"What? You mean pupunta tayo ng Batangas? Magbibeach tayo?!" Gulat na may halong tuwa kong tanong kay Brent matapos niyang sabihin na pupunta nga kaming Batangas.
"Yeah, I know you love the beach and as part of our celebration too, I thought why not go to one? Malapit lang naman ang Batangas. We can stay there this entire weekend." Sagot niya. Tumayo ako patungo sa kanya at niyakap siya.
"You are the best boyfriend ever!" Sigaw ko na ikinatawa niya.
"Really? Don't you think your best boyfriend deserve something as a reward?" Taas baba ang kilay na saad niya. Ngumisi ako at saka binigyan siya ng malalim na halik. Naramdaman ko rin ang pagngisi niya sa pagitan ng halikan namin.
Hindi na ako makapaghintay na magpunta ng Batangas at magswimming doon. Gusto ko nang hatakin ang oras at ang araw para lang magSabado na. Kaya naman ng Sabado na ay maaga akong nagising. Handa na lahat ng dadalhin ko para sa 2 days and 1 night na stay namin doon.
"Ang ganda! Kanino itong villa?" Singhap ko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang ganda ng dagat pati na ang buhangin. Nakakaengganyong manatili dito.
"It's ours. My dad bought this para daw merong pupuntahan ang family namin for a weekend getaway." Sagot niya. Napatango lamang ako na hindi inaalis ang mga mata sa dagat. I really can't wait to take a dip.
Niyaya niya na muna akong pumasok sa loob ng bahay para sa tanghalian. Bumili nalang kami ng pagkain sa daan dahil talagang alam naming tanghali na kami makakarating dito. Malinis ang loob ng bahay kahit walang nakatira. Paniguradong may caretaker itong bahay nila.
Umakyat ako sa ikalawang palapag, sa maliit na balkonahe ay langhap ko ang sariwang hangin at mas malawak ang natatanaw ng aking mga mata. This place is really wonderful! Gusto ko ang mga ganitong lugar. I grew up sa hacienda, ekta-ektaryang lupa lamang ang nakikita ko. Lumaki akong naghahanap ng dagat at ganitong tanawin, kaya gustong-gusto ko kapag binibisita namin ang mga hotels and especially resorts namin sa iba't ibang probinsya dahil madalas ang mga iyon sa tabing-dagat.
Sunod kong tinungo ang mga kwarto. Gawa ang lahat sa kahoy, makaluma ang style ng mga kwarto doon pero mas nakakapagpadagdag iyon sa kapreskuhan ng lugar.
"So?" Taas kilay at nakangiting tanong niya sa akin nang bumaba ulit ako sa kusina kung nasaan siya.
"I love it here, babe! Thank you! Ang ganda ng bahay and ng lugar!" I told him. Lumapit siya sa akin at pinulupot ang kanyang braso sa aking baywang saka hinapit ako palapit sa kanya. Alam ko na ang susunod niyang gagawin kaya ay tinanggap ko iyon agad. Siniil niya ako ng isang malalim na halik na sinuklian ko din naman. It's his reward as what he calls it.
Nang maghapon, kahit na alas tres palang ng hapon at mainit pa rin ay nagyaya na akong maligo sa dagat. Halatang sinusulit ko ang dagat dahil bukas din ay uuwi na kami.
"Don't you have a more conservative swimwear? This is a private property but there are neighbors that might see you. Mabuti kung ako lang ang makakakita sayo." Nakasimangot niyang pahayag nang makita ang suot kong bikini. What's wrong with this yellow bandeau and stringed bikini bottom? "Paano kung may iba tapos mabastos ka na naman katulad nung nangyari sa Bohol?"
"Ano ka ba naman! No one's here. Tayo lang o!" Tinuro ko pa ang paligid na walang katao-tao. I only have my bikinis with me, hindi ko dala ang rash guard ko. Ngumuso ako, hindi niya ako mapipigilan na lumangoy sa dagat dahil lamang sa pagiging OA niya.
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...