Nineteenth War

1.8K 52 0
                                    

Nagising ako ng maaga kahit na ang sarap ng tulog ko dahil napag-usapan namin kagabi na panoorin ang pag-angat ng araw. Alas singko y media ng umaga ay medyo madilim pa ang paligid, dumiretso ako sa balkonahe at doon ko nakita si Brent na malayo ang tanaw habang may hawak na isang tasa ng kape.

Niyakap ko siya mula sa likuran. Ramdam ko ang gulat niya dahil sa paninigas ng kanyang katawan. Nang nilingon niya ako ay mukha pa siyang nagulat sa akin.

"Good morning! Are you okay?" Tanong ko sa kanya nang mahalatang hindi pa rin siya natatauhan sa pagkagulat. Bumuntong hininga siya at saka ngumiti.

"Good morning baby." Hinalikan niya ako sa noo. Hindi ko alam pero napapikit ako. Dinama ko ang kanyang labi. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Dinala niya ako sa harap niya at niyakap mula sa likuran. We were facing the ocean and the sun is peeking from the horizon. I need to lighten up the mood. This is supposed to be a start of a beautiful morning.

"Alam mo bang I always imagined myself getting married at a beach with a beautiful sunrise on the background. Sunrise, ganito..." Nakangiti kong kwento. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib habang siya naman ay dinikit ang kanyang pisngi sa gilid ng ulo ko.

"Why sunrise?" Tanong nito habang pareho pa rin kaming nakatanaw sa papasikat na araw. Unti-unti nang lumiliwanag ang paligid.

"Gusto ko iyong concept ng sunrise and what it symbolizes - new day, fresh start and light. Same goes with marriage, it is a new chapter and a fresh start with the one you love di ba? And kapag hindi na maganda ang nangyayari sa pagsasama namin ng asawa ko, aalalahanin ko lang ang kasal namin at iisipin ko yung papasikat na araw tsaka yung vows namin para malinawan ako at hindi siya sukuan." Nakangiti kong kwento ngunit unti-unti iyong nawala.

Hindi ko ito kailanman naikwento kahit kanino. Ang sabi ko kasi sa sarili ko ay ikukwento ko lamang ito sa taong gusto kong pakasalan. And here I am telling Brent all about it. Why? Was it just a slip of a tongue? Nadala lamang ba ako ng paligid, tanawin at ng panahon? Kinapa ko ang sarili. Hindi ko naman pinagsisisihan ang mga sinabi ko. Kung may nararamdaman man ako ngayon ay iyong gaan ng loob na sa wakas ay may isang tao na rin akong nasabihan. Ngumiti na ulit ako at hinarap siya.

"I love you, Brent." Pag-amin ko. I finally let it out. Good thing ay ngayon lamang ako kinabahan matapos ko iyong sabihin. Halata ang pagkagulat niya sa sinabi ko, nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi. And then he suddenly smiled...

"I love you too.." He said as his eyes flashed an emotion I cannot put a finger on. Lalo akong napangiti sa sinabi niya at binalewala ang nakita sa kanyang mga mata. He kissed me and I answered all his kisses with the same passion.

Napakagandang simula ito ng aming araw. Nanatili pa kami doon sa balkonahe saglit bago napagpasyahang bumaba ng kusina para sabay na magluto ng agahan. We are like kids playing house. Ang gulo gulo din ng kusina pagkatapos naming magkulitan habang nagluluto. Nang matapos ay dinala namin yung mga pagkain sa may buhangin, naglatag ng isang tela at doon kumain.

"Tutuparin ko ang kasal na gusto mo..." Bulong niya sa akin nang nakahilig ako sa kanya habang nakatanaw lang ulit kami sa malawak na dagat matapos naming kumain.

"Talaga?" Malapad ang ngiting tanong ko kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Yes, one day we'll get married as the sun rises from the horizon and vast ocean." Sabi niya. I can't wait for that day. Ngayong andito siya at sinasabi niya ito sa akin nagkaroon ng mukha ang lalakeng pinakakasalan ko sa aking pangarap.

