Chapter 40

2 0 0
                                    

Chapter 40: Silence

I woke up.

What happened was still fresh for my feelings, but I can’t help not to be scared. Paano kung mabuntis ako?

Heck, he rocked me twice without any protection used!

At sa subject namin, ang natatandaan kong tinuro ay sobrang laking chance na ma-fertile ang egg mo kung gano’n. And if you’re on your ovulation days.

Kakatwang dati ay wala naman akong pakialam. I just check my period calendar to know if the cycle is normal. Pero ngayon ay iba na ang gusto kong i-track! Masyado na ata akong nae-excite when it’s just my first time.

Ni hindi ko nga sigurado kung totoong mahal niya ’ko o na-carried away lang siya sa motives na pinapakita ko.

’Yan, masyado kasing marupok. Nagpapadala kaagad sa bugso ng damdamin.

Tulad ngayon, if he really loves me, bakit wala siya sa tabi ko? Nagising akong mag-isa and there was no signs of him sleeping here. Baka nang matulog ako ay lumipat siya?

At may lakas pa siyang tumayo gayong 2 am na kami natapos?!

I waited for 10 more minutes. Maybe he’ll surprise me with breakfast in bed, but none. Walang dumating. Walang surpresa. Hindi niya binuksan ang pinto.

Kaya tumayo na ’ko. And heck, all I can feel was the sore down there!

So, I was really true? Totoong  may nangyari sa ’min. It wasn’t my fucking imagination messing up with me.

Pero bakit wala siya?

They say, the day after first will be special and most memorable. You will spend more time, and invest more feelings toward each other. Because you already became one.

Subalit... wala siya!

Saan naman kayo iyon nagpunta?

Kahit masakit ang nararamdaman, I got out to see where he is. Wearing the pajamas I have yesterday, I went to the living room first. Since nasa tapat lang ito ng mga kwarto, madali ako nakapunta. Wala siya. Sunod kong pinuntahan ay ang kusina at banyo, wala rin siya. Even sa veranda at sariling kwarto, wala siya!

Where in the world is this guy?!

Yesterday night, he told me he loves me. I let him have all of me. I gave him my V-card. And now he’s gone?

Nagsisisi ba siya? Nakokonsensya? Then fucked it! Kahit gaano pa ’yon kasarap ay nagsisisi na rin ako!

“Bwisit ka, Rhawi...”

I marched back to my messy room at saw my queen-size bed being crumpled to the bone. Gano’n kami kalikot, huh?

Walang ligo-ligo, dumiretso ako sa closet at naghanap ng damit. Naghubad ako roon at nagpalit na. Kung pagkatapos ng nangyari sa ’min ay ayaw niya ’kong makita, pwes ayaw ko rin siyang makita!

I heard my self crying helplessly.

Bakit ako umiiyak? Hindi ko dapat iniiyakan ang lalaking ’yon! Ni hindi man nga siya gentleman. Tinatakasan ako.

Fuck you, Rhawi! Fuck you.

Pagkatapos kong magbihis, inilagay ko sa high ponytail ang aking buhok. Sa ngayon ay wala na ’kong pakialam sa hitsura ko. I just hope hindi ako mukhang devastated.

Nakakahiya talaga ako.

At bakit palaging may kinalaman siya sa pagkakapahiya ko? Ako ang babae at ako ang tinatakasan pagkatapos ng one night stand?

Wow lang ha. Kakaiba talaga siya.

And I swear, kung mabubuntis ako (na malabo naman sigurong mangyari) ay hindi ko ipapakita sa kaniya ang anak ko! Masyadong nasaktan ang pride ko para gawin ’yon.

BUMABA ako from the building at dumaan sa fire exit. Mabuti’t may hook ang jacket kong suot kaya ginamit ko ito. I also wore my super dark shades. At parang isa akong artistang nagtatago sa media sa ayos ko ngayon.

Pero kung tutuusin, pwede rin.

Anak ako ng isang kilalang businessman. Although hindi ganoong ka-top sa market ang products namin, sumikat ito dahil sa charisma ng may-ari. Masyadong gwapo ang Papa ko at bata pa kaya talagang maraming nangkakagusto sa kaniya. Kahit mga partners na matatanda, na-a-amaze sa hitsura niya. That’s the reason why hindi na ’ko nagtaka kung bakit siya nagustuhan ni Auntie.

Ang kontra ko lang talaga noon ay bakit siya nag-girlfriend? He’s so rich, may anak na siya, he doesn’t need anything or anyone. Lalo pa ng isang babaeng matanda sa kaniya. But I guess, that’s how life works?

The situation is already messy and then may mangyayari pang ikakagulo.

“Taxi!” sumakay ako sa backseat at pumikit.

“Saan tayo, ma’am?”

Then it hit me. Saan ko nga ba gustong pumunta? Ayoko sa bahay, tatadtarin lang ako ng tanong ni Papa. Kung kina Marie naman, magkatapat lang ang mga bahay namin.

“Sa Outside Cliff po.”

Mabuti naman at alam iyon ni Manong, kaya nakatulog ako ng mahimbing.

Ginising niya lang ako nang makarating na. Lumabas ako ng taxi, nagbayad, at nagsimula nang akyatin ang bangin na madalas ko nang puntahan noon pa man. Medyo matagal na nga ang huli kong punta, eh. And I’m so happy that I came back.

Pinapakalma ako ng lugar na ’to. There’s some connection between us at nararamdaman ko ang lakas niya. Whenever I have a problem o kung magulo ang laman ng utak ko, dito ako pumupunta at magiging maayos na ang lahat.

And that’s what I need right know.

Dahil medyo masakit na sa mata ang sikat ng araw, sa bench ako pumunta. Nasa lilim ito ng puno ng Acasia kaya presko ang simoy ng hangin at hindi mainit.

Humiga ako. This is what I want, quiet place and silent mind. Unti-unti na ’kong kumakalma. I closed my eyes and let everything come through.

I placed my hand on my tummy. At naisip ko ulit, paano kung mabuntis ako? Masyado pang maaga at hindi ko naman nasisiguro, pero may chance. I can be pregnant. Good thing though, ibinigay ko ’yon sa lalaking mahal ko.

Pero nakakatakot. Nakakatakot to the point na ayoko na lang isipin ang susunod na mangyayari.

Kakatapak ko lang sa legal age! At anong magiging reaksyon ni Papa kung sakali? Na nakakahiya ang anak niya? Nagpabuntis sa step brother.

And Mama...

Was that really my mom?

Papaano kung kamukha niya lang? Kung may kakambal pala siya? Ayokong gaanong umasa dahil masasaktan lang ulit ako. Pero kasi, no body was found at the bottom of this cliff.

Posible kayang nakaligtas siya?

Pero saan naman siya napunta those 18 years na nawawala siya?

---

Ten chapters to go!

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon