Chapter 32

1 0 0
                                    

Chapter 32: Cotillion

May parte sa aking kinakabahan, pero mas malaki ang parteng kinikilig. Excited ako, dahil patapos na ang 18 blue bills, isa na lang ang hinihintay ko... ang hinihintay ng lahat para makapag-dinner na.

18 roses.

For this part, I invited some of my ‘acquaintances’. Mga ilang kakilala lang, na hindi ko naman ka-close, pero masasabi kong okay naman. Mula kasi talaga elementary at hanggang ngayong college na ako, wala pa rin akong nahahanap na matinong kaibigan. Si Marie lang talaga.

Halos lahat sila, nilalapitan lang ako kapag may kailangan. Yes, hindi ako ganoong katalino, pero nakakaintindi naman ako. With the help of Rhawi, nakakabawi ako sa mga subject na nagpapahirap sa akin.

Kung hindi nagpapatulong ang iba sa subjects, tinatarayan naman ako ng girls dahil sa sobrang dami kong manliligaw. Iyon ang dahilan ng mga lalaki para lumapit sa akin, magpapakita ng motives na kaagad ko namang tatanggihan.

I already have a boyfriend. Kahit pa naman alam ko sa sarili kong niloloko ko lang siya at niloloko ko lang ang sarili, ayokong mag-cheat. I still try my best to be loyal despite what he’d done to me.

“Ladies ang gentlemen, konti na lang po, makakarating na tayo sa pinakainaabangan ng lahat! For now, let us witness our debutant as she dance with the men that she love.”

Uh, love?

“For her first dance, of course, ang pinakagwapong Papa ni Kirs... let’s give hands for Mr. Tristan Villaramos!”

Masigabong palakpakan ang sumalubong habang papalapit sa gawi ko si Papa. Napaka-gwapo niya talaga! Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sa t’wing sinusundo niya ako minsan, pinagtitinginan siya. Naririnig ko pa ngang paimpit na timili ang iba.

Nilapitan niya ako at kaagad na ngumiti. “You are the most beautiful girl tonight, baby.”

I blushed at tinanggap ang unang rose mula sa kaniya, “Papa naman. Pinapakilig mo po ako eh!”

Sabay kaming napatawa. Kinurot niya ang tungki ng aking ilong at hinawakan ako sa bewang para sa isang sayaw. Nag-sway kami nang dahan-dahan.

Ang pogi ng Papa ko!

Mabuti na lang, nandito si Auntie. Siya lang ang mapagkakatiwalaan kong mag-alaga para kay Papa. Of course, hindi pa naman siya matanda at mas may edad si Auntie sa kaniya. Pero kasi, napatunayan ko kung gaano na nila ka-mahal ang isa’t isa. Hindi pera o ang panlabas na anyo lang ang habol ni Auntie.

Mahal na mahal niya ito, nararamdaman ko iyon. Ayaw niyang maging pabigat to the point na kinimkim niya ang sakit niya sa aming lahat.

Napakaswerte ko kasi dumating sila sa buhay ko, sa buhay namin. Wala na ’kong mahihiling pa. Sapat na ang lahat.

At matagal ko nang tanggap na hindi kami pwede. Lalo pa ngayon. Masaya na ako na crush ko lang siya at wala siyang alam sa nararamdaman ko.

I’ll just try my very best to keep this love to myself. Ayokong maging pabigat sa kaniya. Ayokong mahirapan siya. Mas gugustuhin ko na lang na ako ang masaktan sa pagpipigil sa nararamdaman ko. Kaysa makitang iiwasan niya ako at lalayo ang loob niya sa ’kin para lang makalimutan siya.

Mahirap pero kakayanin ko... siguro.

“Papa, I have a question,” tinanong ko siya habang nagsasayaw kami. I feels so safe in my father’s arms. Sobrang nakakatulong ang yakap niya sa akin ngayon para gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

“Yes?”

“Yung sinabi ni obāsan, payag ka po ba roon? She said kailangan kong pumuntang Japan. Ayaw po kitang iwan dito.”

Hindi ko maiwasang hindi malungkot nang maisip na iiwan ko ang Papa ko. Buo ang desisyon kong manatili, pero paano kung kailangan ko ngang gawin iyon dahil katulad ng sabi ni Lola, wala siyang ibang choice kung ’di sa akin ipahandle ang business nila na wala akong kaalam-alam kung ano.

“Ayaw ko rin namang umalis ka, anak. Pero nasa ’yo ang desisyon. Kung gusto mong subukan ang sinasabi ni mama, hindi kita pagbabawalan. Besides nasa tamang edad ka na naman para magdesisyon para sa sarili mo. I can teach you Japanese if you want. At kahit wala akong alam kung paano patakbuhin ang business nila, tutulungan kita. Susuportahan kita ano man ang desisyon mo.”

Really? Halos mapaiyak ako sa tuwa. Suporta lang ni Papa ang matagal ko nang hinihiling sa buong buhay ko at hindi ako makapaniwala na naririnig ko sa kaniya ito ngayon.

Susuportahan niya pa rin kaya ako kung malaman niya ang tunay na laman ng puso ko?

PAGKATAPOS ng sayaw namin ni Papa, ang sumunod ay ang mga pinsan ko. Second cousin ko sila. Si Rizel, anak ni Tita Anjie at si Prince na anak ni Tito Pong. Na pinsang buo naman ni Mama. Dahil ka-close ko naman ang dalawa, hindi ako nahirapan makipagsayaw sa kanila. Tawa nga ako nang tawa kasi nagpapasikatan sila kung sino ang mas pogi sa kanilang dalawa!

Syempre ako, hindi makapili kasi may hitsura naman talaga silang pareho. Sadyang maloko lang at kung ituring ako, parang hindi babae. Ang tingin yata nila sa akin, lalaki rin na barkada nila kaya hindi sila nahihiyang magbalandra ng katawan sa harapan ko.

Magkababa kami at sabay-sabay na lumaki kaya talagang malapit ako sa kanila. Matanda nga lang ng isang taon si Rizel sa ’kin (pero hindi ko tinatawag na kuya) at limang taon naman ang tanda ko kay Prince (na buti naman at ate ang tawag sa akin).

Mas maganda ang katawan ni Rizel, syempre. Mas matanda eh, kaya defined na ang muscles at abs kumpara sa bulilit na ito. Pero syempre, hindi ko iyon sasabihin sa kanila. Baka mag-away pa ang aso’t pusa.

Si Kuya Mario naman ang sumunod, nag-iisang kapatid ni Marie-mar. Sinabihan niya ako na huwag papaloko sa kahit na sinong lalaki at na dapat ako ang nagpapaiyak sa kanila. ’Wag daw akong maghabol dahil sa ganda kong ’to, ako ang hinahabol at ang mga lalaki ang nagmamakaawa para sa atensyon ko.

Tinawanan ko siya at sinabing, “Parang moves mo, Kuya?”

Sabay kaming humagalpak pagkatapos at nag-apir sa ere. Hindi pa rin siya nagbabago, ang gaan niya pa ring kasama. Kahit maloko siya, nararamdaman ko na pinapahalagahan niya ako higit pa bilang best friend lang ng kapatid niya. Kapatid rin ang turing niya sa akin katulad ng turing ko sa kanilang dalawa.

“Nahuli mo ’ko ro’n, ah? Basta tandaan mo, ’wag na ’wag kang magmamakaawa sa kanila. Sila ang luluhod sa harapan mo at hindi ikaw ang iiyak.

Huwag kang magpapaloko sa mga sinasabi nila na ikaw lang at hindi ka iiwan. Dahil panigurado, nagloloko lang ang mga gano’n. Unahan mo na dapat, ikaw ang makipag-hiwalay. Ikaw ang maunang umalis. Ikaw ang mang-iwan. Ikaw ang manakit, para Hindi ikaw ang maunang saktan. Hindi ikaw ang iiwanan. Hindi ikaw ang uuwing luhaan.”

Mukhang may pinaghuhugutan si Kuya! Matanong nga kay Marie ang chika.

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon