Lunch na kaya naman ay napagpasiyahan ko nang kumain ngunit nagpunta muna ako sa banyo. Kaya pala sobrang mainitin ang ulo ko dahil sa ngayon napiling dumalaw ng aking buwanang bisita. Nasa cubicle ako at abala sa ginagawa nang may pumasok sa banyo. Palagay ko ay dalawang babae iyon at nagdadaldalan sila dahil ang lalakas ng boses.
"Ibang iba ang aura ni Sir Brent ngayon no? Hindi na siya masungit. Bakit kaya?" Curious na tanong nung isa.
"Eh baka dahil sa akin." Tumatawang sagot naman nung isang babae. Aba! Asa ka girl.
"Gaga! Nananaginip ka na naman, teh! Pero baka nga may lovelife na naman." Sabi nung isa.
"Okay na yun. Kahit hindi ako ang girlfriend niya. Mabuti nga yun nang laging maganda ang mood niya." Pagsang-ayon naman ng isa. Napangiti ako sa mga narinig ko.
Is it possible that his changes were all because of me? Haha! Kay assuming ko naman pero hindi na din malayo di ba? I'm his new...wait?! What really am I to him? Girlfriend? Pero hindi ko pa siya sinasagot no! Kaya lang, importante pa ba yun eh kung payagan ko nga siyang halikan ako parang wala nang bukas tapos minsan parang ako pa nga ang manununggab! Nasabunutan ko ang sarili sa sobrang kalandian. Nakakadisappoint ako! Jusko! Siguro kung ikikwento ko ito kay Mommy ay napagsabihan na ako nun na I have to be firm with my rules. Hay. I suddenly miss my mom and her advice when it comes to guy troubles.
But still the question is, what am I to him?! What are we exactly? Friends with benefits? Uh, I don't think we are. Hmmm, make-out buddies? As of now maybe pwedeng iyan ang itawag sa amin but then I won't allow such label! I want it to be official and decent. Yung tipong may habol at karapatan ako sakanya laban sa ibang babae. Tsaka yung meron kaming commitment sa isa't isa na tinatawag. I am not a fan of relationshits. I don't get why people invest in them a lot than having a proper relationship. They are called relationshits for a reason! It's a shitload of wasted time, efforts and emotions!
Buong lunch ay yan lamang ang iniisip ko kaya naman ay hindi rin ako nakakausap ng maayos nina Jam, Shay at Lysa. They asked me about our trip to Bohol ngunit tanging 'it was work-related' lamang ang isinagot ko. Napakashowbiz pakinggan pero ayaw ko munang magkwento lalo pa ngayong kahit ako ay naguguluhan sa estado naming dalawa ni Brent. Oo, may balak akong ikwento. Hindi naman kasi ako yung tipong todo deny pa kahit halata na. At tsaka mas mabuting sa akin na nila malaman kaysa sa ibang tao pa.
Brent and I had dinner sa paborito naming restaurant. We talked and he was so sweet! Muntik ko na siyang sagutin during our dinner. Yung tipong bigla nalang ako magsasabi ng 'OO NA!' sa sobrang kilig ko kanina. Mabuti nalang at napigilan ko pa ang sarili ko dahil lagot ako sa pinsan ko. I called Maxine to pick me up so we can hangout. Syempre sa place niya na kasi baka puro reklamo lang ang abutin ko once doon sa apartment ko ito pinagstay.
"Trim." That's how we call Maxine. Trim, shorter term for 3Ms which is her name - Maxine Melitha Montelibano. Ako ang nagisip ng palayaw sa kanya niyan nung bata pa kami because we wanted our nicknames to sound alike. Trix and Trim, right?!
"Trix, this place looks awful!" Reklamo niya sa akin nang sunduin ako. I knew it! Labas pa nga lang ay nilalait lait na nito. She's a brat and I used to be like her.
"It's not that bad, you know! It ONLY looks awful but it really isn't. And besides, it's the safest and cheapest place I can find." I explained.
"Exactly! It's cheap!" She crunched her nose. I rolled my eyes. Porque artista at sosyalera ang isang ito. "Ano ba kasing naisipan mo and you decided to do this stupid act?! You want freedom? Bull! Eh Tito and Tita doesn't even mingle with your parties!" She continued.
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...