngayon ay nakatingin pala sa akin.
"Wala. Why? This is a joyful moment! Walang masama sa ngiti ko. Is it wrong na ngumiti ako if I am happy?" Nakasimangot kong pangangatwiran. Panira na naman ng moment itong pinsan ko.
"Yes! Lalo na kung kanina umiiyak ka pa dyan. You looked baliw!" Lalo akong napasimangot sa kanya.
"Hindi ba pwedeng I was being emotional?! Baliw na agad-agad?"
"Whatever!" Sagot nito. Napaawang ang bibig ko. Aba! Siya pa ang may ganang mang whatever sa akin eh siya iyong magulo!
Natapos ang kasal na bangayan kami ng bangayan ni Trim lalo na kapag every time na pinapansin niya ang mga reactions at galaw ko. I glared at her but she just smirked. She's being really playful.
Nang mapunta kami sa reception ay lalo akong napahanga. I never knew they pulled off something this grand in just two months!
Sa gitna ay isang lamesa kung saan nakalagay ang three-tiered wedding cake. May mga nakasabit ding maliliit na crystal chandeliers sa bawat mesa ng mga bisita. Ang mga bulaklak na palamuti sa buong lugar ay pinaghalong yellow and white dahlias at saka blue hibiscus. Napakagandang tignan at presko sa mata ang kinalabasan ng buong paligid dahil sa mga bulaklak. I loved how the colors and designs complimented each other.
Mom really did great! I doubt na may ginawa pa ang asawa ng kapatid ko para sa kasal nila.
Mayroong maikling program matapos kumain ang lahat. Ang traditional na cake-cutting ng newly weds, toasts and message from the best man which happened to be Kuya Alfie, our eldest brother, and then tossing of the bride's bouquet.
"Single ladies, you may approach the center now. Calling out to all the single ladies out there!" Anunsyo ng emcee sa pagsisimula ng activity.
"Ay! Ako, single pa...kasi naman eh. Kukunin ko talaga yang bouquet para ako na ang sunod." Rinig kong sabi ni Bianca. Nagkatawanan kami lalo pa nang irapan nito si Kuya Max na ngingisi-ngisi lang at pailing-iling pa.
Naikwento niya na sa amin kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni Kuya Max. They wanted to wait until Vianney turns a year old. Naiinip na si Bianca ngunit wala din siyang magawa kundi ang maghintay. Sabi nga niya, wala naman ding masama sa paghihintay. You can wait as long as you want, you can try as much as you want because you can do whatever you want with your life. Walang pumipigil, walang makikialam dahil desisyon mong maghintay sa mga bagay na tingin mo ay worth it. And she thinks that it is worth it to wait for the right moment to tie the knot, as long as it is with Kuya Max.
May punto siya doon and I realized that each of us has reasons. Each of us has their own opinion on things. Each of us make different decisions. Iba-iba at walang mali dahil iyon ang sa tingin natin ay tama para sa atin at para sa mga taong nakapaligid sa atin.
"Miss B, sasali ka? Hindi ka naman single ah! Taken ka na kaya ni Fafa Max!" Ani emcee nang makita si B sa mga babaeng pumunta sa harapan para saluhin ang bouquet.
Kita ko ang pagnguso ni B ng may itinatagong ngiti. "Single ako! Di pa ko pinapakasalan! Baka sakaling makapag-isip na siya kapag nakuha ko yung bouquet!" Sagot naman nito pabalik. Nagtawanan ang lahat ng taong nandoon. Natatawa ako sa pagkamangha kay B. Hindi mo aakalain ganyan ang ugali niya gayong naturingan man ding international model. She has this playful and crazy side.
"Who else? Lima lang silang single? Ano? Lokohan ba ito? Yung mga single dyan. Huwag na kayong mahiya ladies! Uso na ngayon ang single pero malay niyo kayo na ang sunod na ikasal! Hora mismo!" Ani pa ulit ng emcee. Natawa ang lahat sa joke nito. May sinabi dito si B na ikinatawa ng emcee.
"Miss B talaga!" Natatawang sita dito ng emcee. "Huwag na daw ako magtawag ng iba pa para naman daw konti lang kalaban niya." Sumbong nito. Tawanan ulit ang lahat. This is entertaining. Inagaw ni B ang mic sa emcee.
"Singles, come on! Pumunta na kasi kayo dito para matapos na at mapunta na sa akin ang bouquet! Okay na. Punta lang kayo pero huwag nang makiagaw." Natawa kaming lahat. "Trim...Trix...come here girls! Single kayo di ba?! Tara na dito!" Pagtawag nito sa amin. Napatingin sa amin ang mga bisita. Nagkatinginan naman kami ni Trim at saka nagtawanan. Damn it! May special mention pa talaga?
Napapailing na tumayo si Trim para pumunta sa gitna. Pinagtaasan niya ako ng kilay pero umiling ako.
"No. Go ahead, ikaw na lang." Taboy ko dito. Lalong tumaas ang isang kilay niya at hinila akong patayo.
"Come on, Trix. Don't be such a buzzkill. Let's enjoy this night! Singles nga naman tayo pero malay nga naman natin if one of us will catch the bouquet." Aniya para kumbinsihin ako. Napapahingang nagpatianod ako sa kanyang paghila. May mga narinig akong pumalakpak pa. Tsk. This is awkward and uncomfortable. Bakit kasi single pa ako!
When we got into the middle ay tumalikod agad iyong bride para ibato ang bouquet. I wasn't interested. Wala akong balak makiagaw, gusto ko rin itong mapunta kay B dahil na rin sa pakiusap nito. Pero iba ang ihip ng hangin...nilipad ang bouquet papunta sa direksyon ko at kamay.
Oh shit!
Nagpalakpakan ang mga tao. Naghiyawan din ang iba doon. Holy! Nakatitig lamang ako sa bouquet na hawak-hawak ko. What the hell?
Humagalpak sa tawa si Trim sa tabi ko at rinig ko din ang pag-ingos ni B. May mga sinasabi siya ngunit walang rumehistro sa utak ko. I am still in the state of shock. I looked at B and saw her smile despite not getting it.
"I think you should have this." Iniabot ko iyon kay B ngunit umiling lang siya at ngumiti.
"It's yours, Trix. It chose you. Ikaw pala ang susunod eh. Good luck! Pati na sa akin, maghihintay na naman pala ako." Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Nagsibalikan na sila sa kanilang mga upuan ngunit hindi pa ako.
"Good luck talaga, cous! Ikakasal ka na sa sunod." Nasa tono nito ang matinding panunuya. I grimaced. I wanna get married someday but not anytime soon. Goodness! I haven't even sorted things out!
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...