Chapter 34: Unexpected guess
Kinakabahan ako. Pero hindi ko na ito kayang patagalin pa.
“Edward, please, don’t make this hard for the both of us. T-Tumayo ka r’yan,” sinusubukan ko siyang hatakin patayo pero hindi siya nagpatinag.
He looked at me with bloodshot eyes, “hindi ka pa rin ba ready?”
“Alam mo naman kung anong sagot ko ’di ba?”
“Yeah, I’m sorry.” Tumingin siya kay Papa, “Pasensya na po sir.”
“Please, stop this. Tumayo ka na...”
Naiiyak ako. Ayokong mapahiya siya kaya bakit hindi pa rin siya tumatayo? He didn’t had to do this. Pero bakit ko ba kasi siya tinanggihan? Bakit nagpakatanga na naman ako sa isang bagay na walang kasiguraduhan?
Ang gulo-gulo ng buhay ko. Naguguluhan na rin ba kayo? Sisihin niyo si Alea, kasalanan niya ’to.
Sa bagay, kaninong buhay ba ang madali? Kahit nga pinakamayaman na tao sa mundo, namomroblema kung saan at paano niya gagastusin ang pera niya eh. Ano pa kaya ako?
I just need to be... strong. At kailangan kong magsimula sa pagpapalaya kay Edward kasi sa simula pa lang, mali na ang lahat ng ito.
Mali na ginamit ko siya for my own good. Hindi ako naging masaya. At pareho kaming nasasaktan ngayon.
I admit na masaya talaga ako ’pag kasama ko siya. Lalo na sa nangyari sa kotse? Butterflies were around me. Pero hindi ko kaya. Hindi ko talaga siya kayang mahalin. At hindi ko rin naman makokontrol ang puso ko kung kanino niya nais tumibok.
“Iwan mo na lang ako, Kirs, kung hindi mo ako mahal. Ayoko nang umasa. Oo, boyfriend mo ako pero bakit hindi ko ’yon maramdaman?” nanghihinang bulong niya.
“That’s why I wanna make this public. Kasi kung mahal mo ako, papayag ka eh. Papayag ka para hindi ako masaktan. Handa naman akong humarap sa pamilya mo. Pero bakit hindi pa rin pwede?”
“Mahal naman kita eh, pero...”
Pero hindi malalim ang pagmamahal ko para sa ’yo. Wala pa ako sa lebel na iyon. Hindi pa talaga ako handa.
“Pero ayaw mo pa?”
Tumango rin ako. Pinahid ko ang mga tumakas na luha mula sa aking mga mata. Ang sakit-sakit pala nito! Ako ang nangrereject pero nanghihina akong makita siyang ganito. Palangiti si Edward eh! Palagi siyang nakangiti t’wing nakikita at kasama ako. Pero sakit at panghihinayang lang ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.
And this is all my fault.
“Okay, then. I’ll respect your decision,” at saka siya tuluyang tumayo. Pinahid niya rin muna ang tumakas na luha mula sa kaliwang mata.
Ang sabi nila, kapag doon naunang lumabas ang luha, mula iyon sa puso. And it seems like I really hurt him. Bobita kasi, self.
“W-We’re still friends, right?” tanong ko sa kaniya nang makalma ang sarili.
“Of course, but you must give me some time to heal.”
And then, he hugged me. Tumango-tango ako sa balikat niya habang niyayakap siya nang mahigpit. Kung hindi lang siguro ako nag-request para sa waterproof make-up, nagmukha na akong crying zombie ngayon.
He asked me to let him go out and of course, sino ba naman ako para tumanggi? Kung ako nga nahihiya na para sa kaniya, paano pa kaya siya?
I shouldn’t humiliated him in front of everyone pero hindi ko na alam ang tamang gawin! Parang na-mental block lang ako bigla at ang unang pumasok sa utak ko ay sabihin ang totoo.
I can’t afford to hurt him more.
Hinayaan ko siyang lumabas at saka ko sinundan ng tingin. Nang makita siyang lumiko papuntang garden, huminga ako ng malalim. This is it, the show must go on.
Even though I don’t know where to start anymore.
Nervous laughter is what I heard from the MC. Nilapitan niya muna ako para tanungin kung handa na ba akong ituloy ang program. I just replied a dry “yes”. Nawalan na rin kasi ako ng gana.
Walang ginamit na mic si Edward kanina, pero base naman sa reaksyon namin ay alam na ng lahat kung ano ang nangyari. Besides, hindi rin naman ganoong kalaki ang function hall na ito para hindi mapansin na tinanggihan ko ang singsing na inaalok niya.
Papa just gave me a bottled water and left. Mas lalo akong kinabahan. I’m sure, after this event, interrogation’s next. Hindi nila ako papatulugin hanggat hindi ko nasasabi ang buong katotohanan.
What a great way to celebrate your 18th birthday!
May mas ilalala pa ba ang nangyayaring ito?
“Hey.”
After a while, I saw a pair of black leather shoes approaching towards me. Tumayo siya nang tuwid sa aking harapan at hindi na gumalaw, kaya napaangat ako ng tingin.
I saw sympathy in his eyes. Masyado ba akong kawawa sa paningin mo?
Tinignan ko ang hawak niyang pulang rosas, ito na ang huli and that means malapit nang matapos ang program. Kailangan ko na itong ituloy para makakain na rin ang mga tao.
Hindi ko na siya hinayaang magsalita ulit, tumayo ako. I grabbed the roses on his hands and walked pass him, “Halika na.”
Ipinatong ko ang parehong kamay sa magkabilang balikat ni Rhawi. I sighed. This is the most anticipated dance for me, so why the hell am I sulking like this?
Mahal ko si Rhawi kaya bakit ako nalulungkot nang ganito?
Change of heart na naman ba? Ang gulo-gulo ng puso ko, ah.
I’m truly sad that I hurt Edward that’s why I can’t entirely be happy in the arms of this guy. Pero siya ang mahal ko, kaya bakit?
“Malungkot ka ba? Of course, silly me. I’m sorry, dapat hinayaan na lang muna kitang magpahinga. Mukhang napagod ka na talaga. Gusto mo na bang umuwi?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Concerned pa rin siya.
Ang sabi ni Rhawi sa akin dati, hindi kami bagay na Edward. Sasaktan lang daw ako nito. Kaya dapat ay makipaghiwalay na ako. Pero mali eh, it’s the other way around, ako ang nanakit kay Edward.
And now that it happened, masaya kaya siya?
Sasabihin ba niyang “sabi ko na nga ba?”
I don't know, I just wanna sleep right now. Extreme emotions make me sleepy again. I thought I overcome it already, pero mukhang hindi. Lalo pa sa nakikita ko ngayon...
“Mama.”
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...