Chapter 28: Shoot
Malaki ang tiwala ko kay Edward.
Kahit parang malaki ang pagka-ayaw ni Rhawi sa kaniya, hindi ako nagdalawang isip na pagkatiwalaan siya.
Nandoon si Edward sa mga panahong kailangan ko ng karamay, ng kaibigan, ng taong masasandalan. Ilang taon din kaming halos hindi nag-contact-an ni Marie. Kaya talagang nagpapasalamat ako dahil hindi ito umalis sa aking tabi.
Sobrang conflict ko sa schedule niya. Lalo na noong nasa senior high, halos gabi-gabi ang practice nila. Madalas pa nga siyang napapagalitan ng leader dahil palaging wala, kasama ko. Hindi niya ako iniwan at hindi rin siya nagreklamo kahit pa pabigat na ako. Siya ang naging takbuhan ko.
He is indeed a perfect catch.
Ang bali-balita noon, masarap din siyang magluto. At napatunayan nga ang chismis dahil Culinary and course na kinuha niya. Top din siya sa klase.
Nakakaangat sa buhay, gwapo, matangkad, ma-appeal, mysterious pero friendly, matalino, magaling magluto, may alam pa sa music at instruments. Saan ka pa?
I remember him.
He is also indeed a perfect catch. Kung pwede lang sanang kaming dalawa na lang, eh. Ang kaso, hindi.
Paano pa kaya kung magpakasal na sina Papa at Auntie? Edi legal na kaming magkapatid.
Sa school nga (panibagong school namin dahil college na pareho, pero sikat pa rin siya), kalat na ang balitang magkapatid kami. Andami ngang nagpapatulong sa ’king makipaglapit sa kaniya, at hindi ko ka-close ang lahat ng iyon.
Kakilala lang yata ako dahil ‘kapatid’ ko ang poging bida.
Kainis!
I am still pursuing my majorette. Alam niyo naman, iyon talaga ang nagpapasaya sa akin. At thankful ako dahil unti-unti, pinapayagan na ako ni Papa sa pagsali roon. Basta alamin ko lang daw ang limitasyon at magpahinga kapag pagod, huwag pipilitin ang sarili.
Ang swerte ko sa bagong pamilya.
Sobrang sarap ding magluto ni Auntie. Lahat ng niluluto niya, espesyal! At talagang mapaparami ka ng kain nang ’di mo namamalayan.
NAKARATING na kami sa destinasyon. Hindi ako kailanman nakaimik sa buong byahe. Halos si Marie nga lang ang nagsasalita at paminsan-minsan siyang sinasagot ni Edward. Nang mainip, natulog siya sa likod at nag-play ng music ang katabi ko.
Parang wala lang sa kaniya ang ginawa kanina.
Tahimik pa rin ako hanggang sa makababa na kami. Sabay kaming naglalakad ni Marie habang nasa likod si Edward, dala-dala ang maleta ko na may lamang damit at accessories na kailangan para sa photoshoot. Halos hindi ako makalingon dahil nahihiya ako.
Wow, bakit ako pa ang nahihiya?
Paki-spell nga ang salitang awkward!
Mas malala pa ito sa mga naging kahihiyan ko kay Rhawi eh! Hindi ko na matandaan kung ang nangyari kanina ay first kiss ko ba o ano. Madalas kasi nagde-daydream ako o nananaginip na aksidente akong nahahalikan ng prince charming ko.
Pero syempre naman, gusto ko pa ring maging memorable ang unang halik, aba!
Sa kotse talaga?
Magkahawak-kamay naming tinahak ni Marie ang baku-bakong daanan paakyat ng buntok. Napansin din yata niya ang kanina ko pa pagwawalang kibo kaya tumigil na siya sa pagsasalita. Puro tango at tawa lang kasi ang sinasagot ko sa kaniya, halatang nalulutang na naman.
“Nandito na tayo,” anunsyo ni Edward.
Kaagad niya akong nilapitan pagkatapos maibaba ang dala sa kahoy na sahig ng kubo. Hindi ko naman maiwasang maasiwa.
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...