Nang pakawalan niya ang labi ko ay parang hindi ko na ito maramdaman. "You can't just kiss me and own me, Brent. I'm more than that. I'm not cheap." Kahit hingal ay nasabi ko ito. Ayokong isipin niya na I'm easy to get dahil hindi naman talaga ako ganoong klaseng babae. I've had my share of past boyfriends at lahat sila ay naghirap muna bago makuha ang 'oo' ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha nito na agad ding napalitan ng kunot. "I've kissed you and you kissed me back that means-"
"That means nothing but urge. If you want me then you must do it the right way, Brent." Putol ko dito.
"What is it then?" Tanong nito sa akin na kunot na kunot na ang noo. Naiinis na naman yan panigurado.
"Panliligaw." I said simply. I almost lost it when I saw his expression. Para siyang kumain ng sobrang pait na ampalaya.
"You want me to court you? You can't be serious, Patty!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. Aba!
"Ayaw mo? Then wag. Hindi kita pipilitin. Hindi ko naman kawalan ang hindi mo panliligaw eh. You may be able to kiss me easily but you can never own me that fast. Wag mo akong itulad sa ibang babae dyan." Maarteng sabi ko at tumayo na para iwan siya doon.
Alam kong nakasunod siya sa akin at nakumpirma ko iyon nang hawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya habang pilit na binabawi ang kamay.
"What are you doing? Let go of my hand." Sabi ko ngunit parang wala itong narinig.
"I'm courting you so..." Tanging sinabi nito at hindi na iyon itinuloy. Hinayaan ko na lamang na hatakin ako nito patungo sa restaurant para kumain ng dinner. Habang kumakain ay panaka-nako ko itong tinitignan. I still can't believe he's really going to court me.
"Say it already, will you?" Utos nito sa akin.
"Ha?" Nakatangang sagot ko dito.
"You wanna say something." Kaswal at siguradong sabi nito.
Paano niya nalaman?
"I can sense it by the way you were glancing at me every other minute." Sabi nito na lalong nagpakunot sa noo ko. Wow naman bilib na ko sa kanya, parang narinig niya yung tanong sa utak ko ha.
Napatawa ito ng malakas. Damn, he's really beautiful when he laughs. "No baby, you just said it aloud again. You seem to do that a lot." Pakiramdam ko ay inihaw ako sa sobrang init at para akong lechon na namumula mula na. Nakakahiya!
"Heh!" Singhal ko para pagtakpan ang pagkapahiya ko.
"Come on, baby. What is it you wanna tell me?" Natatawa pa ding tanong nito kaya sinamaan ko na ito ng tingin.
"Are you serious sa sinabi mong manliligaw ka? O baka naman pinaglalaruan mo lang ako?" Nakataas kilay na tanong ko dito.
Tumigil na ito sa pagtawa ngunit nakangiti pa din. "Tell me baby, kailan ba ako hindi seryoso sa mga sinasabi ko?"
Naalala ko bigla kung paano ako naging secretary niya. The guy sure does not joke at all. Sa bawat sinabi nito sa akin noon ay wala ni isang hindi nangyari. But is it enough for me to believe him?
"Alright, I know you're not convinced. I'll just show you how serious I am." Malumanay ngunit seryoso na sabi nito at nginitian ako. Ngiti palang ata niya ay mapapa-oo na ako kaya ngayon palang ay excited na ako sa panliligaw na gagawin niya.
Kinaumagahan, nagising ako ng maaga dahil alas otso magsisimula ang conference. Alas siyete palang ay tapos na akong mag-ayos kaya nagtungo na ako para katukin si Brent sa kwarto niya. Binuksan nito iyon at tumambad sa akin ang isang bagong paligo na anghel na biniyayaan ng katawan ng isang diyos. Nakasuot na ito ng slacks at light blue polo ngunit hindi pa din nakabutones ang kalahati nito. Napalunok ako ng pasadahan ko ng tingin ang makisig na dibdib nito at nakita ko rin na may sumisilip na abs sa ilalim ng nakabutones na parte. Sayang dapat siguro ay inagahan ko pa ng konti ang pagkatok. Lumunok ulit ako sa kapilyahang naisip at pinilit ang matang alisin na ang tingin doon.
Nadako ang tingin ko sa mukha nito at nagkatinginan kami. Nakita ko ang ngiti na naglalaro sa labi nito matapos akong mahuli na nakatitig sa katawan niya. Nanunuya at pilyo ang paraan ng pagngiti nito. Umiwas ako ng tingin dahil guilty ako at alam kong pulang-pula na naman ako.
"I can get used to seeing you blush in the morning. And I think I'm gonna be addicted." Seryosong sabi nito habang pinagmamasdan ang mukha ko. Napatingin ako dito at napalunok ng makita ang intensidad ng tingin nito sa akin.
Tumikhim siya at tumalikod na para tapusin ang pag-aayos. Sumunod ako sa loob para naman ayusin ang mga kailangan niya sa conference ngunit panaka-naka ay pinanonood ko siya. Nakita kong hindi maayos ang pagkakalagay niya ng necktie kaya lumapit ako dito at inayos iyon. Narinig ko siyang nagmura at sa isang iglap ay sakop niya na ang labi ko.
"Damn, I am definitely addicted to you." Pinasadahan nito ng daliri ang labi ko at halos mapapikit ako sa ginawa niya. I'm afraid I'm addicted too. Pero pinili ko na lamang wag sabihin iyon.
------------------Hi guys! If there's anyone reading this, I just wanna tell you you're absolutely amazing! Haha. Thank you so much for dedicating a minute of your life to reading this story. I'm so emotional, sorry! Lol. Anyways, I hope you can check out my other stories as well. It's love-week of the love-month so I'm spreading some love yo! Stay aweeee-some people! ;)
Media Disclaimer:
Credits to the owner of the video. Addicted To You by Avicii
BINABASA MO ANG
Hearts At War
Fiksi UmumShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...