Thirty-ninth War

2.4K 54 1
                                    

One day when you discover
How bright I try to love you now
I won't be around
Too late
Your loss I'm found

It's too late, too late
Your loss I'm found

Napairap ulit ako sa kawalan. I've been hearing Trim sing this song the whole time she's in my office.

"Wala ka ba talagang balak ibang puntahan ngayon maliban dito sa opisina ko? Any commitments? Anything?" Kung pang-ilan beses ko nang tanong ito ay hindi ko na mabilang. I am determined to shun her away. Naiirita ako sa boses niya at sa kanyang kanta.

"Bakit ba pinapaalis mo na ako? Grabe ka talaga!" Nakanguso nitong reklamo. I rolled my eyes and exhaled.

"Trim! You are disturbing me! If you want to practice that song, please not here in my office!" Sabi ko dito nang pinipiit ang iritasyon. Sa dinami-daming lugar na pwede niyang puntahan para mag practice nang kakantahin niya para sa isang pelikula ay dito niya pa naisip! At sa dami naman ng pwedeng kumanta bakit yung karakter niya pa ang napili?! Sa dinami-dami din ng kanta ay bakit iyon pang naiilang akong pakinggan.

Nakakarelate ako. Sobrang relate na relate ako at hindi ko iyon magawang ikaila. Walang masama pero katulad kanina ay may ilang akong nadarama.

"Bakit ba? What is your problem? Hindi naman pangit boses ko, para ka nga lang nakikinig sa radyo." Katwiran pa nito. I groaned from frustration. Hinayaan ko siyang kumanta ng paulit-ulit.

I gave my all
Guess you knew all along
I would fall
For your teasing, why?
And no matter what,
I won't go back to who I was
And watch you will be there, oh, no

Pumikit ako nang marinig ang lyrics ng kanta. Ano ba naman ito? Bakit isang kanta lamang ay naalala ko ang lahat. Isang 'I gave my all' lang ay bumalik na naman ang mga nangyari.

Was I triggered by our encounter awhile ago? Naiisip ko siya dahil sa nangyari kanina at hindi iyon mawala sa isip ko dahil naguguluhan ako sa naramdaman ko.

Hindi. I should think of Ameer. I should think of my happy pill. My new love. My heart's refuge. I was once lost and Ameer found me. He should be the only one I must think of and not an old love or any old feelings.

Hindi na binabalikan ang mga bagay na wala nang saysay. Ang mga bagay at pakiramdam na dapat ay matagal nang itinapon. Oo may pinagsamahan kami noon pero hindi sapat iyon upang bigyan ko pa ng halaga. Walang mahalaga sa sakit. Walang mahalaga sa luha. Walang mahalaga sa naging relasyon namin noon. But if there's one important thing, I want peace. I wanna make peace with them. Ngayon kaya ko nang ibigay ang hiningi sa akin ni Pinky noon.

Pagbaba ko ng sasakyan ay napatingin ako sa gusali sa aking harap. The last time I was here, I was supposed to hear their presentation on a possible partnership but I was too bitter to work with them. I was bitter. I was full of hatred and pride so I rejected them. And now, I'm here again to hear their presentation but I am willing now. With just that I realized that a lot has really changed in me.

Kita ko ang pagsalubong ni Brent sa akin galing sa entrance ng building. Tipid na nginitian ko siya as acknowledgement ngunit mas malapad ang ngiting binigay niya sa akin.

"Good morning, Pa-- Ms. Villamor." Bati niya nang makalapit. Tumango ako.

"Good morning. Shall we go in so we can start and be done with?" Sabi ko ng walang pag-aalinlangan dahil totoong gusto ko nang matapos ito. I am not comfortable when he is around. Ang buong akala ko ay maayos na ulit ako simula nang nagkita kami noong nakaraang linggo ngunit ngayong kaharap ko na naman siya ay bumabalik ang mga pakiramdam na ayoko nang maramdaman.

Inilahad niya ang daan at nauna na akong maglakad papasok ng kanilang opisina. Bumati ang mga guwardiya, ngumiti ako ng malapad sa kanila. Naaalala ko ang dalawa sa kanila, sila din ang mga dating guwardiya noon na kasundo ko.

Gaya ng dati ay pinagtitinginan na naman ako ng mga empleyado. No, actually, kami ni Brent. Halong pagkamangha at pagtataka ang mga ekspresyon nila nang makita kami. Mayroong mga pamilyar pa rin na mukha ang aking nakikita.

"Nothing much has changed since you've been here." Ani Brent sa tabi ko nang mahalata siguro na kahit kasuluk-sulukan ng building ay hindi ko nilalagpasan ng tingin. Hindi ako sumagot. Nanatili akong pinagmamasdan ang paligid. Tama siya. Wala ngang halos nagbago. Nadako ang tingin ko kay Brent. The only thing that has changed was us. Umiwas ako ng tingin ng nakita niyang nakatingin ako sakanya.

Nang papunta kami sa conference room nila ay nagsisitayuan at bati ang mga empleyadong nadadaanan namin. Sa malayo pa lamang ay natatanaw ko na sina Shay, Lysa at Jam. Ngumiti ako, namamangha at nahihiya naman ang mga hitsura nila. I missed them. Sa lahat ng nandito ay sila lang ang pinakisamahan ako ng mabuti.

I stopped in front of them. "Good morning, Ma'm." Sabay sabay nilang bati at yumuko pa ang mga ito. I raised a brow.

"Ma'm? Girls, you can call me Trix para naman tayong hindi friends! Tsaka bakit parang di naman kayo natutuwa makita ulit ako?" Sabi ko sakanila. Nakita kong namula ang mga pisngi nila. What is wrong with them? Nahihiya ba sila? Eh ang pagkakatanda ko ay maiingay at hindi naman sila mahiyain. They are friendly.

"H-hindi po, Ma'm! Natutuwa po kaming makita ka ulit." Natatarantang bawi ni Shay. I raised a brow again that made her swallow. Ma'm na naman? Bumuntong hininga ako. Alright!

"Later on, we can have lunch together! Namiss ko kayong kasama kumain. Let's catch up! And please stop calling me Ma'm na! Nakakaasiwa!" Nakangiti kong pahayag. Halata pa rin ang pagkailang at hiya sa mga mukha nila ngunit tumango naman ang mga ito.

"Pat-- Ms. Villamor, let's go." Yaya ni Brent. Tumango ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad patungong conference room nila. Hindi ko pinapansin ang pagkakamali niya sa tawag sa akin.

Pagkapasok ko ay nandoon na ang iba naming kasama sa meeting. Nakita ko ang Daddy ni Brent na naroon. He smiled at me so I returned the smile. Words of introduction were exchanged then they started the presentation.

"I am satisfied with the designs you've presented. Let's just all meet again for the signing of contracts. Thank you, ladies and gentlemen." Ani ko. Tumayo na ako at sumunod naman ang sekretarya ko.

"Let me escort you out, Ms. Villamor." Wika ni Brent na ngayon pala ay nakasunod na sa amin. Ayoko na ng presensya niya ngunit wala akong magawa. Parte ito ng pagpapakita niya ng pakikisama at hindi ko iyon pwedeng lagyan ng kahit anong kahulugan. I can't think of my own. This is purely business.

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon