Chapter 19: Malandi
Monday came swiftly. Papa didn’t come home just like what I expected, masyado siyang busy para kay Auntie Maldita. Ang sabi niya sa ‘kin nang magka-usap kami kahapon ay nasa rest house namin sila.
“I’m sorry anak, dapat ay talagang uuwi kami ngayon, pero something came up. Hayaan mo, babawi ako sa ‘yo pagka-uwi namin ng Auntie mo. I love you…”
“That’s okay po, enjoy kayo. I love you too.”
Hindi ko maitago ang lungkot at disappointment sa boses. Kailanman ay hindi ko inakala na mas pipiliin siya ni Papa kaysa sarili niyang anak. Dati kasi’y kahit na gaano pa ka-importante ang ginagawa ni Papa, uuwi siya para sa araw na nakalaan sa aming dalwa. Ganito ba talaga ang nagagawa ng romantic love?
Pinatay ko na ang tawag bago pa mapansin ng Papa ko ang pagkadismaya sa aking boses. Ayaw kong mahawa siya sa bad bives na dala ng kaniyang unica hija. Mabuti na lamang talaga at hindi niya ako nakikita ngayon.
Hay, Ein… ano bang nangyayari sa atin?
“Ma’am, bawal po kayo r’yan!” matinis na sigaw ni Ate Nola ang narinig ko pagkalabas ko pa lang ng kwarto. Nadatnan ko ang girlfriend ni Rhawi na tumatakbo papunta sa pasilyo ng second floor habang sinusubukan siyang pigilan ng kasambahay.
Anong kailangan ng babaeng ito?
Humikab ako at nagtuloy na sa pagbaba. Malamang ay si Rhawi ang kaniyang ipinunta, bahala siya r’yang katukin ang palaka sa lungga.
“Ikaw babae ka!” napakururot ako nang makitang umiba ang kaniyang direksyon! Kung kanina’y padiretso lang, ngayon naman ay huminto siya para makabwelo papunta sa ‘kin.
Teka, “Aray!” ako naman ngayon ang napasigaw dahil sa kalmot niya! “Ano bang problema mo ha? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?”
“Napakalandi mo! Papatayin kita!”
Tila nawalan siya ng pandinig sa mga oras na iyon. Patuloy lamang ang ginawa niyang pagkalmot sa aking braso habang dinadaganan ako. Mukha lang pa lang sexy ang isang ‘to, eh kasimbigat nga ng dragon!
“Nasasaktan ako! Ate Nola, tulong!”
Kapag nga naman galit ang kalaban. Kahit na anong sagka ang gawin ko, wala itong laban sa nanggagalaiting babaeng ‘to. Gandang bungad sa umaga! Kahit ang inaasahan kong tulong ay walang nagawa para maialis ang dragon na dahilan ng pag-hirap ng hininga ko.
“Ma’am, ambigat! Anong gagawin ko nito?”
“Aray, tumigil ka na nga!” Walang hiya, gagantihan kita mamaya. Humanda ka kung sumumpong ang asthma ko dahil sa ‘yo!
Nagsisimula na nga ’kong hingalin dito! Anong bang pinaglalaban niya? Mukha akong kaawa-awa habang pinaiibabawan niya at sinasaktan. Iiyak na lang ba ako?
“Hindi ako titigil, higad ka—”
“Abbie, what are you doing? Stop that for Pete’s sake!” para bang nalunod ang lahat sa sigaw ni Rhawi.
Naramdaman kong huminto na sa pananakit sa akin ang babaeng pangit, kaya sinubukan kong imulat ng kaunti ang aking mga mata. Nahilo pa ako, bwiset.
Nakita ko kung paano siya nahigit upang maialis sa akin. Sa isang salop ni Rhawi sa kaniya ay nanghina rin ako. Kaagad naman ang pagdalo sa ‘kin ni Ate Nola nang makitang hinahabol ko ang hininga. Eto na nga bang sinasabi ko, eh.
Nakita ko ang pag-aalala sa tingin ni Rhawi sa akin bago ipinukol ang mariing tingin sa babaeng hawak niya nang mahigpit ang braso, “Mag-uusap tayo.”
Umalis sila, pumuntang baba. Hindi ko nga lang alam kung saan. Wala ako sa kundisyon para alamin iyon. Ang mahalaga ay bumalik sa normal ang paghinga ko. Kinuha ang inhaler sa kamay ng kasambahay, madali ko itong ginamit. “Salamat, Ate.”
Sinamahan niya ako sa kusina upang uminom ng tubig. Dahil maaga pa, walang maaaring tumulong sa ‘min kanina kasi tulog pa halos silang lahat. Besides, isang tao lang naman talaga ang pinapayagan kong umakyat, si Ate Nora lang ’yon.
Umupo ako at humikab, ‘saka napatingin sa mapuputing brasong may bahid ng kalmot. Sinisira ang beauty ko, amp. Akala mo kung sinong may angelic face, amazona naman pala.
“Kukuha lang ako ng ointment saglit, anong gusto mong kainin?”
“Toasted bread at gatas na lang, ‘te.” Tumango siya at iniwan ako sa dining table. At mula rito ay nakikita ko ang dalawang nag-uusap sa labas. Kahit medyo madilim pa ang paligid ay nakikita ko kung gaano lumingkis ang malanding ahas sa braso ng kasama.
Papatawarin mo na niyan? Huwag mo ‘kong i-disappoint, please.
True enough, hindi ko man lang nakitang naging malupit si Rhawi sa kaniya. Hindi naman sa ine-expect kong ipagtanggol niya ako to the point na ihihiwalayin niya ang girlfriend. Ang gusto ko lang naman ay pagsabihan niya ito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang motibo niya sa pagpunta. May pa-sugod-sugod pa siyang nalalaman. Trespassing with assault, yeah, right.
Hindi ko sila naririnig dahil sa distansya kaya naman wala akong ideya sa kung ano ang pinag-uusapan nila. Kaya bang sabihin ni Rhawi na ‘Huwag mo na ulit sasaktan ang matapobreng iyon’? Kahit man lang sana ipamukha niya sa babae ang ginawang mali. But, where’s the point? Nakita ko kung paano niya habulin ang umiiyak na kasintahan hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Sakto naman ang pagdating ni Ate, “Kumain ka na habang ginagamot ko ang sugat mo. Gusto mo bang i-report ito sa pulis?”
Umiling ako, “Hindi na po kailangan. Hindi naman malala ang ginawa niya sa akin. ‘Wag niyo na lang din pong sabihin ito kay Papa. Ayaw kong mag-alala siya sa akin, busy pa po iyon kay Auntie.”
Nakita ko ang awa sa mga mata niya, “Kung gano’n ay papasok ka pa rin ba?”
“Opo, maaga pa naman.”
Umalis ako ng bahay na hindi nakikita ni bakas ng anino ni Rhawi. Kung dati ay sabay na kaming umalis at umuwi gamit ng kaniyang motor, ngayon ay ginamit ko ang isa sa mga sasakyan namin na minaneho ni Kuya Mario sawi. Bago sumakay ay sinuyod ko ng tingin ang buong garahe, hindi ko nahanap ang motor niya. Mas mauna siyang umalis kaysa sa ‘kin? Hindi pa siya nakapagpalit ng damit kanina, ah. Nakakain na ba siya?
Ano bang paki ko?
Dumiretso sa backseat, sumandal na lamang ako pagkatapos mag-seat belt at ipinilig ang ulo upang tumingin sa bintana. Matagal-tagal na rin mula ng na-appreciate ko nang ganito ang tanawin sa loob at maging labas ng village. Ang sarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mga nagtataasang puno sa gilid ng daan. Mukhang masarap umupo sa ilalim ng lilim ng mga ito. Minadali kong buksan ang bintana at tama nga ang hinala ko. Ang presko ng hangin dito!
Nang makarating na kami sa school ay sinabihan ko si Manong na huwag na akong sunduin mamaya.
“May lakad kayo, ma’am?”
“Oho, may pupuntahan lang kami ni Marie,” ang sinungaling ko na talaga. Ang totoo niyan ay may practice ako mamaya sa majorette kaya talagang hindi ako pwedeng um-absent. Aba, pangarap ko ito, ‘no!
“Ah sige, ingat!”
“Ingat din po,” tumango ako sa driver at may ngiti sa labing pumasok.
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...