Chapter 13

0 0 0
                                    

Chapter 13: Ein

It felt so awkward, but I don’t have any choices left. I admit naman na magaling siyang magturo. Ang ayaw ko lang ay hindi na niya tinigilan ang pagtawag sa ’kin ng Ein. Nakakasawa kaya, hindi ko naman pangalan ’yon, at hindi ako sanay na may tumatawag sa akin nang gano’n. Mas okay pa nga kung Kirs na lang ang sinabi niya, kahit na close friends ko lang ang pwedeng tumawag sa ’kin ng gano’n ay matatanggap ko pa. Pero ang Ein? Eww, hindi ko keri! Masyado ba niyang gustong maging unique kaya pati sa pagtawag sa ’kin kailangang kakaiba rin siya?

Isinandal ko ang likod sa malambot na back rest niya. Bakit hindi katulad nito ang akin? Hindi pa kami nakakapagsimula, pero pakiramdam ko’y mahihimatay na ako sa pagod. Huwag muna sanang sumpungin ang antok ko! May misyon pa akong kailangang isakatuparan!

Kinuha niya ang isa pang upuan na nakalagay malapit sa kama at inilagay sa tabi ko, mga dalawang ruler ang pagitan ng mga upuan namin. Malaki naman ang lamesa niya kaya kasyang-kasya kami nang hindi kinakailangang magdikit.

“So, you need to find the value of x?” tila nandilim ang kaniyang paningin habang nagsasalita.

“Well, yeah. Ang nakakainis ay past na naman na ’yon, kaya bakit pa nila kailangan ungkatin? Hay naku, ewan ko ba sa Mathematics, ang daming gusto. Andaming pasikot-sikot, nakakalito!”

Teka, akala ko bang magtatanong lang ako... bakit dinadaldalan ko siya ngayon?

“Ehem... back to the topic. Paki-explain lang ito nang kaunti. Tutal ang sabi mo’y wala ka namang hindi kayang gawin, kaya I supposed na alam mo ito, right?”

Itinaas ko ang kaliwang kilay, nanghahamon.

Tignan natin ngayon kung magmamagaling ka pa.

He chuckled that made me blush. The heck with you, Kirs! “Madali lang naman kasi ’yan, Ein.”

Napakurap ako sa kaunting gulat. Please take note na ikalawang beses na niyang pagtawag sa ’kin ang weird name na ito! Akala ko kanina, guni-guni ko lang ang narinig, pero totoo pala. Ano naman kaya ang pumasok sa “magaling” na kokote nito para isiping Ein ang pangalan ko?

I eyed him, “Hindi Ein ang pangalan ko po. Kirstein siya, Kirstein!”

Tinawanan lang ako, I pout a bit. Ang kulit din ng lahi niya!

“Oh no, don’t do that again. Ititigil ko talaga ito kapag nagpa-cute ka pa sa harapan ko.”

“What? Hindi ako nagpapa-cute sa ’yo, ano! Kasalanan ko bang cute ako, tss...” nanlaki ang mga mata ko nang marealize na masyadong napapalakas ang boses. I need to stay calm dahil ayaw kong may makakitang magkasama kami ngayon.

Bakit ba masyado ko itong tinatago? Takot ba ’kong mahuli kami o...

Tumawa na talaga siya, so I have no choice but to cover his mouth with my right hand. Dahil nakaupo naman siya sa left side ko at nakadikit ako sa wall ay hindi naging mahirap para sa akin ang ginawa. Na-under estimate ko nga lang ang distansya namin at nakalimutan na hindi naman mahahaba ang mga braso ko, kaya nang nagmadaling takpan ang bibig, napasubsob lang naman ako sa kaniya! Mabuti na lamang at hindi tumama ang noo ko sa kaniyang dibdib dahil nasalo niya ang aking mga braso. Tumigil na rin siya sa pagtawa at napakurap na lang nang limang beses.

Bilang na bilang ko kasi... observant talaga ako sa paligid.

I don’t sound defensive, ’kay? I’m just pointing it to you, people.

Nabigla rin yata siya sa nangyari. Biglang nanahimik ang paligid at sa pagkakataong ito ay mas idinikit ko ang sarili sa pader para hindi na mapalapit sa kaniya. Ipinagpatuloy niya ang pagdi-discuss ng lesson. And to my surprise, ang galing niya! Parang dinaig pa nga ang teacher namin dahil talagang hindi siya huminto sa kaka-explain at paghahanap ng paraan para sa akin hanggat hindi ko nagegets ang tinuturo niya.

Mabilis kaming natapos at thankful ako na hindi na muling nagkaroon ng awkward noise sa pagitan namin. Sa sobrang pagmamadali ko nga lang ay nakalimutan ko ang aking ballpen at naalala lang ngayong nakabalik ako sa kwarto.

“Muntanga ka talaga, girl.”

Sa tulong ni Rhawi ay nagawa ko ang assignments at ready na ang Kirstein niyo para sa special quiz bukas. Binasa ko lang nang kaunti ang mga pinag-aralan ko kanina para hindi makalimutan at mabuti naman dahil may natatandaan pa rin naman ako. I stretched my arms and prayed na sana masagutan ko ang mga tanong bukas nang tama.

THE next morning, bumangon ako para datnan ang balitang wala pala sina Papa. Kahit pala mag-ingay kami nang mag-ingay kahapon ay hindi niya kami maririnig dahil wala sila ni Auntie Matilda. Chineck ko ang cellphone, pero walang message galing sa papa ko. Mukhang dead bat na naman siya.

Ang sabi ni Ate Nora, kahapon pa raw bago kami umuwi galing school umalis sina Papa. Kataka-taka dahil first time niyang umalis nang walang pasabi sa ’kin. Ano kayang ginawa ng kasama niya sa kaniya para kalimutan niya ang walang kaalam-alam na anak? Ang ayos na ng mood ko kanina eh, nasira lang dahil sa nalaman.

At akala mo ba maaayos ang mood ko niyang breakfast in bed mo?

Dumating si Rhawi dala-dala ang isang tray na may lamang dalawang itlog, tatlong strip ng bacon, isang cup ng fried rice, isang baso ng water, at ang gamot ko sa gilid. Anong trip nito? Umupo ako nang tuwid, nahihimasmasan na mula sa paggising nang tumambad ang nakangiti niyang pagmumukha.

Haler, close ba tayo para kainin ko ’yang dala mo?

“Princess Ein, kain ka na po.”

What is happening on earth? Baka nga nababaliw na siya kaya hindi na snob! O kaya naman, may nakain siguro itong kung ano. Baka pa malason ako sa dinadala niya.

OMG, siguro tinityempo niya na wala sina Papa at lalasunin niya ako para siya na ang magmana sa properties namin!

Mula sa nakangiti at nae-excite na mukha ay bigla akong napasimangot. “Hindi naman ako gutom. At sinong nagpapasok sa ’yo rito? Ate Nora!”

Pinilit kong umupo nang maayos kahit pa medyo nanghina dahil hindi na naman kaagad nakatulog. Kailangan ko ng kumain para makapasok sa school, 5:45 na, pero natatakot akong malason. Hindi sa pagkalason mamamatay ang kagandahan ko! Iniignora ang mabangong amoy ng dala-dala niya, tumingin ako sa kabilang direksyon. Si Are Nora’y hindi pa rin bumabalik dito. Naglilibot na naman siguro iyon!

“Maniniwala na ba ako?” lumapit siya at please lang, itigil mo ’yan! Natutukso lang akong tumingin sa pagkain. Baka pa marinig niya ang nakakahiyang pagkalam ng sikmura ko!

Halata namang gutom ako, nang lumapit siya ay hindi ko na napigilan ang sarili. Hindi ko na lang siya pinansin habang kumakain para hindi na makita ang paniguradong natatawa niyang mukha. Oo na’t mahina ako pagdating sa pagkain. Paborito ko pa naman ang bacon at itlog! Sana lang talaga walang sasakit sa akin pagkatapos kong kainin ang mga ito.

Pinanood niya ako nang nakangiti at hindi iniwan hanggat hindi ako natatapos. Nakalimutan kong itanong kung nakakain na ba siya, pero hindi naman siguro niya ako papanoorin doon kung hindi pa siya tapos.

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon