Chapter seven

5 1 0
                                    

Chapter seven: Sakit

Pagka-park pa lamang ng sasakyan ay madali akong inalalayan ni Papa pababa. Bakit ba mas nate-tense pa siya kaysa sa 'kin? Wala naman akong malalang sakit, ah? Isinagka niya ang kaliwang kamay sa may ulo ko para siguro hindi ako mauntog sa pagbaba nang dahan-dahan, nagtataka pa rin kung bakit kami pumuntang hospital gayong ipinipilit kong ayos na Ang pakiramdam ko, at habang naglalakad kami papasok ay hawak-hawak niya sa kaliwa ang kanang kamay ko habang may katawagan siya sa kabila. Ang doctor na pupuntahan namin siguro ang kausap ni Papa.

Nasa likod namin si Auntie na naaaligaga na rin sa paglibot ng mga mata sa bawat pasilyong dinadaanan namin with her aviators at nasa tabi ang anak na nakapasok ang parehong bulsa sa black sweatpants na suot niya, hindi pa rin nawawala ang white headphones na parang walang ganang inayos sa ulo.

Gaano ba karaming music ang meron diyan at parang hindi niya kayang hubarin? Hindi pa ba siya nabibingi sa tuloy-tuloy na tugtog?

Like I care.

Moving on, napansin ko ang mga nurse na nagmamadali kaninang maglakad ay biglang bumagal nang makita kaming dumaraan. Malamang ang papa ko ang tinitignan nila. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhuli ang atensyon kung ganito ka-gwapo ang daraan 'di ba? Huwag niyo na lang pansinin iyong kasama namin sa likod dahil wala lang iyon hehe.

Ang papa ko ang bida rito, extra ka lang po.

For sure ay matinding selos ang nararamdaman ni Auntie Maldita, may narinig pa naman akong umirit sa nurse station. Ngayon alam mo na kung bakit ayaw kong pumuntang school ang papa ko. Kahit nga mga professional na tao'y napapalingon sa looks niya eh. Goodluck sa pagbabakod, tignan lang natin kung hanggan saan ka aabot.

Palihim akong napangisi at hinawi ang takas na buhok mula sa side bangs ko na medyo nagulo ng delubyo kanina. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni papa.

"Good morning sir!"

Tignan mo nga naman, hindi kami kilala, pero binabati ang papa ko. Akala niyo ba talaga na papansinin niya kayo? Back off dahil may anak na siya! Hinihintay ko na nga lang na mag-back out din ang isa d'yan eh. Tinanguan lang sila ni papa ay halos mangisay na sa kilig!

Si Marites ba kayo?

Sumakay na kami sa elevator at tinapos na rin ni Papa ang pakikipag-usap sa cellphone niya. Pagkapindot ng tamang floor ay saka na nagsimula ang pagdaragundong ng puso ko. Bakit ako kinakabahan?

"Anak, ipapacheck up kita kay Doc. Odi, ha?"

Nakakapagtaka naman, "Wala naman po akong sakit papa at may maintenance na rin po ako para sa asthma ko, kaya bakit pa po kailangan no'n?"

Oo, may asthma ako kaya madaling mapagod at minsan ay nakakaranas ng pagkahirap sa paghinga, pero hindi naman iyon gano'on kalala. Isa pa't may inhaler na ako para makontrol ang asthma ko. Napakamot akong bigla sa buhok, hindi nga pala alam ni papa na majorette ako. Ang sabi kasi ng doctor na pinuputahan namin para sa sakit kong ito ay bawal akong magpagod, pero hindi naman iyon maiiwasan sa pagsasayaw ko.

Ano bang magagawa ko e gusto ko namang maging majorette? Ang sarap kaya sa pakiramdam na nagsu-sway ang katawan ko habang pinapaikot sa daliri't kamay ang baton. Huwag lang sana akong isumbong ni Rhawi kung nagkataong mahuli niya ako sa school na kasali sa gano'n. Kaya nga hindi ko pinapapasok si Papa para hindi niya ako mahuli! Pero sabagay, may pang black mail naman ako kaya ayos din. Siguradong hindi niya ako maisusumbong dahil isusumbong ko rin siya! Tignan na lang natin, kuya.

Sana katulad ni Marie ay maging kakampi ko siya sa bagay na nakakapagpasaya sa akin, kahit na malabo iyong mangyari kasi naman isa siya sa mga bagong dating na kontrabida sa life namin ng papa ko.

