Another update! Asahan niyo na po na may update every two to three days, wala na kasi akong masyadong ginagawa eh aside sa pagtulog at sa pagkain.
****
Xandrea's POV:
Three weeks. Three weeks na ang nakakalipas since makabalik ako sa school. Medyo mahirap maka-move on sa isyung pinagdaanan ko pero at least kahit papaano nakakalimutan na yun ng lahat, lalo na ng mga schoolmates ko.
Amost three weeks ko na ding hindi nakikita si Jaycee. Kelan kaya siya babalik?
"Xandy! Good Morning!" pambungad na pagbati sa'kin ni Yoona.
"Hi Yoona. Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?"
"Syempre inspired." singit na pang-aasar ni Cielle.
"Uy, hindi ah." pagtatanggol naman ni Yoona sa sarili niya.
"Yung totoo dre, three weeks na ang nakakalipas pagkatapos mong makita ulit yung 'napakagwapong' lalaking nakilala mo nung pumunta ka ng SoKor. Pero ano? Nagtext na ba siya? Nagparamdam? Tumawag? Hindi di'ba?" sermon ni Cielle.
"Grabe ka namang makapagsalita Cielle." sabat naman ni Alliyah. "Pero hindi naman sa sinisiraan ka naman ng loob Yoona ah, pero bakit hindi ka pa rin niya tini- text man lang o tinatawagan? Di'ba ang sabi mo sa'min, ang sabi niya sa'yo ay 'Super na-miss' ka niya. Pero bakit ni isang way man lang ng pagpaparamdam hindi niya magawa?" dagdag na sabi nito kay Yoona.
"Ayaw ka lang naming masaktan." dagdag pa ni Cielle.
"Wag na kayong mag- alala sa'kin guys, okay lang ako. Kaya ko na yung sarili ko, 17 na ako di'ba? Actually mag-e-eighteen na nga eh." nakangiti namang sagot ni Yoona. "Siya nga pala, Xandy, kumusta yung company niyo? Three weeks na rin ang nakalipas matapos mailipat yun dun sa temporary owner." pagbabago ni Yoona ng usapan.
"Yun, okay lang naman. Actually naaawa na nga ako dun sa temp. owner eh. Super dami niya kasing inaayos sa company. Idagdag mo pa yung mga naiwan kong trabaho dun. Kya nga every other day pumupunta ako sa kanya para tignan kung may maitutulong ba ako."
"Kawawa naman pala siya, siguro wala na yung time sa girl friend niya." - Cielle.
"Oo nga eh. Nung bumisita nga ako sa office nung isang araw, sakto magpapahinga na yata siya tapos biglang nagpatawag ng emergency meeting yung board. Nakakaawa nga yung itsura niya eh kasi parang gustung- gusto na niyang hawakan yung phone niya at i-text yung girl friend niya na'babe, male-late ako sa date natin'." dagdag na paliwanag ko pa.
"Grabe naman." sabay sabay na sabi nung tatlo.
"Bibisita ako sa kanya mamaya, gusto niyong sumama?" suggest ko.
"Mukhang maganda yan. At nang makita natin yang 'Gwapo, Matalino, at Nakakatawang Temp. Owner' na sinasabi mo." sagot ni Alliyah.
"At tsaka tutal, half day lang tayo ngayon, bakit hindi na rin tayo magdala ng lunch. Dun na tayo mag-lunch, then yayain na rin natin siya na saumabay sating mag-lunch." Dagdag pa ni Cielle.
"That's a great idea, para naman kahit papaano ay may magawa akong mabuti sa kanya."
*Choko meopin han jogak sikyeonoko, gosohan uyuhanjaneul gidaryeoyo, oppahago nahago kkok maju anjaseo, seoro sonbadak wie yeppeun nakseoreul hajyo* (Gwiyomi song)
BINABASA MO ANG
Let's Fall In Love Again (On Hold)
Teen Fiction"LUCKY I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND"... Wait... LUCKY NGA BA? Bata pa lang sina Gabrielle, Xandrea, and Jaycee ay magkakaibigan na sila. Laging magkasama sa bawat lugar na pupuntahan, pinoprotektahan ang isa't- isa at palaging nagtutulungan lalon...