Chapter 41: Catching up
I listened to the hummingbird and closed my eyes.
Nakaka-relax talaga ito sa pakiramdam. Ang simoy ng katamtamang init ng hangin ay tumatama sa nakalugay kong buhok sa upuan ng bench. Mabuti na lamang talaga at nasa lilim ako, kung ’di ay paniguradong mamumula ang balat ko. Alas diyes na rin kasi ng umaga kaya tirik na ang araw.
Dahil nasisilaw sa liwanag, ginawa kong pantakip ang aking braso at ang isa ay hinayaang manakit sa pagsuporta sa aking ulo.
Going back here, it’s like reminiscing the past. Reminiscing the young and hopeful version of my self.
In those six years na dumating sina Auntie at Rhawi sa buhay namin, marami ang nagbago. I learned to feel anger and seek vengeance. I fell in love with an unreachable guy. But my feelings drove the way. Ang sabi niya’y mahal niya rin ako. So I let my gaga’ng self to just go with the flow.
How I wish, magbalik ang lahat sa dati.
When Kirs was still Kirs and not Ein. When I am constantly praying to see my mother. At hindi tulad ngayon na imbes saya ay lungkot ang nararamdaman.
I really can’t understand. Bakit hindi ako masaya? Ito yung bagay na matagal ko nang inaasam-asam noon!
At ngayong nandito na ay napanghihinaan ako ng loob?
Mahal ko si Mama, nothing could ever change that. But maybe because of the time, dahil sa oras at panahong lumipas, my faith decreased to the point na tinanggap ko nang hindi ko na siya makikita. I believed that there was no miracle. At ngayong nagkaroon ng milagro ay hindi ako makapaniwala.
PUYAT pa, nakatulog akong muli. Kinusot ko ang mga mata pagkamulat. Ang sakit ng kaliwang braso ko, namanhid!
Bakit kasi nakalimutan kong magdala ng kahit anong pwedeng higaan? Nagpi-pink na tuloy ang braso ko. Mabuti na nga lang at hindi gaanong sumakit.
Umupo ako nang tuwid at nag-unat-unat. Humikab din ako at muling ini-strech ang likod dahil talagang sumakit ito. Maliit lang kasi ang hinigaan ko kanina.
Then suddenly, mayroong mga kamay sa humawak sa balikat ko to massage me. Kaagad akong napabalikwas at hinandang ihahampas ang payong sa kung sino mang nasa likod ko.
I thought it was a perverted stranger, but no. I’m wrong. It was my mother. Mabuti na lang at hindi ko tuluyang naihampas sa kaniya ang folding umbrella ko dahil talagang nakakahiya ’yon kung sakali!
Natutop ko ang bibig at kaagad ibinaba ang payong na mahigpit na hinahawakan, “I’m sorry po. Akala ko kung sino.”
Mababakas din sa kaniyang mukha ang bigla, pero kaagad niyang naayos ang postura’t nginitian lang ako ng tipid. “That’s okay. Pasensya na kung nabigla kita. Nagising ka ba ng hawak ko sa ’yo?”
Kaagad akong umiling, “H-Hindi po! Wala nga po akong namamalayang may humahawak sa akin. Nauhaw lang po kaya nagising.”
“Oh!” lumiwanag ang mga mata niya. “I bought some snacks hija, halika, kumain na muna tayo.”
It felt awkward at first, pero kalaunan ay pumayag na rin ako. Besides this lady beside me isn’t a stranger. She’s my mother for Pete’s sake!
Kaagad akong natakam sa tuna-ham sandwich na dala niya at sa kasama nitong apple juice, kaya kaagad akong kumuha ng sa ’kin para ipakain sa gutom na gutom na mga alaga sa tiyan.
Wala nga pala akong kain mula pa kanina. Kaya siguro ganito na lang kung mag-react ang sikmura ko.
Nang makitang kinagatan na niya ang sa kaniya, nagsimula na rin akong lantakan ang akin. Sobrang sarap na hindi ko mapigilan ang sariling kumuha pa ng isa.
Hindi ko akalaing ganito pala kasarap sa panlasa’t pakiramdam ang lutuan ng sariling ina?
“Masarap ba?” she asked.
I immediately said yes, of course. Magsisinungaling pa ba ’ko eh halata naman kung gaano ko kagusto ang dala niya? It’s one of my favorite sandwich kaya!
Ham-tuna. But, how did she knew I loved it? Tinanong niya ba si Papa kung ano ang paborito kong meryenda? At paano siya napunta rito?
Bigla akong natahimik. Imposibleng coincidence lang ang lahat, ’di ba?
“Uhm, bakit po pala kayo nandito?” my curiosity killed the cat inside me.
She looked at me in the eyes and smiled warmly as she wiped her mouth with the tissue paper elegantly, “Believe it or not, nagkataon lang talagang pumunta ako rito. This was my favorite place, my safe spot. Dito ko rin nakilala ang Papa mo. Whenever I got tired and hurt, dito ako pumupunta. And the last place I went to before I left you was... here.”
Nanlaki nang kaunti ang mga mata ko. May napagmanahan rin pala ako sa kaniya?
“And about the sandwiches and juices I bought, those are my favorite too. Dinagdagan ko lang ang dala dahil pinlano kong magtagal dito hanggang mamayang paglubog ng araw.”
Gano’n katagal? Heck, nakain ko ang dapat sana’y pagkain niya pa hanggang mamaya!
“Sorry po, nakain ko yung food niyo, hehe.” I looked down, embarrassed at my self.
Masyado kasing nagpapadala sa kagutuman, ayan tuloy.
Nginitian niya ’ko at tinignan ang kaunting distansya sa pagitan namin, “Ayos lang ’yon, ang mahalaga’y pareho tayong nakakain. Nabusog ka ba, hija?”
“Opo,” agaran kong tugon. Sumandal akong muli sa bench at doon ko napansin ang isang maliit na unan sa hinigaan ko kanina.
Wala naman akong natatandaang may baon akong unan, kaya sa kaniya iyon panigurado! Nakakahiya na talaga, ang dami kong abala sa kaniya!
Tumikhim ako’t tiningala ang puno ng Acasia. Ang taas na nito kaya hindi na gaanong nalalabanan ang init na lumalagpas sa mga sanga.
“Anne,” she called me and that was the sweetest thing I heard from someone!
Kahit wala namang tumatawag ng gano’n sa ’kin, binalingan ko siya. Of course, ako lang naman ang pwede niyang kausapin dito.
“I’m so sorry.”
“Para saan po?”
“For everything. Pasensya ka na kung mas pinili kong iwanan ka, kayo ng Papa mo. I’m sorry that I didn’t had the courage and I became weak. Sorry kasi ngayon lang ako bumalik. Marami ang naging dahilan kung bakit ngayon lang ako nakapagparamdam sa inyo. At mukhang huli na ’ko,” malungkot niyang sabi.
“Kay Papa po ba? Hehe.”
She laughed, “Maybe. Hindi ko alam. Mahal ko naman ang Papa mo, pero mukhang hindi na ito ang panahon para ro’n.”
Napakunot ako ng noo, “Kung mahal mo po si Papa, bakit hindi mo siya ipaglaban? Hahayaan mo na lang po bang may kasama siyang iba? Eh paano ka naman po? Itatago ang nararamdaman at magkukunwaring masaya para sa kanila?!— I’m sorry, I didn’t meant to burst out. Pero nasa sa inyo pa rin naman po ang desisyon. Kung hahayaan niyo si Papa sa piling ng iba o ipaglalaban mo ang pagmamahal sa kaniya.”
“May iba na siyang mahal, anak. Ayokong guluhin pa ang pagsasama nila.”
Nakakalungkot. Kakatagpo ko pa nga lang sa Mama ko tapos may panibagong problema na naman?
All my life, I wish for her to come back. Palagi kong hinihiling na sana’y bumalik na siya para makumpleto kami. Pero ngayong nangyari na, ayaw niya na rin palang ipaglaban si Papa?
Kung hindi ba ’ko sumuko noon sa paghihiwalay kina Auntie at Papa, mapanghihinaan ba ng loob ang Mama ko?
Kasalanan ko ’to. Dapat, tinapos ko na ito noon pa. Hindi sana ako nagpadala sa pagtingin ko kay Rhawi. Tignan niyo kung saan nauwi? Tsk.
“Huwag mo nang isipin iyon, Anne. Let me just catch up with the 18 years I missed. Shall we?”
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...