"One day..." Ulit ko pa. Napakasaya ko na hinihiling ko na sana ay hindi na ito matapos pa. Sana dito na lamang kami. Malayo sa lahat ng pwedeng magpawalay sa amin.

Nakatulog ulit si Brent matapos naming mag-agahan, ayos lang din naman para makapagpahinga siya ng mabuti. Gusto kong magswimming pero siguro ay mamaya na ng konti. Tumungo ako sa isang kwarto doon na maraming gamit. Nakita ko na ito kahapon pero hindi ako nagtagal dito. Ngayong wala akong magawa ay gusto kong maghalungkat ng kung ano. Hindi ko alam kung ginawa na ba talaga itong storage room dahil meron pa rin namang kama. Tumingin-tingin ako ng mga gamit at napagtanto kong parte ito ng mga alaala nila dito sa bahay na ito. Mayroong bola doon na flat na sa sobrang kalumaan, mga kahon kahon na hindi ko na binuksan pa at sa isang upuan ay may dalawang librong magkapatong. Nang lapitan ko ang mga libro ay nakita kong photo album pala ang mga iyon.

Binuhat ko ang dalawa at ako ang naupo sa silya. Nagsimulang binuklat ko ang unang album, puro ito litrato ng pamilya nila at ang napansin ko ay lahat iyon kinunan sa bahay na ito. Kumpleto sila at masaya, ang parents niya, si Brent at isa pang lalake na kamukha niya ngunit mas bata. Kapatid niya? Hindi ko alam na may kapatid pala siya. Tinuloy ko ang pagtingin sa mga litrato, natutuwa ako sa mga larawan ng iba't ibang okasyong dito nila naicelebrate. May Christmas, mayroong birthday ng kapatid niya, birthday ng ina niya at sa tingin ko ay anniversary ng mga magulang niya dahil mayroong isang picture ng candlelit dinner doon.

Ngunit natigilan ako nang makita ko ang sunod at pinakahuling batch ng mga larawan saka mapait na ngumiti. It was a dinner for Brent and Pinky and not for her parents. Dito sa mga sunod na litrato ay silang dalawa ang magkasama. Kumakain sa candlelit dinner na nakahanda. Mayroon ding nakahiga sila sa buhanginan, may kuha din sila sa isang kwarto. Ang alam ko ay iyon ang kwarto kung nasaan si Brent natutulog.

Sinara ko na ang album at hindi ko na tinignan ang isa pa. I should have expected this. But I was not able to. Ang tanging naisip ko lang ay masaya akong dinala ako ni Brent dito at ni hindi na sumagi sa isip ko na, oo nga siguro nauna niyang dinala dito si Pinky, na imposibleng hindi niya gawin iyon, na imposibleng ako naman ang unang nakapunta dito sa bahay nila sa Batangas. Pinky is always first, she's always a step ahead of me. Dapat ay iyon ang inisip ko para naihanda ko na ang sarili ko para dito.

But when will it end? Lagi nalang bang nauna si Pinky kaysa sa akin...

"Why are you so quiet?" Tanong niya sa akin nang pauwi na kami ng Manila.

Umiling ako. "Pagod lang ako." Kita ko ang pabalik-balik na sulyap niya sa akin.

"Of course you'll be tired. You were swimming when I woke up. Hindi ka na nagsawa sa dagat. Get some rest. Sleep. I'll just wake you up when we reach home." Malambing niyang pahayag, hinaplos niya pa ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang kamay. Tumango lamang ako. Kanina pagkatapos ko sa mga litrato ay naligo agad ako sa dagat para mahimasmasan ako. Hindi ako umahon hangga't hindi ako napapagod at hindi sumakit ang aking mga braso't binti kakalangoy. Gusto ko may masakit na ibang parte ng aking katawan para iyon ang iindahin ko at hindi ang gumuguhit na sakit sa puso.

Maraming salamat sa mga nagbabasa pa rin nito kahit na matagal ko nang hindi na-update. Special mention to @Laycy87, thank you for always voting! ;)

Hearts At WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon