"Hey, are you enjoying the party?" Nilingon ko si Brent na ngayon ay tumatabi sa akin sa upuan. I smiled meekly.
"Yes, of course." Tinanaw ko ulit ang grupong sumasayaw sa harapan.
"Sure? Bakit nandito ka lang?" Tanong nito. "I saw you and Mom talking a while ago. May sinabi na naman ba siya sayong masama?" I can hear his concern. Nilingon ko ulit siya at umiling. Sa pagkakatitig ko sa mga mata niya ay naisip kong hindi iyon magandang ideya.
"Ano--" hindi niya naituloy ang sinasabi nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan. Alam kong nakikita niya rin ito. Ameer is calling. Napahinga ako ng maluwag. It's as if naligtas na naman ako sa hindi na mabilang na pagkakataon. Kung saan ako naligtas ay hindi ko alam.
Sinagot ko ang tawag ni Ameer at hinayaan si Brent sa aking tabi. Katulad ng lagi nitong ginagawa at sinasabi kapag tumatawag ay kinakamusta niya ako at pinapaalalahanan na mag-ingat. Lagi niya din pinapaalala kung gaano niya ako kamahal.
"I love you.." Malamyos na pahayag nito sa kabilang linya. May nagbara sa aking lalamunan. Pumikit ako.
"I love you, too." I answered. Mahal ko siya. Mahal ko si Ameer. Mahal ko dapat siya. Ito ang lalakeng dapat minamahal ko ng buong-buo. He's the right guy for me. He's the best man for me. Hanggang kaya ko, pipilitin ko. Hindi ko siya bibitawan. "I love you, Ameer." Ulit ko.
Nang ibaba ko ang tawag ay agad na nagsalita si Brent.
"Boyfriend mo?" Tanong nito. Nilingon ko ulit siya ngunit hindi siya nakatingin sa akin kundi sa harap. Walang mababakas na ekspresyon sa kanyang mukha. Tinignan niya ako nang hindi ako agad sumagot.
"Oo." Sagot ko nang nakatingin sa kanya ng diretso. Tumingin ulit siya sa harapan at hindi nakaligtas sa akin ang pag-angat ng labi niya hanggang sa umigting ang kanyang mga panga.
"Mahal mo?" Tanong ulit niya. There's humor in his tone. Napakunot noo ako.
"Oo, Brent. I won't be with him if I don't." Matigas na sagot ko. Mahal ko man o hindi, wala na siyang pakialam doon! Tumayo ako para umalis na dahil hindi ko na nagugustuhan ang patutunguhan ng pag-uusap namin.
"So, what about me? Minahal mo ba ako?!" Anito nang nakasunod sa akin. Nandito na kami sa parte na wala na masyadong tao dahil malapit na sa pintuan. Damn it! Sabi na nga ba! Nagpatuloy ako sa paglalakad at mas binilisan pa. Ngunit naabutan niya ako at hinarap sa kanya.
Kasabay ng pagharap ko ay ang pagtawag ni Pinky mula sa likod ni Brent.
"Brent!" Tawag nito na tila ba nagpapaalala. Sumilip ako sa direksyon ni Pinky saka tinanggal ang kamay ni Brent na nakahawak sa braso ko pero napakahigpit noon. "Brent!" Mas dinig ang pagbabanta at pagmamakaawa sa boses nito ngunit hindi natinag si Brent. Nakatingin lamang siya sa akin ng umiigting ang panga na tila ba nagpipigil.
Bumuntong-hininga si Brent at ito na mismo ang kumalas sa pagkakahawak sa akin.
Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang paglalakad paalis doon. Shit! Hinimas ko ang parte na hinawakan niya kanina. Hindi ko alam na masakit. Napapikit ako.
"Patty..." Biglang napalingon ako sa tumawag. It's Pinky. Ngayon lang ulit kami magkakaharap, kanina ko pa siya nakikita pero hindi pa kami nagkakatagpo. Siguro ay umiiwas siya at ganoon din ako.
"Yes?" Pilit kong pinapatatag ang aking boses. I am feeling guilty! So darn guilty for what happened awhile ago. Pakiramdam ko ay may ginawa akong masama, kami ni Brent.
"A-anong sinabi ni Brent sayo? Meron ba?" Tanong nito na bakas ang takot at kuryosidad.
"Nothing, Pinky." Sagot ko.
"Wala? S-sigurado ka?" Paninigurado nito. Napakunot ang aking noo. Wala naman talaga di ba? Oo, nagtanong siya kung totoong minahal ko nga ba siya ngunit hindi iyon importante.
"Yes, Pinky. He didn't say anything." Nakita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata.
"Pwede ba akong makiusap ulit sayo? Patty, kahit anong mangyari...please, huwag mo siyang kunin sa amin." Umigting ang panga ko sa kanyang pakiusap. What? I am not planning to ruin their family. Wala akong balak agawin si Brent sa kanila. I never ever deem myself as a mistress!
"Don't worry, Pinky. Wala akong balak kunin siya sa inyo. I have moved on. I don't love Brent anymore. Sana tigilan mo na ang pag-iisip ng masama sa akin. It's all over." Pahayag ko. Lumambot ang kanyang ekspresyon na tila ba nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko.
"Salamat, Patty..." Wika niya. Napalunok ako sa tila pagbabara ng aking lalamunan. Tumango ako at tinalikuran na siya ulit.
I refuse to play dumb now. Alam kong pinipilit ko ang sarili kong magmahal dahil baka sakaling matutunan ko ngang magmahal ng iba. And yes, nasasaktan pa rin ako...apektado pa rin ako dahil nagmamahal pa rin ako. But, I am willing to ignore whatever what's here just to see what's still out there. Gusto kong makadiskubre ng iba pang pag-ibig...yung puro at yung bago, hindi yung pag-ibig na babalikan mo kahit puno ng lamat.
"You are early..." Puna ni Kuya Alfie nang madatnan ko itong palabas mula sa kusina na may dalang bote ng alak. "You wanna join me? Parang kailangan mo ng alak ha." Biro nito sa akin. Natawa ako and shrugged my shoulders. Sumunod ako sa kanya sa garden at naupo sa tabi nito.
"Anong nangyari sayo?" Tinignan ko si Kuya na nakatitig sa akin na tila ba nanunuri ang mga mata. Kinuha ko ang isang bote at tinungga iyon. I don't care about my poise, it's just me and Kuya. Sanay na ito sa akin. Mas sanay nga itong burara ako kaysa sa pino ang galaw ko.
Tahimik lamang ako at sunod-sunod ang ginagawang pag-inom. Narinig ko ang pagtawa ni Kuya. "You know what? Sige na. Iiyak mo na yan. I won't judge." Anito. Umiling ako habang tumutungga saka ngumiti. Humahagod ang init at pait sa aking lalamunan.
"Bakit ako iiyak, Kuya? I don't have anything to cry about..." Katwiran ko dito. I don't get why he wants me to cry. I just wanna drink.
"Hindi ko alam sayo. Mukha kang problemado at maiiyak so why don't you let it out? Ako lang naman ito." Pahayag niya ng nakataas kilay.
"Kuya, hindi nga ako naiiyak. Besides..." Lumunok ako saka tumungga ulit. "Besides, I promised myself I'll never cry for the same reason again! Hindi ko na iiyakan iyong hindi naman mahahalaga. Hindi ko na iiyakan iyong mga nawala at ayaw mawala! So, I'm not about to cry. I am not going to cry. Fuck no. I won't let myself cry." Matigas na pahayag ko. Hindi ko na nakontrol at sumabog na ako.
"No, then." Tila sumusukong wika nito sa nanunuyang paraan. Tinignan ko siya at nakita ko ang bakas ng ngisi sa kanyang labi. "So, love isn't important huh? You won't cry for love? You are one tough cookie if you won't cry for love."
"Who says I am talking bout love, Kuya? I am talking about stupidity. Katangahan! Hindi iniiyakan iyon. Hindi dapat iniiyakan ang walang kwentang bagay gaya ng pagpapakatanga." Sagot ko dito.
"Potato, po-ta-to. Pareho din iyon. Love comes with stupidity. And you are talking about your stupidity when you were in love with Brent." Natatawang pahayag nito. How he knew about Brent...that, I don't know. Never ko sakanyang naikwento.
---------
I am so disappointed with myself. I don't think matatapos ko itong kwento bago mag New Year. Gusto ko man pero nahihirapan ako magsulat. Hahaha! Di ko siya achieve. :( But anyways, ayos lang. I was just challenging myself. Random craziness on my part. Haha!Just sharing! :)
Peace!
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...