"Yes Liz, katatapos nga lamang ng inihandang press conference ng biktimang si Amber Montilla. Kung maaalala natin ay kamakailan lang ay naging biktima ng isang kidnap for ransom group si Ms. Amber. Narito ang sa mga kuha mula sa press conference" - TV Reporter
******
"Ms. Montilla, masasabi mo ba na ang grupo ng mga dumukot sa iyo ay isa ngang kidnap for ransom group?"
"Hindi po. Dahil habang hawak po nila ako, wala po silang hinihinging pera kapalit ng paglaya ko. Ang naririnig ko lamang po ay ang mga pag- uusap nila."
"Anu- ano yung mga pag- uusap na narinig mo mula sa kanila?"
"Yung mga naaalala ko lang ay yung 'Bakit mo siya sinuntok?' kasi sinuntok ako nung isang kidnapper para mapatahimik ako. tapos may nagsalita namang isa na 'Baka magalit sa atin si Ma'am.' "
"May kilala po ba kayo na pwedeng gumawa nito?"
"Ah, nitong mga nagdaang araw kasi, may nakaalitan akong kaklase sa school. Si Coleen. Hindi ko sigurado kung may kinalaman siya dito dahil kasama ko ho siyang na- kidnap."
"Nakasama mo? Ibig bang sabihin niyan ay naiwan siya ngayon na hawak ng mga kidnappers?"
"Hindi ko din po alam. Dahil nung na- kidnap po ako, kahit anong sigaw ko, yung boses lang nung mga kidnappers ko yung naririnig ko. Hindi ko marining yung mga sigaw o panlalaban man lang niya."
*******
"At yan nga LIZ ang ilan sa mga naging pahayag ni Amber Montilla, bukod din sa pagsagot niya sa ilang mga tanong, ipinakita din ng biktima ang ilan sa mga natamo niyang pasa mula sa panlalaban niya umano sa mga kidnappers. Mula dito sa Springfield Subdivision, George Villanueva nag-uulat."
********
"Arrrggghh!! She's an ultimate liar! Ako talaga ang dinidiin niya dito?! Pag nakita ko talaga siya kakalmutin ko yang retokada niyang mukha!" - Coleen
"Oh, I'm so sorry my dear. So Lance anak, ano nang plano mo ngayon?" - Lance's Mom
"Everything's set. Kailangan na lang nating maghintay ng tamang panahon."
"And when's the right time? Sirang- sira na pangalan ko." - Coleen.
"Coleen, kumalma ka lang. Hindi masisira ang pangalan mo dahil wala ka namaan talagang kinalaman sa mga nangyayari." - Lance.
"He's right Coleen. Tiwala lang." - Lance's Dad.
Xandrea's POV:
"Sa tingin mo tooto yung mga sinabi niya?" - Cielle.
"I don't know. Oo alam ko mean sa akin si Coleen pero alam ko na kahit ganun siya hindi niya magagwa yun dahil dinidisiplina siya ng daddy niya." - Xandrea.
"She's right. Malayong umabot sa pandudukot si Coleen, hindi siya baba sa ganung level." - Alliyah.
"At kung sakali man na gusto niya ng revenge laban kay Amber, I'm sure hindi pang-ki-kidnap ang gagawin niya, kundi kakalmutin niya ng walang tigil yung mukha ni Amber." - Yoona.
"Haha, tama! Si Coleen pa, magaling yan sa kalmutan." - Cielle.
"Pero sana, kung wala talaga siyang kinalaman dito ay okay lang siya. Kahit na naiinis ako dun, sana naman wag siyang saktan nung mga kidnappers niya." - Xandrea.
BINABASA MO ANG
Let's Fall In Love Again (On Hold)
Teen Fiction"LUCKY I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND"... Wait... LUCKY NGA BA? Bata pa lang sina Gabrielle, Xandrea, and Jaycee ay magkakaibigan na sila. Laging magkasama sa bawat lugar na pupuntahan, pinoprotektahan ang isa't- isa at palaging nagtutulungan lalon...