Chapter 18 "Sorry Na"

133 1 0
                                    

Tumingin ako sa harapan ko. Unti- unting nahahati sa gitna yung kumpol ng mga estudyante. Nakatayo sa dulo nun  si........

Si Gabby....

 "Sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry at dahil sa'kin na ospital ka pa, sorry talaga, hindi ko alam na aabot sa ganito to. okay lang kung hindi mo ako mapatawad ngayon, maiintindihan ko kasi napakalaki naman talaga ng kasalanan ko sa'yo pero sana naman kahit papaano pakinggan mo pa rin 'tong awit na iaalay ko sa'yo." sabi niya tapos nag- strum siya ng gitara. Nagsilabasan na din yung iba pa niyang mga kabanda.

Nagsimula ng tumugtog yung banda nila. Tapos kumakanta naman si Gabby habang naglalakad papalapit sakin?

(Nasa gilid yung lyrics / video nung kanta 'SORRY NA' by Parokya ni Edgar) --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->

"Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo

Pipilitin kong magbago pangako sa iyo

Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo

At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit

Sorry na talaga sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo

Sorry na......

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit

Sorry na talaga sa aking nagawa 

anggap ko na mali ako wag sanang magtampo

Sorry na...... Sorry na......"

Umakyat siya sa stage tapos huminto siya sa harap ko.      

"I'm so sorry Xandrea." tapos tumabi siya ng konti tapos sumenyas na tignan ko yung mga estudyante.

Bawat isa sa kanila may hawak na illustration board. Nung una, yung side na black lang yung nakikita ko. Tapos nagbeat ng 3 beses yung drummer nila Gab, tapos sabay sabay nilang binaligtad yung illustration board.

'I'M SORRY XANDREA, SANA MAPATAWAD MO AKO' yun yung nabuo nilang word nung baligtarin nila yung mga board.

Umakyat naman sa hagdan sila Cielle, Yoona at Alliyah sa stage.

"Patawarin mo na yan oh." sabi ni Alliyah.

Tumingin ako kay Gabby. Yun bang mga tingin na nagtatanong.

"Sabi mo kasi sincere dapat, eh since eto lang yung way ko para maipakita na sincere ako kaya, ginawa ko na." paliwanag niya.

"Aish!" Tumingin ako kay Gabby. Natatawa ako sa mukha niya, parang kabado talaga eh.

"Okay. Sige na nga. I will forgive and forget since kasalanan ko din naman kung bakit kami nag- away, napakababaw ko." sabi ko tapos ngumiti ako kay Gabby.

Alliyah's POV:

"Okay. Sige na nga. I will forgive and forget since kasalanan ko din naman kung bakit kami nag- away, napakababaw ko." sabi ni Xandy tapos ngumiti siya kay Gabby.

Let's Fall In Love Again (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon