Chapter 23

1 0 0
                                    

Chapter 23: Reminisce

Nakilala ko si Edward nung mga panahong nabigla rin ako sa kondisyon ni Auntie. Naalala ko pa no’n, kinailangan akong iwan ni Rhawi dahil sa isang balitang narinig niya. Hindi ko alam that time kung ano iyon at sobra ang galit ko sa sarili sapagkat nagtampo ako sa kaniya.

Ang petty-petty ko.

The majorette practice will start again. Of course, paniguradong makakasali ako after ng try outs. Ako kaya ang pambato mula elementary!

Excited na excited akong lumabas mula sa banyo pagkatapos magbihis. Sa hindi kalayuang pasilyo ay nakita ko ang crush kong nakatayo at nakapamulsa. Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong mabunggo ng kung sino.

“What the—”

Hindi ko natuloy ang sasabihin. I know this guy! This is one of my crushes dati. Edward Samaniego, magaling na drummer sa school. Nasa 10th grade na rin ito at sobrang pogi! Nakakalaglag panty kung ngumiti ito sa audience kapag tumutugtog sa stage. Magaling ang nag-iisa naming banda at syempre dahil iyon sa magagaling ang members.

Sandaling sulyap nga lang nila, nakakatindig balahibo na. What more kung makakatitigan mo nang gan’to?

Sayang nga lang kasi hindi sila pwedeng sumali sa parade dahil may sariling spot na sila sa school.

At sayang din kasi... hindi ko na siya gusto. Iba na ang gusto ko.

At gusto kong matawa kasi ang imposible talaga ng mga pangarap ko.

I came back to my senses when I remembered his gaze on me.

Bakit nga kaya hindi na lang siya ang nagustuhan ko?

Mas magiging madali... mas magiging masaya ako.

Hindi ko na kailangang itago ang tunay kong nararamdaman kung siya ang pinili ko.

Complicated love sucks.

Pero hindi ko kayang kumontra o tumutol kasi hindi ko naman kayang diktahan ang puso ko! Even since naman, puso na ang ginagamit ko sa bawat desisyon.

At sa bawat desisyong mali, nagdurusa nang husto ang mahina kong puso.

“Wait, I know you. Nakita na kita noong tumugtog kami.” He said that boyishly.

Nakita ang pagtataka sa hitsura ko, dinugtungan niya ang naunang sinabi. “Uh, what I meant, you are familiar. ’Cause everytime I open my eyes when playing, sa ’yo parati tumatama ang titig ko.”

I sighed. Pinopormahan ba ’ko nito? Ang cute niya, I admit. Lalo pa nung nakita kong mamula ang pinkish niyang pisngi hanggang leeg at tainga. He also chuckled nervously. Hindi pala siya magaling magtago ng emosyon.

Yes, I find it adorable and fun. Once in a lifetime experience lang itong nararanasan ko ngayon. Who would have thought na kakausapin ako ng isang sikat na “mysterious” guy ng campus?

But there were no sparks at all.

“Ang cheesy ko, pasensya na. I didn’t meant to scare you or something. So, I hope you don’t feel like it.”

Englishero.

“It’s so unlike me, right? I just find you pretty, and I want you to know it. Goodluck!”

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon