"Oh nako nako, tama na muna yang pagmamalaki mo. Ganito na lang, magcelebrate na lang tayo para sa pagkakasali ni Xandrea sa club!!" sabi ni Yoona.
"Sige sige!" sagot ni Cielle.
"Game!" dagdag pa nila Jaycee and Gabby.
Dahil sa wala na akong magagawa pa, napilitan na rin akong sumama sa kanila.
Sa bahay kami ni Yoona nag 'celebrate' para daw sa pagkakasali ko sa dance club.
Nag-order siya ng 5 box ng pizza, then bumili ng ice cream, cake and softdrink.
"Say ahh!!" sabi sa'kin ni Jaycee habang sinusubo yung pizza sa bibig ko.
"Ako na nga sabi ehh!!" sabi ko sa kanya.
"Hinde, ako na. Papakainin kita kasi ikaw teddy bear ko." sabi niya sa'kin.
Nagtinginan yung iba pa naming kasama sa'min.
"Teddy bear?" tanong ni Yoona.
"Kayo ba?" tanong naman ni Cielle.
"Ano?! Hindi, hindi.. Tawagan lang namin yun. 'teddy bear'." sabi ko.
"Eh bakit 'Teddy bear'?" usisa naman ni Yoona.
"Ang lambot kasi ng skin niya ehh, parang sa teddy bear." sabi ni Jaycee.
"Ahh." sabay na sabi nila Yoona and Cielle.
Sige lang ng sige kami kung kumain.
Kita niyo na. ganyan ako katakaw, kasi kakakain ko lang kanina sa McDo tapos ngayon kumakain ulit ako.
Pero kahit na matakaw ako, hindi pa rin ako tumataba, ewan ko ba kung bakit.
After siguro mga 1 hour and 30 mins naubos namin yung pizza and ice cream.
Tapos nanood kami ng movie. L.O.L: Laughing Out Loud yung title, starring Miley Cyrus, Demi Moore, Adam Sevani, Ashley Greene, Thomas Jane...
Dahil sa panonood ng movie naalala ko na naman yung nangyari kagabi.
Yung smack na binigay sa'kin ni Jaycee.
Hala!! Para san ba talaga yun??
Hindi naman sa nage-expect ako ng something pero hindi talaga ako makatulog kagabi kakaisip kung para san ba talaga yung smack.
"Hui!!" sabi sa'kin ni Jaycee pagkahampas niya sa'kin nung isang throw pillow. katabi ko lang kasi siyang nanonood
"Aray! Ano ba?!" sabi ko sa kanya. Hinampas ko din siya ng unan pagkasabi nun.
"Kanina pa kasi kita tinatawag, di ka naman tumitingin." sabi niya.
"Eh may iniisip ako ehh."sagot ko.
"Sus, ano ba yang iniisip mo hah?" tanong ulit niya.
"Yung kagabi, yung smack." wala sa sarili kong sinagot.
Teka ano nga ulit yung sinabi ko.
Hala!! 0.0
Tinignan ko yung mga kasama namin. mabuti naman at mukhang hindi naman nila narinig yung sinabi ko.
Tumingin naman ako kay Jaycee tapos nakangiti siya. Yung ngiting nakakaloko.
"Ui ano ba??!! Wag mo nga akong tawanan." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Let's Fall In Love Again (On Hold)
Novela Juvenil"LUCKY I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND"... Wait... LUCKY NGA BA? Bata pa lang sina Gabrielle, Xandrea, and Jaycee ay magkakaibigan na sila. Laging magkasama sa bawat lugar na pupuntahan, pinoprotektahan ang isa't- isa at palaging nagtutulungan lalon...