*Dahil hindi ako pumasok ngayon... Nag-update ako :DD.. ENJOY!!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
'Tagapagmana ng Middleton Group of Companies, lumantad na!'
'MGOC Heiress, shows off'
'MGOC Vice President kicked out'
Grabe, halos lahat ata ng headline ng mga tabloid at broadsheets about dun sa mga nangyari kagabi.
Dahil diyan pinuputakti na kami ng mga phone calls galing sa mga media at investors na kundi nagtatanong ay nagcocongratulate naman.
"Young lady, magseset na po ba ako ng presscon?" tanong ni Butler George.
"Sige po."
"Kelan po?" -Butler George.
"Later. 6 p.m." sagot ko.
After nun, umalis na si Butler George para asikasuhin ang dapat asikasuhin.
Ako naman, pinagpahinga na niya muna. Actually, magmula kagabe wala pa talaga akong pahinga. Ni hindi man lamang ako nakaupo sa party kasi maya't maya may mga nagtatanong about dun sa nangyari, tapos yung iba naman nagyayayang sumayaw. Eto naman si ako, since first time kong humarap sa kanila hindi na ako tumanggi.
May iba namang negosyanteng invited inirereto yung mga anak nila sa'kin, may isa pa ngang mas bata pa sa'kin ng 3 taon nireto na agad ng parents niya. Grabe lang ah, 16 pa lang po ako, wala pang balak mag-asawa at kung meron man edi pipiliin ko na yung lalaking kaedad ko at matagal ko nang kilala.
Matagal na kilala? Eh dalawa lang naman yung lalaking matagal ko ng kilala eh. Si Jaycee at si Gabby.
0/////0 OH NO!! ANO BA 'TONG PINAGSASABI KO?!! Haaay, yaan mo na nga, matutulog na lang ako.
ZZZzzzz....
ZZZZZzzzzzzz....
ZZZZZZZzzzzzzzzzz....
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIING*
AYPUSANGGALA!! Sino ba yun?! Istorbo naman oh..
"GOOD AFTERNOON XANDY!!!" sigaw nung three idiots ay este nung tatlo kong best kaibigan sina Cielle, Yoona at Alliyah. Hahaha.. Ssssshhhhh.
"Oh, bakit kayo nandito?"
"Grabe naman, pag pumunta ba dito kailangan may dahilan?" tanong ni Alliyah.
"Kaya nga, tapos di man lang muna nag Good Afternoon." gatong ni Cielle.
"Good Afternoon! Oh ano na? Bakit kayo nandito?"
"Magii-sleep over for one week.." sagot nilang tatlo.
"SLEEP OVER?!!"
"Aray! Makasigaw naman teh." sabat ni Cielle.
"Eh, bakit kasi dito?" tanong ko.
"Marami kaming dahilan, una, yung parents ko nasa Canada, may inaasikaso silang negosyo dun, so wala akong kasama sa bahay kaya dito na lang muna ako for one week." paliwanag ni Alliyah.
"Next, yung parents ko nasa Baguio, may negosyo din silang aasikasuhin kaya ayun dito na rin ako for 1 week din." sabi ni Yoona.
"Tapos ako nama----------" di ko na pinatapos si Cielle.
BINABASA MO ANG
Let's Fall In Love Again (On Hold)
Teen Fiction"LUCKY I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND"... Wait... LUCKY NGA BA? Bata pa lang sina Gabrielle, Xandrea, and Jaycee ay magkakaibigan na sila. Laging magkasama sa bawat lugar na pupuntahan, pinoprotektahan ang isa't- isa at palaging nagtutulungan lalon...