Chapter 30

3 0 0
                                    

Chapter 30: Birthday

My birthday celebration wasn’t this grand as I expected. You know, I never really wanted to have the spotlight. To be the center of something. Mas gusto ko na nasa tabi lang, nakikisaya, nakikitawa, nakiki-cheer at nagiging proud para sa taong nasa itaas ng entablado. Ang gusto ko lang naman ay makuha muli ang atensyon ng Papa ko. Sobra naman yata ang nakukuha ko ngayon, thank you so much, Lord.

As I walked pass this venue, nasilayan ko ang mga taong nakatayo at nakaplaster ang ngiti sa lahat ng kanilang mga mukha. Mapa-bata, matanda, socialites, mga kaibigan, ibang kamag-anak. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng isang napaka-ganda at imposibleng bagay para ganito nila ako palakpakan!

Kakaiba ang pakiramdam.

Minsan ko nang pinangarap ito. Sa pagme-majorette ko, hinangad ko na mapunta ako sa tuktok. Na pinagtitinginan din ako ng mga tao, pinapalakpakan at namamangha sila sa akin.

Pero matagal ko nang sinukuan ang pangarap na iyon. Katulad ng pagsuko ko sa isiping maaari ko pang makasamang muli ang Mama ko.

Then I heard the MC, “Let us give a round of applause for our beautiful debutant, Miss Kirstein Anne Villaramos!”

Yeah, right. Pinapalakpakan niyo ba ako dahil utos lang sa inyo? O totoong masaya kayo para sa ’kin?

I don’t know. Ang alam ko lang, abot-abot ang tahip na nararamdaman ko sa aking puso lalo na nang makita ko siya sa gilid. Nakatayo siya sa kanang parte, ibaba ng hagdan. Naghihintay si Rhawi sa akin habang nakangiti at pinapalakpakan din ako. Hindi magawang ibalin ng mga mata ko ang atensyon sa iba.

Maging si Papa ay hindi ko na nagawang hanapin pa!

All I know is that he’s genuinely happy for me. Alam niya kung gaano ako ka-excited para rito. At kahit na medyo awkward ang huli naming interaksyon two weeks ago, masaya ako kasi nakikita ko siyang naririto ngayon.

NAKANGITI akong abot tainga habang pababa ng hagdan. Suot ko ang unang dress para sa gabing ito. Kulay pink, mapusyaw, katulad ng tila mga kurtinang nakasabit sa kisame. Napakagandang tignan. Talagang bumabagay ako sa eksena.

(Note: The venue looks something like this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Note: The venue looks something like this. Credits to the owner of the pic: Pinterest)

Huminga ako ng malalim at ibinulong sa sarili, “Kaya ko ’to.”

Nagpatuloy ako sa pagbaba. Dahil medyo mahaba ang ball gown na suot (sumasayad talaga sa sahig at siguradong matatapilok ako kung maapakan), hinawakan ko ang magkabilang bahagi nito gamit ang dalawang kamay at dahan-dahang bumaba.

Medyo mataas kasi ang hagdanan na ito kaya matagal bago ko pa sila mapuntahan!

I-wish niyong hindi ako gumulong-gulong dito, huhu.

Tinignan ko muli isa-isa ang mukha ng mga taong pumunta rito. Nasa 250 persons yata ang kumbirado. Ayos lang, wala naman akong paki. Ang mahalaga lang sa ’kin, mairaos ito at maging proud sa akin si Papa.

Sabi niya sa ’kin, ipapakilala niya ako sa anak ng business collegue na kasing edad ko lang. Sine-set up na ako ngayon, ah? Parang hindi makabawal sa akin na mag-boyfriend.

Kung alam niya lang na kasama na namin sa bahay ang gusto ko eh!

Ipapares niya kaya ako kung sakali?

NGUMITI ako sa lahat. Kahit naman hindi ko sila halos kakilala, masaya ako kasi naglaan ng oras ang mga dumalo para sa selebrasyon na ito. Kung hindi related sa business, mga kaibigan ni Auntie, at piling mga kamag-anak namin ang mga nandito. Wala akong kakilalang kasing edad ko.

Wala naman kasi akong ibang kaibigan eh, si Marie lang talaga.

Kaya hindi ko kakayanin kung iwan din ako ng gaga’ng ’yon. Mahal na mahal ko ’yon.

At nakita ko nga ang luka-luka! Kumaway siya nang magsalubong ang tingin namin, malapit na ako sa ibaba ng hagdan, at saka ako kinindatan. Isinenyas niya ang katabing si Edward at itinuro pa ang ibaba ng damit ko habang nanlalaki ang bilugang mata.

“Huh?” I mouthed.

Pero huli na ang lahat...

Punyemas! Hindi ko namalayan. Kung kailan malapit na ’ko, ’saka pa ako tinapilok ng punyemas na gown na ito!

Pinagsisisihan ko nang fairy tale ang acting ko. Para akong isang damsel in distress na naghihintay saklolohan ng isang prince charming habang slowmo’ng natutumba.

Napapikit ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

“Gotcha... you okay?”

Pagmulat ng takot kong mga mata, nakita ko si Edward. Nakapalupot pala ang mga braso niya sa bewang ko. Siya, nakayuko at naka-bend habang salo ako. Ako naman, parang yelong biglang natunaw sa kaba.

What is he doing here? Bakit ang bilis naman niyang makalapit? Ang huling check ko, si Rhawi ang naghihintay sa akin dito!

Oh no, hindi siya pwedeng makita ni Papa. Baka akalain niyang may boyfriend na ako kahit totoo namang gano’n ang estado namin! Ayoko, ayokong matali.

“Ye-Yes, I’m fine,” kaagad ako kumawala sa hawak niya.

Binuksan ko ang bibig para makakuha ng hangin, mukhang kailangan kong huminga dahil napigil ito kanina!

Napalingon ako sa tumikhim, nakita ko si Rhawi sa gilid ko. Kaagad akong lumapit sa kaniya at kumapit sa braso.

“Okay lang daw, ’pre. Makakabalik ka na sa upuan mo.” Stern ang tonong ginamit niya.

Galit siya?

Sinilip ko ang mukha niya para makumpirma ang hinala. Pero pilit niyang inilalayo ito sa paningin ko.

Tumigil ka r’yan, konti na lang iisipin ko nang nagseselos ka!

Is this the reason bakit parang galit siya kay Edward kahit kapangalan niya? Kaya ba Rhawi ang gusto niyang itawag ko dahil ayaw niyang tawagin ko siya sa paraan ng pagtawag ko kay Edward?

Imposible, pero ang sayaaaaaaa.

Kinikilig ako!

Gosh. Sige, tama, birthday ko ’to eh. Dapat masaya ako. I will let my self be free tonight.

No more pagpipigil. Hindi na lang ako magpapahalata, pero susulitin ko ang panahong kasama siya.

Habang naglalakad kami, nagpalakpakan ang mga tao. Nakita ba nila ang pagkakapahiya ko kanina?

Nakakahiya talaga ako! Dati, sa harapan lang ako ni Rhawi napapahiya. Ngayon, pati sa ibang tao na. At ang dami nila, huhu.

Ngumiti na lang ako at yumuko nang kaunti, mukhang mangangapal at mamamanhid ang panga ko nito.

“Nahihiya ka?” narinig kong bulong niya sa akin.

Nilingon ko siya. “Hindi naman, hindi lang talaga ako sanay sa maraming tao. You know, my friends are only you and Marie.”

“I’m flattered, but don’t be. Ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi. Sabagay, kailan ka ba hindi naging maganda sa paningin ko?”

Umiling siya, animo’y kinakausap ang sarili. Mukhang hindi niya napansing naririnig ko rin ang sinasabi niya. At natutuwa ako.

Best birthday ever.

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon