Third War

3.4K 67 0
                                    



"Which parts of 'you have to be my secretary temporarily' and 'quit your job' are not clear to you?!" alas nuwebe ng umaga ay nabulabog agad ang café. Umagang umaga, sira ang araw ko! Alam na kung sino ang nageeskandalong ito.

Hingang malalim.

"Ma'm, for a while po ha." Malumanay na pakiusap ko sa guest na umoorder sana nung mga panahon na sumigaw ang dragon. Tumango ito pero ang buong tingin ay nasa dragon na konti nalang ay mukhang magbubuga na ng apoy. Nakakatawa ang hitsura niya. Iritang irita ang mukha at pulang pula. In fairness, gwapong dragon ito ah.

Binalingan ko ang nagaalburotong lalake. "Mister, siguro yung part kung saan yung opisina mo, kung anong pangalan mo at ng kompanya niyo. Let's add din na hindi ganon kadali magresign! Now let me ask you this too Mister Genius, can you tell me which part of our conversation yesterday did I agreed to all of these? I don't remember saying yes yet!"

Ngumisi ito. "Well Miss Genius, when you say yet then it is bound to happen so what's the use of arguing? But as far as I remember, I wasn't asking you. You owe me that! If you weren't acting like your stupid self yesterday you should know where to go today!" Napakunot ang noo ko. Loko ba siya? Wala naman siyang sinabi eh! "I told you our company and my name before I left." Magsasalita sana ako ngunit naalala ko nga pala na napanganga ako kahapon sa sinabi niya at malamang nga na nagsalita siya kaya lang di ko naintindihan. Kaya pala parang may narinig ako at medyo matagal siyang nakatayo dun.

"What? You remember now? Ha!" irita pa ding sabi nito. "Let me just inform you that I lost a big client because no one was answering my secretary's fucking telephone!" patuloy nito.

"Patty, anong nangyayari dito? May problema ba?" tanong ng manager na kalalabas lang galing sa loob. Siguro ay tinawag na ito ng iba kong katrabaho dahil sa eskandalosong lalakeng ito at humahaba na ang pila sa may counter.

"Ma'm, wala po..." sagot ko sana ng may pumutol sa sinasabi ko.

"Yes there is, actually, she's quitting her job here." Napatingin dito ang manager ko pati na din ako. Nanggagalaiti na ako sa galit. Sino ba siya para pagdesisyunan ang buhay ko?!

"Hindi totoo yun, Ma'm!" baling ko sa manager namin ngunit sa kasamaang palad ay mukhang hindi niya narinig dahil sa nakatanga ito sa huklubang lalake.

"It's true. She'll be sending her resignation letter on your e-mail this afternoon. She should've gave it to you yesterday, I'm sure you'll sign it anyway so it would be okay if you let her off now." Sabi nito sa malumanay at nakikiusap na tono. He is using his charms towards my manager to have his way! Eto namang manager ko, pinakiusapan lang ng gwapo tumango tango naman! Aanga din! Argh, magsama silang dalawa!

"Tanga ka ba? It's not even a legal process!" tutol ko dito.

"Patty, it's not the proper way to talk to a guest. It's fine, I'll let you off now but make sure to send me your resignation letter later." Sabi nito sa akin. ANO?! Pumayag nga talaga siya? "Sir, on her behalf, I wanna apologize for the way she talks to you." Baling nito sa huklubang lalake. Pwe! Kadiri! Halatang nagpapacute kasi ang manager ko dito.

Ngumiti naman ito pabalik sa manager. Ang ganda ng ngiti! Siyempre, ngiting tagumpay eh! Nakakatuwa siguro yung ngiti niya kung hindi tagumpay laban sakin ang dahilan nito. "Thank you very much."

Leche! Thank you ka pa ha! "I can sue the company for the illegal lay-off process!" tinignan nila akong pareho. Take note, masamang tingin ang binigay nila sa akin!

"She won't do that because I know she'll prefer resigning than being fired." Bawi nito sa sinabi ko laban sa manager habang masama pa din ang tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay na tila naghahamon.

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon