Chapter 25 "Night Life"

78 1 0
                                    

Xandrea's POV:

Alam mo yung stress?? Ako yun eh. Naturingang kakagaling ko pa naman sa isang bonggang bonggang weekend vacation sa Palawan tapos eto na naman at sinalubong agad ako ni not so friendly stress.

Nai-i-stress ako sa company, sa school at sa kakaisip kay...Argghhh, kelan ba siya uuwi?? Namimiss ko sa siya eh super.

"Hi Xandrea Fate Middleton!"

"Hi Amber Montilla."

"Yow! Wazzup? Parang haggard na haggard ka naman ata?"

"Wala, madami lang iniisip. Bakit ka nga pala napapdpad dito?"

"Wala naman, napansin ko lang kasi parang problemado ka kaya, gusto sana kita yayain."

"Yayain?"

"Yah, para makapag enjoy ka naman kahit kaunti. I enjoy mo yang teenage life mo."

"Anong gagawin ko?"

"Mag Bar hopping tayo."

"Eh, ayoko, di ako pumupunta sa mga ganyan."

"Oh come on. Why don't you try it? Paminsan -minsan lang naman 'to eh. At tsaka para mabawasan din kahit papaano yang stress mo. And kakilala ko naman yung owner eh, kaya okay lang yan."

"Pag-iisipan ko."

"Pag-iisipan? Hindi na pinag-iisipan yang mga ganyang bagay, wala naman sigurong masamang mangyayari sa'yo dun eh. Just bite into the bright side, marami kang makikilalalang bagong friends, and for sure, maraming hot guys dun."

"Haay, fine."

"Yun! Mamaya, dadaanan ita sa mansion niyo. 7 p.m. O ayan ah, may time ka na para tapusin yang mga homeworks mo."

[Dismissal]

"Xandrea!"

"Ui, Gab."

"May pupuntahan ka ba ngayon? Papasama kasi sana akong bumili ng gift para sa birthday ni Mom."

"Ay, sorry Gabby, nauna kasing magyaya si Amber eh."

"Ah, ganun ba? San daw kayo pupunta?"

"Magba-bar hopping."

Let's Fall In Love Again (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon