Chapter 35: Pagod
“Mama...”
Nagmamadali ang pagkakabukas ng pintuan. At nang iniluwa nito ang nagbukas ng function hall, tumambad sa ’kin ang pamilyar na mukha ng isang babaeng kay tagal ko nnag hindi nakikita nang personal.
Tama ba itong nakikita ko? Ang mama ko ba talaga ang babaeng nasa pintuan ngayon?
Kumalas ako sa pagkakakapit sa braso ni Rhawi upang hawakan at tignan ang laman ng amulet ko. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng mga magulang ko. Tinignan ko ang babae at pabalik sa kwintas. Bakit gano’n? Kahit lagpas 18 years na ang lumipas mula nang makuhanan ang litratong ito, kamukha pa rin nila! Ni hindi man lang nagbago ang mga mukha nina Mama at Papa.
Kaya nakasisiguro akong Mama ko ang nakikita ko ngayon.
“Namamalikmata ba ’ko?”
Hindi ko na alam! Maaaring totoo ito, pero mas malaki ang tyansang nag-iimagine na naman ako. Ngunit, hindi ba, ang sabi ni Tito Odi ay nalalabanan ko na ang sakit ko?
“May babae nga, Ein,” narinig kong bulong sa akin ni Rhawi.
Napatingin ako sa kaniya, at sa nag-aalala niyang mga mata na nakapukol sa akin.
Something’s urging me to just kiss him right know! Kaya ang ginawa ko, mas inilapit ko pa ang katawan sa kaniya. Hindi para halikan ang lalaking mahal ko, kung ’di para yakapin siya nang mahigpit. Waterproof naman ang make-up na ginamit sa ’kin kaya hindi naman siguro ito didikit sa kaniya?
Sinubukan kong ibaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib, sa pagbabakasakaling magiging maayos ang pakiramdam ko pagkatapos nito. Isiniksik ko nang kaunti ang ilong malapit sa kaniyang collar... napakabango! Mula rito’y damang-dama ako ang mabilis ding tibok ng kaniyang puso. Humigpit din ang yakap na isinukli niya sa akin.
Kinakabahan din ba siya?
“Everything will be alright, I promise. Magpahinga ka na lang muna. Mamaya na natin harapin ito. ’Wag kang mag-alala, Ein, hinding-hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Sasamahan kita.”
Inalalayan niya ako papunta sa parang back stage nitong event hall. Naglakad kami habang nakasuksok ako sa kaniya. Hindi ko talaga sinubukang i-angat ang tingin dahil natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanan.
Hindi ko alam kung alin ang gusto ko: ang makitang nagkatotoo ang mama ko o malamang namamalikmata lang ako.
Kasi, tanggap ko na eh. Matagal na akong sumuko. Oo, may parte pa rin sa aking hinihiling na sana ay buhay pa rin ang mama ko, pero ngayong nandito na ay hindi ko na alam!
Anong gagawin ko?
Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako kung hindi lang inabot si Rhawi ang dalang panyo sa ’kin. Sinenyasan niya akong punasan ang aking luha at sinunod ko naman ang instraksyon niya.
“Rhawi,” tanong ko matapos kumalma.
Kaagad naman siyang napatingin sa akin. “Hmm? What is it?”
Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kwartong ito, kaya kahit binulong ko lang iyon ay maririnig niya.
“Is that really my mom?”
Please, say no.
Nakita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya. Ano ba, bakit ba siya nalulungkot?! Nalulungkot ba siya para sa ’kin dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako?
Eh sinusubukan ko namang mabuhay na sa katotohanan! Pinipilit kong tanggapin na wala na talaga, na hindi ko na makakasama ang Mama ko.
At ngayong natanggap ko na, bakit?
Bakit ganito? Bakit wrong timing ang lahat ng nangyayari sa buhay ko?
One of the most dramatic 18th birthday yata ang peg ko.
“Na-memorize ko na ang mukha ng babae na nasa amulet mo. And all I can say is that they look the same. Hindi rin naman imposible kasi walang nakitang katawan ng mama mo. But, 18 years have passed already. Maaaring hindi lang nahanap dahil sa tagal nang panahon.
Hindi naman kaya, may kakambal siya?”
Pwede pero... “wala naman akong natatandaang gano’n. Hay!”
Humiga ako at pilit na ipinagkasya ang sarili sa maliit na sofang ito. Pagod na pagod ako. Drained na nga sa pagre-reject kay Edward ay sumunod naman ito.
You may think I’m insane.
Matagal kong pinangarap tapos ay aayaw ngayong nagkatotoo?
Ang problema kasi, wala naman akong kasiguraduhan. Mahirap umasa na sa wala. Paano pala kung hindi naman iyon ang Mama ko?
At eto na oh, maayos na ang takbo ng lahat. Si Papa, may Auntie Matilda. Ako, nagkakacrush sa anak niya. Masaya na ako sa ganitong set-up. Plantyado na ang lahat. Kuntento na ako kahit kapatid lang ang turing niya sa ’kin kaya bakit ngayon pa? Magugulo na naman ba ang lahat?
“Do you want me to drive you home? Hindi ka pwedeng matulog d’yan. Masyadong maliit, sasakit lang ang katawan mo. At saka, wala tayong dalang inhaler. 2x a day yon, remember?”
“Yeah, tatayo na.”
Tamad ma tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Mukhang tuluyan na nga akong tinatamaan ng antok ngayon, ah. Ano yon, pati sa boses niya ang inaantok na ako?
Charr.
Tinawagan ni Rhawi si Papa upang magpaalam na mauuna na kami sa bahay. Hindi pa raw kasi sila pwedeng umalis dahil inaasikaso nila ang naiwang komusyon sa labas.
Siguro ay kumakain na ang mga bisita, total tapos na rin ang 18th dance. Iyon na ang huling bahagi ng program. Live na nakapanood ng drama huh? This will surely be a talk of the town kung may nakapasok mang reporter.
Nag-iisang anak na babae ng isa sa kilala at pinakagwapong businessman sa Romblon, grabe ang ganap sa 18th birthday!
Pero sa ngayon, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay humimlay— este matulog nang mapayapa.
“DAHAN-DAHAN, ’wag kang magmamadali,” inalalayan niya ako pasakay sa Ferrari niya.
Dumaan pa rin kami palabas mula sa back door. Mabuti dahil ayokong magpakita sa kahit na sino ngayon pagkatapos ng nangyari. Magandang balita rin na walang tao sa parking lot.
Mabuti na lang din talaga at ito ang dinala niyang ngayon. Ayokong sumakay sa motor, ha!
Mula pagsakay namin sa Toyota Vios (saka na raw siya bibili ng mas mahal kapag nagkapera na) hanggang pag-uwi, nanlalata ang pakiramdam ko.
Pero dahil malayo pa ang byahe kung sa bahay kami uuwi, nag-iba kami ng daan. Mukhang sa condo niya ako matutulog ngayon. Ayos lang, may kwarto naman kasi ako doon at mas malapit ang lokasyon ng Villasis Homes kung dito ka manggagaling.
Gusto ko nang matulog! Pero kailangan ko munang maligo para na rin gumaan ang pakiramdam ko.
Pagkarating namin sa destinasyon, kaagad akong dumiretso sa kwartong nakalaan para sa ’kin. Ilang beses na rin akong nagagawi dito kaya gamay ko na ang buong lugar. Dalawa lang ang kwarto nito, parehong walang cr dahil nasa tabi ng kusina ang nag-iisa.
Umupo na muna ako sa tapat ng vanity mirror at kinuha ang cotton pad na may micellar cleansing water. Ipinahid ko ito sa buong mukha para matanggal ang make-up na matibay. Gumana naman kaya mas lalo kong nakita kung gaano kapagod ang mga mata ko. Nakita ko rin ang cellphone na kanina pa pala tumutunog sa tabi, alas niebe na. Gusto ko na lang talagang magpahinga, kaya hindi ko na pinansin ang mga tawag nila.
Ipinagpatuloy ko pa ang ginagawa hanggang sa...
“Ein?” narinig kong kumatok sa pinto si Rhawi.
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...