Chapter one

7 1 2
                                    

Chapter one: Kabit

"Marites, sa palagay mo ba, tototohanin 'yon ni papa?"

"Hmm, ewan ko. Pero ayaw moba nun? Magkakaroon ka na ng kapatid!"

"Sabagay..."

Bumuntong hininga ako. Nasa labas kami ngayon ng mansion namin, naglalaro sa playground. Habang nagsasaya ang kaibigan ko sa pagbuo ng sand castle, tumayo ako upang pumunta sa swing na nakasabit sa malilim na puno namin. Normal na araw lang sana ito, kung hindi lang sinabi sa'kin ni papa ang masamang balita kanina.

Ang sabi niya, magkakaroon na raw ako ng bagong kapatid, pero mas matanda sa akin. Pwede ba 'yon? Ang sabi ni teacher, para magkaroon ng anak, kailangan daw ng mag-asawang babae at lalaki. Eh, wala naman si mama kaya paano 'yun mangyayari? M-May bago na bang asawa ang papa ko?

"Huy!"

"Ay palaka! Nambibigla naman 'to, hmp!" Muntik na'kong malaglag sa pagkakatulak niya sa'kin ah!

"Ang lalim naman kasi masyado ng iniisip mo. Maglaro na lang tayo dali!"

This is Marites Oroza, best friend ko na siya mula kinder. 13 years old na siya, habang ako ay magti-13 pa lang. Dapat akong ma-excite, right? Party, maraming bisita, I can celebrate my birthday with my classmates. The spotlight is on me, ako ang bida kaya dapat lang na maging masaya ako.

Kung hindi lang sinabi ni papa na mag-aasawa siya.

I get it, alright? May karapatan namang maging masaya ang papa ko, pero naiinis ako kasi bakit kailangan niyang palitan si mama? Hindi na ba niya ito mahal?

He always says na matanda ang isip ko para sa edad ko, siguro kaya pinagmamalaki niya ako sa mga kaibigan niya. But papa, am I not enough po ba? Mas patataasin ko pa po ang grades ko if you want!

I sighed, kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Bata pa ang papa ko, siguro isang pagkakamali lang talaga na nabuo ako katulad ng sinasabi ng mga bata sa labas ng village na tinitirahan namin. Siguro kung wala ako rito, hindi na mahihirapan si papa na maghanap ng magiging asawa niya. Siguro hanggang ngayon, kasama pa niya si mama at masaya silang dalawa.

"Taya si Kirstein!"

Hindi ko napansing nakatulala na naman pala ako, naglalaro na kaming dalawa ngayon ng tagu-taguan. Tinawanan ko na lang ang best friend ko, ang saya ng mukha niya dahil siya na ang magtatago eh!

"Isa!" I counted as fast as I could para mabilis ko siyang mahanap, pero ang galling magtago ng babaeng 'yon! Pumasok kaya siya sa bahay?

I am careful as I take each step towards our main door, sana lang talaga ay pumasok siya rito dahil malayo ang lalakarin ko sa loob!

"Marie, lumabas ka na kung nasa'n ka man!"

Nagsimula ako sa living room namin, I changed my slippers too. Walang bakas ni Marites dito, ah? Sinuyod ko na ang bawat sulok, pero hindi ko siya makita. Maybe, nasa itaas na naman? Madalas kasi sa kwarto ko siya nagtatago atsaka ako bubulagain pagkapasok.

So, I went there. Hinahawakan ko ang grills sa tabi ng hagdan bilang gabay sa akin, baka kasi mabigla na naman ako sa sigaw niya, mahirap na. Alam kong isang kwarto lang ang pupuntahan niya sa loob ng mansion and that is my room. Nag-tip toe ako para hindi makagawa ng ano mang ingay. Kaunti na lang at makakarating na'ko sa kwarto, I just need to pass the two newly renovated guest rooms and my dad's.

Speaking of, sino ang kausap ni papa? Hidi naman talaga ako nosy na tao, ang nagpa-curious lang sa'kin ay kung bakit kailangang sa kwarto pa makipag-usap si papa? Madalas kasi ay sa office niya, sa tapat ng kaniyang room, siya nakikipag-usap sa telephone sa mga client. Personal cellphone ang gamit niya ngayon!

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon