Chapter 16: Suhol
Nakakagutom naman ‘to! Ang akala ko kanina, madali lang ang quiz, pero bakit halos wala akong naisagot? Kailangan kong mag-isip nang mag-isip kahit pa sumasakit na ang ulo ko. Hindi pwedeng hindi ko matapos ang quiz sa oras na ito. Mabuti na lang at may one hour homeroom break ako after ng lunch, may oras pa para makakain. Sana lang hindi ako nakalimutang bilhan ni Marie ng food, busy pa naman iyon kakahanap kay Rhawi kanina! Ang akala ko nga’y hindi na siya mag-aabalang mag-lunch dahil sa pagkukwento sa lalaking iyon.
Ano bang nakita ng kaibigan ko sa kaniyang para mabaliw siya nang ganito?
Shaking my head a bit, nagsagot akong muli. May ginagawa pa rin si Ma’am sa kaniyang laptop kaya hindi niya napapansin ang paminsan-minsang pagtulala ko. May 20 minutes pa namang natitira at kaunti na lang ang mga kailangan kong sagutin, sa wakas, kaya nagpapahinga muna ako. Sinubukan kong itaas ang ulo upang ilibot ang tingin sa faculty kung nasaan ako ngayon. Puti ang theme, katulad sa hospital at may rainbow na naman akong nakikitang bumubuo sa kisame.
‘Guni-guni mo lang ‘yan, Kirs,’ narinig kong bulong sa akin ng kung sino. Nagpalinga-linga ako sa paigid, pero tanging si Ma’am lang pinakamalapit sa akin ngayon. Ang ibang mga teacher ay busy sa kani-kaniyang ginagawa at kumakain ang iba. Sino ang nagsalita?
“Tapos ka na ba, Miss Villaramos?”
“A-Ah? Opo Ma’am, hehe,” nagmadali akong niligpit ang mga gamit. Hindi ko na naman napansin ang oras, tapos na ang lunch break? Bakit parang ang bilis naman yata?
Naguguluhan akong lumakad palabas pagkatapos magpaalam at magpasalamat kay Ma’am. Naranasan ko na ito noon eh, may bumubulong sa akin, pero hindi ko nakikita. Posible kayang hallucinations iyon? Pero ang alam ko, scenes lang ang maaari kong maranasan. Nakikita lang at hindi naririnig. OMG, sobrang rare na ba ng kaso ko kaya hindi na umiepekto ang mga gamot? Gagaling pa naman ako, ‘di ba?
Ang sakit-sakit ng ulo ko, nakakahilo. Gusto ko na lang isubsob ang mukha sa laptop habang nagta-type ng essay ngayon. Nawalan ako ng ganang kumain. Hindi ko rin naman mahanap si Marie at hindi ko na sinubukang pumunta sa cafeteria dahil sigurado akong ubos na ang paninda nila. Sa dami ng estudyante, kahit yata anong itinda roon ay madaling nauubos. Kaya minsan gusto kong magbenta ng watermelon juice o kaya buto ng pakwan eh.
Ang topic na pinapagawa sa amin ay tungkol sa isang family na dream mo. I can’t help but get emotional as I write my essay on my laptop. Ang kataka-takang malamig na simoy ng hangin sa garden kung saan mag-isa ako ngayon ay nagdudulot ng kalma sa aking sistema. Ala una pa lamang ng tanghali, pero wala akong nararamdamang init sa pwasto ko ngayon kahit na tirik na tirik ang araw.
“Ano ba ang dream kong family?” tanong ko sa sarili habang ginagawa ang title.
Napapikit ako nang humanging muli at maramdamang gumalaw ang kwintas na suot ko. Tinignan ko ito nang mabuti at napangiti. Gusto kong yakapin nang mahigpit si Mama ngayon kahit na alam kong hindi pwede.
“Huwag kang iiyak, Kirstein. Hindi ka pwedeng makatulog at manigas dito dahil walang ibang makakakita sa ‘yo.”
Sinumulan ko ng isulat ang essay. Doon ko ibunuhos ang lahat ng mga pangarap ko. Isa lang naman eh, ang mabigyan ako ng pagkakataong makasama si Mama. Kahit sa hallucinations lang o sa panaginip, gusto kong maging kumpleto kami bilang isang pamilya. Ayaw kong mag-asawa si Papa dahil hindi ko naman nanay ang pakakasalan niya. Hindi ko pa rin kayang tanggapin ang katotohanang iyon.
Nararamdaman ko ang nginig ng aking labi. Umiiyak na naman ako. Ito nan ga ba ang sinasabi ko, sabi ‘wag iiyak, eh!
“Hindi ba parang ang selfish kung ayaw mong mag-asawa ang Papa mo?”
Nakakarinig na naman ba ’ko ng boses? Inangat ko ang tingin para lang makita ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko habang nakapasok ang kaliwang kamay sa bulsa. Ano bang ginagawa niya rito? Milagro’t hndi niya suot ang nakakabwisit niyang ngisi.
“Wala kang pakialam, essay ko ‘to.”
Napatawa siya, kasasabi ko pa lang. Binalik na niya kaagad ang nakakainis na ekspresyon.
“Alam mo namang walang chance para sa pangarap mo, kaya bakit ‘yan pa rin ang sinusulat mo?”
Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Ano nga bang dahilan bakit patuloy kong pinagpe-pray ang isang bagay na malabong magkatotoo?
“Mahal ko ang mama ko at may tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi siya basta-basta mawawala. Besides, wala naman silang nahanap na bangkay noong naghanap ang mga awtoridad, kaya paanong nawala bigla si Mama? Malakas ang kutob kong buhay pa siya at makakasama ko pa siya. At teka nga, ano bang pakialam mo?”
Alam kong ang Mommy ng kausap ko ang girlfriend ni Papa ngayon at masasaktan iyon kung malaman ang sinasabi ko, pero wala akong pakialam. Ayaw rin naman ng lalaking ito na mag-asawa muli ang Mommy niya eh. Pareho lang kami ng gusto, alukin ko kaya na magsabwatan kami?
“Mababang probability, pero sabagay, wala naming imposible.” Napatango-tango pa siya habang nag-iisip. Binabalewala ang pagtataray ko. “Bakit hindi mo hanapin ang Mama mo kung gano’n?”
“Tss, kung pwede lang edi sana matagal ko ng ginawa. Si Papa kasi, sumuko na, maliit pa lang ako. Malayo at matagal bago ako makababa mula sa hill na iyon, wala naman kasing ibang daan kung manggagaling ka sa taas.”
“May plano kang magtravel paikot?”
Hindi ko na lang siya sinagot. Mas mabuti ng ako lang mag-isa ang nakakalam sa plano ko. At kung malaman man niya, siuradong hindi ako tutulungan nito. Pero pwede ring kunwari ay tutulungan ako, pagkatapos ay ililigaw para hindi na makauwi.
MATAPOS ng ilang sandaling pananahimik, nagsalita siya, “Hindi ka pa kumakain ‘di ba? Etong lunch mo, oh.”
Aba’t concern ka nga ngayon sa health ko?
Iniabot niya ang isang ham sandwich na mukhang may lettuce at isang pack ng juice. Papasa na rin kahit papaano. Naalala kong hindi pa nga pala ako nakakakain at ngayon ay nakaramdam ako ng matinding gutom!
“Pasensya ka na, ‘yan lang ang nabili ko. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo, eh. Hindi ka ba kumakain ng sandwich na ganiyan? Gusto mo bang palitan ko? Eh yung juice, okay na ba—”
“Okay na ‘to, salamat,” putol ko sa mga sinasabi niya. Andami pang dinadada, nakakairita na kaya.
Sabay kaming nanlaki ang mga mata. Did I just say?
Kyahhhhhhh! Bakit ko ba ‘yon sinabi? Yung pride mo, Kirs, nasaan na? Hindi mo pwedeng ibaba ang mataas na wall, babaita ka. Kalaban ‘yan, hindi mo dapat pinasasalamatan. Pakiremind nga sa ‘king hindi ako pwedeng magpadala sa suhol!
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...