Tiningala ko ang mataas na gusali na nasa harap ko. I never knew I'd be back here so soon. Napangisi ako. A month after what happened in Galera, here I am...executing my revenge in motion!
Nagtuloy ako sa pagpasok. Ngumiti ako at tinanguan ang guwardiya na ngumiti din naman pabalik. So, I'm still allowed inside this building.
Ramdam ko ang lahat nang mga nakatingin sa aking mga mata. Sinusundan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Siguro ay nagtataka sila na makita pa ako dito matapos ang lahat ng nangyari. Plus, I'm just wearing a plain white shirt and faded torn-up jeans and an old pair of chucks. Not in the mood to dress up because this is not even important. Binalewala ko ang lahat ng iyon at dumiretso sa elevator.
"Hi." Nakangiting bati ko sa ibang mga kakilala na nakasabay ko sa elevator.
"Tapos na lunch break niyo?" Usisa ko ulit sa pamilyar na babaeng katabi ko. Napipilitang ngumiti ito at tumango.
Pagkabukas pa lamang ng elevator ay natatanaw ko na ang mga empleyadong hindi magkandaugaga sa pagpasok at paglabas galing sa meeting room. Napailing ako at bumuntong hininga. Masyado nilang pinaghahandaan.
Natanaw ko ang grupo nina Shay, Lysa at Jam sa di kalayuan na abala kausap ang finance manager. Tinungo ko ang pwesto nila.
"Hey girls!" Masiglang bati ko sa mga ito at katulad ng iba ay nagulat ito nang makita ako. Si Jam ang unang nakabawi at tumakbo para yakapin ako. Natutuwang niyakap ko din ito pabalik.
"Patty!" Tuwang sigaw din nina Shay at Lysa at lumapit sa akin. Nginitian ko ang finance manager na nakatitig sa akin ng nakataas ang kilay.
"Hoy, saan ka na ngayon? Ang tagal mo ding hindi nagpakita!" Ani Jam.
"Hindi ito oras para magkamustahan kayo. Miss Carlos, you must know what today is so mamaya mo na sila istorbohin." Masungit na sita nito sa pag-uusap namin.
"Oh yeah. Sorry!" Nakangisi kong sagot. Dali-dali namang nagsipagkilos silang tatlo para gawin ang pinapagawa ng manager nila. Sayang naman niyan.
Tatalikod na sana ako at pupunta sa malapit sa meeting room upang doon maghintay nang may nanggagalaiting sumigaw. "Who let you in here?!"
Natigil ang lahat ng empleyado sa sigaw na iyon. Napangisi ako. Alam kong ako ang kausap nito at wala nang iba. Nilingon ko ito at lalong napangisi sa nakita.
Ooh...the Loruega family is complete. How nice! Mr. Loruega is trying to stop Mrs. Loruega from attacking me, I assume. Brent was just staring at me and his brother Brandon was clearly shocked to see me. Oh my bad. Kulang pa pala, I wonder where's Mrs. Pinky Loruega?
"Hello!" Magiliw na bati ko sakanilang lahat. Nakita ko ang lalong pagkainis sa mukha ni Mrs. Loruega. Akmang sisigaw na ulit ito nang pigilan ni Brent.
"Mom, enough." Bumaling ito sa akin at seryosong tumingin. Nakipagtitigan ako sakanya. "What are you doing here, again, Patty?" Tila pagod na tanong nito. What happened to the cocky Brent at his wedding? Is married life finally taking a toll on him? Lol! Pitiful!
Tumaas ang kilay ko ngunit agad ko iyong itinago. "I'm here for work." Matamis ang ngiting sagot ko dito.
"I blocklisted you on agencies and companies after what you've done! I don't know how you still managed to get a job with Winston Resorts! Once we made the deal with them, I'll tell them all about your misconduct!" Nagmamalaking sigaw ni Mrs. Loruega. Natawa ako ng malakas. Mapang-asar. Nanunuya ko itong tinignan.
"Mrs. Loruega, it's useless. I will still get a job." Natatawa kong sabi dito.
"Well...You must be using your body to get a job kaya ka nakakalusot!" Bintang pa nito na lalo kong ikinatawa.
BINABASA MO ANG
Hearts At War
General FictionShe needed to protect herself from the pain and save what was left of her. He needed to hide his misery when she chose to save herself. Shattered hopes and broken trusts plus a lost love are just enough to start a war. A war between two hearts tha...