Chapter 48: Goodbyes
Kinausap ko si Papa.
Ang sabi kasi ni Lola, lumalala na ang sakit ni Lolo at kailangan niyang mag-focus sa pag-aalaga rito. Dahil nag-iisang anak lang ang Papa ko, wala naman silang ibang maasahan kung ’di siya. At mukhang ayaw namang gambalahin dahil may sariling business din naman sa Pinas.
Kaya ako ang kino-contact nila.
Should I give it a try?
Hindi rin naman kasi masama. I can spend time with them, because they are still my family. At mukhang mahirap ang sitwasyon nila ngayon. Walang pinagkakatiwalaang employee si Lola eh.
Ang kaso, kakakita ko pa lang ulit sa Mama ko! I want to spend more time with her. Kulang na kulang ang ginawa naming pag-uusap. Kahit nagkita kaming muli ilang araw lang, hindi iyon matagal dahil may pasok pa ’ko no’n! I miss her so much. I want to hug her again.
But I don’t know where to find her. Wala siyang ibinigay na address sa akin at nakakalimutan ko naman ding hingin. Hay, at least I have her number. So I contacted her...
“Hello, Mama?” bungad ko pagkasagot niya sa ikatlong ring.
“Oh, anak, napatawag ka? Wala ka bang klase?” her voice was soft. And I swear, all I want was to be enveloped in her arms!
“Lunch break po,” I chuckled. “Nami-miss ko lang ang Mama ko kaya ako tumawag. Bakit, hindi mo po ba ’ko na-miss?” kunwari’y nagtatampong sagot ko.
“Ang batang ito, oo. Oh siya, sige, i-text mo ’ko ’pag uwian niyo na at nang masundo kita. Magpaalam ka sa Papa mo ha? Dito ka na maghapunan.”
“Noted po!”
When she hung up, nakita ko ang sariling nakangiti nang malapad. Sa nagdaang mga araw, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng totoong saya.
Rhawi didn’t showed up as I expected. He wanted me to forget what happened. Nadala lang siya ng pang-aakit ko (at dahil na rin siguro kaming dalawa lang noon) kaya may nangyari ulit sa amin. Pero para sa kaniya, isa lang iyong pagkakamali. Hindi niya naman talaga ako mahal. Siguro naguguluhan lang siya. At kapatid pa rin lang ang turing niya sa ’kin.
Yes, I should think of the worst para less pain. Hindi naman kasi pwedeng palagi na lang akong mabuhay sa fantasy at imagination’g mahal niya rin ako. Tama na ang dalawang beses na nadala siya ng lust. At tama na ang dalawang beses na hinayaan ko ang sariling mahulog sa bangin na hindi ko naman alam kung nasaan ang dulo. Masyado itong malalim na ngayong nahuhulog ako’y hindi ko na alam kung nasaan ang daan pabalik o kung mayro’n pa ba.
Umiling ako. Hindi ko na dapat siya iniisip. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang paghahanda para sa pag-alis. Pinayagan din naman kasi ako ni Papa, wala naman siyang choice dahil laman namin ang mga nangangailangan ng tulong. Well, it wasn’t exactly help dahil wala naman akong choice kung ’di ang sumunod sa utos.
“Just always take care of yourself. Wala ako ro’n para alagaan ka, anak. At hindi ka sanay kaya talagang ayaw kitang payagan. Pero ano bang laban ko kay hahaoya? Isa pa, dapat talagang mag-focus na lang siya kay chichioya at hindi na idagdag sa stress ang negosyo.” iyan ang tanong niya sa ’kin kanina, nang mag-usap kami Bago ako pumasok sa university.
“Opo, kakayanin ko. Ako pa po ba?” I winked at him para kumalma siya. Kaya ko naman talaga eh! I will, I should.
“Eh ang pag-aaral mo? First year ka pa lang pero sasabak ka na sa mundong ganito,” he sighed. “I’m sorry, I let you experienced this. Kung sanang hindi ako nagmatigas noon at inako ang repondibilidad, hindi ito mapapasa sa ’yo. Or maybe I’ll just left our business here to go there para hindi ka na mahirapan,” namomroblemang aniya na kaagad ko namang kinontra.
BINABASA MO ANG
Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓
RomanceDarating ang taglagas, susundan ng tagsibol. Sa pagtatapos ng isang kwento, may panibagong magsisimula. Nang dahil sa kagustuhan ni Kirstein na makitang muli ang kaniyang Mama, nakilala niya ang lalaking hindi niya inaasahang mamahalin. Alam niyang...