Doc. Odi is my papa's long-time friend. Ang alam ko lang ay isa siyang doctor, pero hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang ginagamot niya. Hindi naman siguro ako dapat matakot dahil kaibigan siya ni papa, right? Huwag lang sana akong painumin ng tablet na gamot dahil hindi ko kaya! Bumabalik ang mga ito kapag iniinom ko, hindi ko rin alam kung bakit iyon nangyayari.

Ayaw ba silang tanggapin ng lalamunan ko?

Kidding aside, hindi ko mawari, pero may kung anong kaba akong naramdaman na sumibol sa aking dibdib. May malalaba ba akong sakit? Normal lang naman ang nangyayari sa'kin, 'di ba?

Pagpasok naming sa room 201 ay nginitian kami ng secretary. Mukhang may pamilya na ito dahil sa picture frame na nakapatong sa lamesa niya. Pero kung makatingin kay Papa, parang dalagang kinikilig, ah? I heard a fake cough from Auntie na nasa likod ko ngayon habang katabi si Papa na busy sa pagtingin sa mga nakasulat sa wall. Si Rhawi ay kasama rin namin. Labag man sa kalooban ko'y wala akong magagawa dahil katabi ko siya ngayon sa malamig na bakal na upuan ng hospital.

"Beh, 'wag kang matakot mamaya. Mabait si Doc. at sigurado ako na masusulosyunan ang problema mo," kinindatan ako ng sekretarya.

Napatango ako nang kaunti...

Wala naman akong problema eh, nagtataka nga ako dahil parang masyado naman silang nag-aalala sa'kin para idala ako sa hospital. Ni wala nga akong nakuha maski isang galos, nakatulog lang ulit ako, mas matagal nga lang ang ngayon. Isa lang naman ang inaalala ko, pero kaya bang solusyunan ni Doc. ang problema ko sa mga babaeng umaaligid kay Papa?

Nilibot ko na rin ang tingin, puro puti ang nakikita ko. Pero pagkatapos ng ilang sandali'y nakakita ako ng rainbow sa may dingding! Tignan mo nga naman, ang galing at nagkaroon ng rainbow dito. May mga bata ring naglalaro sa wall at nagtatawanan sila habang pinag-uusapan ang mga crush nila.

"Hello! Ang cute niyo naman, anong names niyo?" I asked them with all smiles, ngayon lang ulit ako nakakita ng mga batang cute. Kamukha ko pa ang isa!

NAGISING ako sa hospital bed para lang malaman na may sakit ako. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang mga batang nakita, pero tanging ang malumanay na boses lang ni Doc. Odi ang aking narinig. Hindi sinasadyang mapakinggan ko ang pinag-uusapan nila ni Papa sa tapat ng kama ko. Ngayon ko pa lang kasi narinig ang klase ng sakit na iyon, kaya nalilito pa rin ako. Hindi ko na ba magagawa ang mga bagay na ginagawa ko noon? Mag-ho home schooling na ba ako? Nakakalito, nalilito ako kasi hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Wala ring sinasabi si Papa kung ano ang gagawin ko. Basta kasama ko ngayon sila, kasama si Auntie Maldita at ang anak niya, papauwi na kami sa 'min. At heto ako, nakatulala lang sa gilid habang nakakunot ang kilay. Wala akong ideya sa kung ano mang nakita nila sa akin, pero kakaiba ang pakiramdam ko.

Nginitian ako ni Papa, "Everything will be alright, my love."

Ang sabi ng doctor ay mas maiging manatili na muna ako sa hospital para maobserbahan ako, pero ayaw ko. Ang pananatili sa hospital ang pinakaayaw kong gawin sa buong buhay ko. Ang huling pananatili ko kasi rito, malala ang naging kaso ko. Paano'y sinumpong ang asthma dahil sa sobrang pagod at nakalimutan kong dalhin ang inhaler kaya hindi ako lalo makahinga. Akala ko nga noon mamamatay na 'ko. Ang hirap pala kapag ganoon!

Ang ending ay pinagalitan ako ni Papa at sinabing hindi na 'ko pwedeng sumali ulit sa majorette. At bilang isang mabuting bata, sinunod ko ang utos niya. Nasa huling year ko na no'n iyon sa elementary. Ginive up ko ang pangarap ko na makasali sa competition dahil ayaw kong mag-alala sa akin ang papa ko. Pero ang promise ko sa sarili, ngayong grade 7 na ako, magbabalik ako. Magpa-practice ako nang maigi at susubukang labanan ang asthma ko, kasabay ng panibagong sakit na nararamdaman ko para sa pangarap na minimithi ko.

Nakakatakot pero isa lang ang sigurado, lalaban ako.

Sayonara Desu Ka? (#2 of Goodbye Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon