Chapter 36: Shower
“Halika,” ani ko pagkatapos buksan ang pinto.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” inilibot niya ang paningin sa buong kwarto.
“Hindi. Maliligo na lang muna ako para gumaan, mabigat ang ulo ko eh.”
I chuckled. Kung makipag-usap ako ngayon sa kaniya parang walang nangyaring nakaka-stress kanina. Chill lang?
Sinuklian niya ako ng tipid na tango at isang ngiti, “May gusto ka bang kainin?”
“Hmm,” tila nag-iisip kong tugon. Pwede bang ikaw na lang ang sabihin ko? Okay sana, but I ended up with “wala”.
“Okay, pero ako mayro’n.”
And I promise, I saw his devilish eyes! Ano na namang pakulo ang iniisip nito?
“Ewan ko sa ’yo! Maliligo na ’ko,” inilingan ko siya at nag-adya nang pumasok dahil tapos na sa pagtatanggal ng make-up.
“With that gown on?”
I hissed. “Of course, not! Tatanggalin ko ’to mamaya. Bakit, gusto mo dito ko tanggalin?”
Pwede rin, ano, ha?
“Ewan ko sa ’yo.”
Just like how he always does, ginaya na naman niya ang tune ng boses ko. Nakakainis na ha, nasa’n na ba ang originality nito?
Ang alam ko, naghahanap ng clues ang mga detective at hindi nanggagaya ng tao. Aba, ano ’yon, copy-paste? Keyboard ang peg?
INIWAN ko siya at dumiretso na ako sa banyo. Hindi ko na tinanong kung gagamitin niya ba muna. Bahala nga siya ro’n. Kung naiihi siya, dun sa lababo! Magcoconcert muna ako.
Kahit antok na antok na, mas minabuti ko muna talagang maligo. Sobrang daming nangyaring nakakaloka sa gabing ito. At panigurado, bukas, kung totoo nga ang nakita ko ay bago na namang kaso. Dagdag pa sa pagpapaliwanag na kailangan kong ibigay kay Papa.
Si Edward naman kasi eh, bakit ’yon ginawa in public?
Hay naku, ewan ko ba. At yung kay Mama, si Mama ko ba talaga iyon? Totoong tao ba ang nakita ko kanina? Well mukha namang totoo siya kasi nakita rin ni Rhawi at base sa sinabi niya ay talagang magkamukha sila. Pero paano nangyaring buhay pa ang Mama ko?
Mas maniniwala pa ’ko kung may magsasabi sa ’kin ngayong may long lost twin sister siya eh!
Destiny is really messing with me.
Plantyado na ang lahat, kaya bakit pa nangyayari ito? Kung kailan kuntento na ’ko ’saka pa magkakaroon ng ganitong eksena. Nakakaputa lang.
Hindi natin talaga makukuha ang lahat ng gusto natin sa mundo.
Yes, until now, I’m still part of the majorette group kahit college na ako. Hindi na ako pinipigilan at binabawalan ni Papa dahil matanda na raw ako. Ang mga sakit ko nga lang ang problema ko, na thankfully ay hindi na gaanong nati-triger... mukhang ngayon lang ulit.
May kapatid akong nasa kaniya na ang lahat. Okay na sana eh, kahit hindi kami biological sibling ay mahal ko siya. Ang problema lang ay romantic ang klase ng pag-ibig na nararamdaman ko para sa kaniya.
Nagkaroon ako ng almost perfect na relasyon sa isang perfect na secret boyfriend, pero hiwalay na kami ngayon.
“Okay na rin, at least nabawasan na ang mga sikreto ko. Oh yeah, oh~” sinasabayan ko ng pagkanta ang aking pag-iisip. Mukhang nagkaroon na ako ng bagong talent, haha.
Kinuha ko ang loofah na kulay light pink at binasa sa maligamgam na tubig na galing sa shower, nilagay ko rin ito ng ilang pump ng bago kong body wash dito. Kailangan kong maligo nang matagal para kumapit sa akin ang amoy. Nakakapagpakalma kasi ito sa magulo kong utak.
Habang ipinapahid ito sa katawan, tumingala ako upang salubungin ang maligamgam na saboy ng tubig sa akin. Pumikit ako at dinama iyon. Ang sarap sa pakiramdam...
“I told you so, this will calm you down.”
And I can hear Rhawi’s whispers behind my ear. Nakakakiliti ang ginagawa niya!
“H-Hey, what are you doing? Stop it,” sinubukan ko siyang harapin subalit hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Ayaw niya akong paalisin sa pwesto.
“Shh, stop that. I don’t want to see your naked body in front of me. Baka hindi na ako makapagpigil dito.”
I rolled my eyes. Gentle man ka na ngayon?
Sige nga, tignan natin kung hanggang saan aabot ang pagtitimpi mo.
Dahil makulit ako, hindi ako nakinig sa kaniya. Habang pinapahiran niya ng sabon ang aking leeg, humarap ako. And I saw how big his chinito eyes were!
“Biglang-bigla?”
Nakakatawa ang reaksyon niya! Hindi ko alam kung naiinis ba siya o natatawa na lang sa ’kin.
I pinched his nose. Ang cute niyang mamula. Talagang pinipilit niyang finofocus ang mga mata sa mukha ko kahit tinatraydor siya ng mga ito. Inangat niya pa ang mga braso at itinakip sa dibdib ko para yata hindi siya matukso.
But I find no problem with it.
“Don’t be too speechless. Ilang beses mo na bang nakita ang katawan ko, ha? Parang ito lang, namumula ka na. Sino ba ang babae sa ating dalawa? Bakit ikaw ang namumula, Rhawi? Nakakainis ha!” singhal ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. Siguro iniisip niya na problematic ang girlfriend niya?
“I’m sorry, ’kay? Sinabi ko naman sa ’yo na hindi natin gagawin ’yon hanggat hindi tayo kasal. Don’t make this too hard for me. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.”
At kasalanan ko pa talaga?
“Hoy, Mr. Palaka! Pangit ba ang katawan ko? Kung makapagsalita ka r’yan para ka namang nandidiri. Sinasabi ko sa ’yo ha, elementary pa lang, marami nang gustong manligaw sa ’kin. Tini-turn-down ko lang sila kasi ayaw ko sa kanila. At noong high school, kaya wala akong pinapayagan, kasi nakilala na kita!
Ay ewan ko, bakit ko ba ito sinasabi sa ’yo? Wala ka namang pakialam sa akin. Ni hindi mo man nga na-a-appreciate yung katawan ko. Hindi naman ako mataba, ah? Andami ngang nagsasabing sexy ako.
O baka naman mas gusto mong titigan yung katawan ng mga babaeng halos hubad na sa FHM na nahuli kong tinitignan mo noon?”
Just thinking of it makes my blood boil in anger. How dare him to do this to me?!
Sa ganda kong ’to ay aayawan niya ako?
“Hey, wait. Masyado ka nang napapalayo, Ein. Those aren’t my point. Ang sinasabi ko kanina ay I respect—” with action niya pang sabi.
“Yeah, wala akong pake. Bahala ka na nga. Nakakainis namang inisin ’to.”
Hindi pa natatapos maligo, kinuha ko na ang nag-iisang nakasabit na twalya sa gilid at lumabas.
Mamaya ko na lang itutuloy ang pagligo ko. Nawala na ako sa mood dahil masyado niyang ini-small ang kamandag ko.
Pakitaan ko kaya ’yon?
Mabuti na lang at hindi ko pa nababasa ang buhok ko. Hinayaan ko itong manatili na messy bun. Naglakad ako papuntang veranda upang tumunghay at tumingala sa maliliwanag na kislap ng bitwin habang sinusuportahan ang nakasabit na twalya sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...