Chapter 38 (Part 1)

1 0 0
                                    

Chapter 38 (Part 1): Sweet lips

This is the real deal.

Lumabas akong naka-ternong pink na pajama at sinigurado kong long sleeved ang buttoned shirt. Ang pambaba naman niya ay hanggang ankle ko kaya okay na rin. Through this, I will be safe from my wild thoughts.

Bakit ba kasi nakakapag-isip ako nang gano’n? Dati naman, hanggang yakap lang ang nagagawa sa ’kin ni Rhawi sa mga imagination ko. Pero ngayon...

Third base!

“Oh, bakit gan’yan ang suot mo? Nilalamig ka ba?” pambungad na tanong niya pagkalabas ko pa lang ng kwarto. Nasanay kasi siyang shorts at spaghetti strapped ang mga suot ko ’pag nasa bahay lang, ayoko kasi ng mahahabang damit dahil madali akong pagpawisan kahit may aircon.

“For a change,” tanging sagot ko. What a lame answer, huh?

Pero syempre, 18 na ’ko ngayon. Normal lang naman siguro ang maghangad ng change? Katulad ng chance sa panaginip at imagination ko, huhu.

“Okay? Halika na, kain na tayo. Nagluto ako ng sweet and sour fish fillet at buttered broccoli.”

Ay pak, mukhang masarap. Kasing sarap ba ng nagluto, Ein?

I sat down quietly and looked at the dish in front of me. Grabehan naman, dapat talaga Culinary kinuha nito, eh. Tingin pa lang, ulam na!

Kakatwa pang magkaharap kami ngayon kaya lahat ng nasa harapan ko ay mukhang masasarap.

I grabbed my fork at tinungi ang broccoli. Halos mapadaing ako pagkasubo. Sobrang tama lang ng pagkakaluto, half cook at ang sarap! Isa pa itong fish fillet na all-time favorite ko. Walang mintis talaga, hindi malambot at hindi rin matigas. Bagkus ay crunchy kahit na may nakahalong sauce sa kaniya. Korean style ang linuto ni Rhawi kaya naman malalaki ang hiwa ng sibuyas at red bell pepper na kasama rin sa listahan ko ng mga paboritong gulay.

Alam niyo na, kailangang magpaka-healthy dahil kasama sa majorette team. Isa kasi sa requirements sa ’min ang makinis na balat. Dahil skirt ang sinusuot kapag may performance at parade.

At naalala ko, dati kapag nagpapractice ay medyo naghehesitate si Edward na payagan ako. Marami kasing lalaki ang nanonood sa ’min at kaming girls naman ay naka-costume na. Baka raw mabastos ako. Ay sabi ko naman sa kaniya ay huwag siyang mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko. Wala siyang ibang magagawa no’n kung ’di ngitian ako nang mapait.

Ano na kayang nangyari sa kaniya?

I really feel bad for him. Pero hindi ko na nagawa pang magpaalam kasi sa likod kami dumaan. Ang puzzled-like garden kasi ng event place ay nasa harapan kaya talagang hindi kami magkikita.

Sana umuwi na lang siya. Ayoko nang bumalik pa siya sa loob matapos ang nangyari. Pinahiya ko lang naman siya sa harap ng mga bisita.

Yes, they don’t know a thing about him at maganda iyon. Pero ang nararamdaman niya, paniguradong humiliated at malungkot. Maswerte na lang din ako kung hindi siya magagalit sa ’kin.

Kung tutuusin, okay naman siya, eh. Hindi ko lang talaga kayang mahalin si Edward nang higit sa pagmamahal ko kay Rhawi. Ang romantic love ko ay hindi para sa kaniya.

“Ein? Ein!” nabigla ako sa hampas niya sa lamesa!

“Bakit?!” napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkabigla.

Kapag ako, Rhawi, inatake sa puso. Sinasabi ko sa ’yo, mumultuhin kita!

“You spaced out. Kanina pa kita tinatawag, five minutes na. Kumain na tayo, gutom na ’ko.”

Ang tagal palagi ng mga naiisip ko, ha?

“Sorry, ito na...”

At nagsimula na nga kaming kumain. Ako ay napapapikit pa sa pagsubo dahil sarap na sarap habang si Rhawi ay nakabusaktong ang mukha.

Anong problema niya? Hindi ba niya nagustuhan ang sarili niyang luto? Ang gulo, ha!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pag-kain. Masyadong masarap ang ulam at fried rice ko para isipin pa ang ibang bagay.

AFTER a while, he got up. Kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya, nagtataka. Ang bilis niyang kumain. Hindi naman siya ganito dati, ah?

“Sa’n ka pupunta?” tanong ko.

“Maliligo,” and then he rushed all his way to the bathroom.

Katatapos lang kumain pero maliligo na?

“H-Hoy! Magpahinga ka muna!”

I called out, but he was gone.

May problema nga yata siya. Kaninang bago kami kumain ay hindi naman kakaiba ang kilos ni Rhawi, eh.

Kaya hinayaan ko na, maybe he needs time and secluded place to think.

Tumayo na lang ako at kinuha ang mga pinagkainan namin. Napangiti ako nang makitang walang butil ng kanin ang natira sa kaniya. Maybe some things don’t change at all. Kahit ilang taon na ang lumipas ay malinis pa rin siyang kumain. At malinis din ang pinagkainan niya.

Hay nako, Rhawi. Kahit simpleng galaw mo lang (na wala namang connect sa ’kin) ay kinikilig ako.

“All the girls on the block knockin’ at my door...” I sang as I wash these dishes. Kaunti lang naman kaya kahit hindi na ’ko magsuot ng gloves ay pwede.

Nagsimula na ako sa glass ware at tuloy-tuloy hanggang sa kawaling pinaglutuan niya. Nakuha ko nang matapos ay hindi pa rin lumalabas si Rhawi.

Ano kayang ginagawa niya sa loob ng banyo?

Hala, hindi naman kaya nauntog na iyon?

No! Erase those thoughts, girl. He is perfectly fine. Si Rhawi pa ba? Hindi siya basta-bastang madudulas dahil magaling ang balancing skills niya.

Umupo ako sa pwesto kanina matapos magpunas ng basang kamay. Sinigurado ko ring magpahid muna ng lotion para mapanatiling moisturize ang mga ito.

Ilang saglit pa, habang nakatulala ako at salukbabang nakatingin sa pintuan ng banyo, ay iniluwal nito ang isang makamandag na nilalang.

Ang macho ni Rhawi!

Tumutulo pa ang kaunting basa mula sa kaniyang buhok at ang agos ng mga ito ay pababa sa kaniyang pisngi, Adam's apple, panga, at paibaba. Lumalandas din ang basa sa kaniyang katawan. Ang walong pandesal niya, ang hot tignan! Kailan pa naging ganito ka-defined ang mga ito sa paningin ko?

And please, bumababa ang moist sa V-line niya! Kung hindi lang natatakpan ng twalya ang ibabang bahagi ng katawan ni Rhawi ay makikita ko na kung saan didiretso ang takas na tubig.

At isa pa, with those plump lips of him, who can resist?

Wala na akong ibang maisip ngayon kung ’di ang paliguan siya ng halik sa labi. Mamasa-masa at namumula ang labi niyang galing sa pagligo. Suddenly, I didn’t care about being caught drooling over him.

Oh, what I’d give to experience claiming those sweet lips?

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon