Chapter 18: Milk tea
“Ein, what happened, bakit parang nagmamadali tayo?” I think he noticed my furious eyebrows. He made me stop from taking him inside the mall and held my elbows softly. It made me calm. Kakaiba talaga ang nadadala ng hawak niya sa akin, nawawala ang pagkainis ko.
There was even nothing to be frustrated of! Ano bang nangyayari sa sarili ko? Don’t tell me nagugustuhan ko na siya. No, that can’t be. Kaaway siya, enemy! At isa pa, baka pa maging kapatid ko siya kaya HINDI ITO PWEDE!
Tinawag ka pang Ein! My heart stammered again. Huwag sana niyang narinig ang bilis ng takbo ng puso ko. He looked calm despite of his concern. Sana ganiyang din ako kagaling magtago ng emosyon.
I inhaled so many that I thought I’ll choke and forced a smile to show him, “May mga babae kasing tumitingin sa ‘yo kanina. I’m afraid your girlfriend will be mad kung makita o malaman niyang may ganoong nangyayari.”
Such a good actress.
“You sure iyon lang?”
I nodded continuously. Siya ba ang pinapaniwala ko o ang aking sarili? At hindi pa niya dineny na may girlfriend siya, ah? Okay, fine, at least may maikukwento ako kay Marites sa Monday.
Napahinga siya nang malalim, looks like something is bothering him. But I dare not to ask, that is his problem with his girl and not mine.
Tumango na lang ako nang inayang dumiretso sa loob, nakakaabala na rin kasi kami sa mga dumaraan. Pagkaupo, he asked me what I want to order and I quickly said Wintermelon with lots of pearl since it’s my favorite of all the flavors. Tumango siyang muli at tahimik na pumila sa counter. Ang pwestong napili namin ay hindi kalayuan doon kaya naman kitang-kita ko kung gaano karaming babae ang pumila sa kaniyang likuran. Hello, napakalaki kaya ng space sa iba!
Pero siya, parang wala namang pakialam kahit na andaming humahagikgik at nagbubulungan sa likod niya. Hayy, ganiyan ba siya ka-sanay sa nakukuhang atensyon? Eh kahit ano yatang suot nito at saan man magpunta ay paniguradong makukuha niya ang tingin ng lahat. Partida, hindi pa gaanong mature ang features niyan.
Then napag-isip-isip ko, will I be happy kung magiging kapatid ko siya? Kung ganoon kasi, palagi ko siyang makakasama pero lalo siyang lalayo sa akin. Hindi, mali ito. Anong malay nating yaman lang ni Papa ang habol nila ng Mommy niya? Siguro nga’t hindi ako pwedeng makipaglapit sa kaniya. Ayaw ko ng atensyon, kaya nga isa lang ang kaibigan ko. Ayaw kong nadadamay ang pangalan sa mga sikat dahil marami ring makakakilala sa akin. Not that I don’t like fame, ang gusto ko lang naman ay sumikat ako dahil ako ito. Ang gusto ko ay makilala dahil sa kakayahan ko at hindi dahil sa maraming sikat ang malapit sa akin o mayaman ako.
He smiled shyly when he reached our table, “I’m sorry, natagalan. Amabagal kumilos no’ng babae sa counter.”
Nakaupo na siya nang mapansin niya ang paghagikgik ko. “Sino ba naman po kasi ang hindi babagal eh halata naming tinamaan sa ‘yo yung babae. Tignan mo nga yung mga nakapila, parang buwaya kung makatingin sa ‘tin ngayon,” I giggled again.
Mukhang nagtataka siya sa napansin ko kaya siya lumingon. Dali-dali namang ibinalik sa akin ang tingin nang makita ang mga hindi matinag na babae. “Girls,” he said, “Do they really have a fetish for snobbish boys?”
“Oo naman, ‘no!” Ako na ang sumagot para sa mga babae. “Mysterious kasi tignan kaya naku-curious kami.”
“So, you’re one of them?”
Bigla akong tinamaan ng hiya. Baka isipin niyang naglalaway din ako sa kaniya! I never treated him like a brother kaya omg.
“Y-Yes, my crush is also snobbish, so…”
He raised his left brow and sipped to his Matcha.
“You know Edward? The drummer at s-school, well h-he’s my crush.” Do I sound believable?
“Hmm… if you say so.”
I needed to turn his attention to something new, kaya nag-isip ako ng topic. “Is Matcha masarap?”
“Uh-huh, Matcha is masarap for me,” he said while nodding and purposely copied my tone to tease me. Bwiset!
“Don’t you like Wintermelon?”
“Nah, I hate that flavor.” This is starting to be interesting!
When milk tea starts to boom, Wintermelon is one of the best-selling flavors. It is my favorite, actually. Ito rin kasi ang una kong natikman kaya binabalik-balikan ko na. Rhawi, on the other hand, is one of the few who hates it. He clearly likes Matcha, naubos na niya ang kaniya eh. His blueberry cheese cake is also nearly gone, so I finished mine too. May tira pa nga lang sa iniinom ko, pareho kasing large ang binili niya. Kaya nang inaya kong lumabas na para makatakas sa tingin ng mga tao roon, bitbit ko ang akin while sipping the drink.
We walked and I spotted another milk tea shop in the food court, this time. Siguro sa susunod doon na lang kami pumunta para hindi crowded masyado. Wait, naisip ko lang ba na magmo-mall ulit kami? You must have been kidding yourself, girl. Nakalimutan ko na nga ang dahilan kung bakit kami naglilibot ngayon. Does he need to buy something for his, uh, girl?
I stopped walking and turned to catch him staring at me. “Ehem, may need ka bang puntahan kaya tayo nandito?”
“W-Wala, I mean sinabi ko sa ‘yong ililibre kita kaya kahit saan mo gustong pumunta, doon tayo.”
Really?
I hurriedly dragged him inside my favorite boutique. I wanna buy clothes! Narealize ko kasi na masyadong pambata ang mga sinusuot ko. Now that I am at my teenage days, I should start to act more mature. And to do that, magsisimula ako sa pananamit.
Of course, I won’t spend all of his money, I don’t even know kung saan niya iyon nakuha. He will just be my judge since mukha namang may taste siya pagdating dito. Sexy at maganda ang girlfriend niya kaya sigurado akong alam niya ang kailangan kong gawin.
“So, you don’t like your pink stuffs now?” he asked as I went through the ‘aesthetic’ aisle. Napansin niya sigurong mostly plain-colored ang mga tinitignan ko unlike dati na puno ng ruffles and design.
“I don’t know, I think hindi na ‘ko bata para sa mga gano’n.” I browse and picked some clothes to try on and pointed him the sofa, “You will be my judge, ‘kay?”
Tinignan ko ang namumulang pisngi sa salamin, kakapasok ko lang sa dressing room. What is wrong with my cheeks? Hindi naman mainit ngayon. Hay naku…
I first tried the simple dirty white sleeveless (tank-top like) and maong shorts. I saw my reflection and I think it’s good. With my height, others told me that I look like 16 years old although I act like six. Ganoon ba talaga?
Lumabas na lang ako, chin up, just to see him entertained well by the sales ladies. Child abuse na ginagawa ng mga ito, ah. Lumapit ako at nagpamewang sa harapan nila. “Kung hindi po ako nakakaistorbo, Mr. Palaka, can you tell me know kung okay na ba ‘to?”
Sabay-sabay silang napatingin sa pagtataray ko. I suddenly remembered Papa. Whenever we go in this shop, marami rin ang napapatingin at lumalapit sa kaniya, pati mga namimili, ang akala yata’y artista ang kasama ko. Kaya ang ending ay hindi kami nagtatagal doon dahil sa sobrang possessive ko. Mukhang ganoon nga lang din ang mangyayari ngayon.
I didn’t wait for his response. Nagmadali na lang akong bumalik sa fitting room para hubarin ito. Pagkatapos kong ibalik ang aking dress ay kinuha ko na lang lahat ng pinamili at dumiretso sa counter para magbayad. Nauubusan na ‘ko ng pasensiya and I don’t know why! Hindi naman ang Papa ko ang kasama para makaramdam ako ng pagka-possessive.
He’s just a nobody. I don’t even like him as my brother, then why the hell I’m acting this way?
“Let’s go home, inaantok na ‘ko,” that was my excuse when I faced him. I lied, but not totally. Inaantok na rin naman kasi ako.
Ang huling naalala ko lang ay nakasandal ako sa kaniya as I inhaled his addicting scent. Ayaw kong umuwi dahil sigurado namang wala si Papa. Gusto ko ang nararamdamang comfort kaya hinayaan ko na lamang ang pagbagsak ng mga talukap ko.
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...