S2 Chapter 18 Stuck

1.7K 147 2
                                    

Thalia's POV

Three days pa lang kami dito sa Rain forest camp pero parang feeling ko 3 months na kami andito.

Andito pala ako sa tabing dagat. Nag papahangin nang biglang nag salita yung dagat. Joke.

"Kamusta ka na mahal na prinsesa?"

Lumingon ako para makita kung sino yung nag salita.

"Miguel!! Ikaw pala yan."nakangiti kong bati sakanya.

"Bakit, sa tingin mo sino ba ang nag salita?"

"Yung dagat. De joke lang. Um, okay lang naman ako. Ikaw?"

"Ito, okay lang." simpleng sagot niya.

A moment of silence...

"Thalia?" tanong niya.

"Mmm?"

Miguel's POV

"What if may dahilan si Ty kung bakit ka niya iniwan? Tatangapin mo pa ba siya sa buhay mo?" tanong ko sakanya.

Alam na namin kung bakit nagawang saktan ni Ty si Thalia.

Ty is just protecting Thalia...

But, in a bad way.

Pero walang magawa si Ty.

Alam kong araw araw nasasaktan si Ty pero pinili niya yun eh, ang masaktan siya para lang maprotektahan ang taong mahal niya.

"Hindi ko alam. Kahit ano pa ang rason niya, hindi niya kayang palitan tong sakit na nararamdaman ko araw araw."

"Pano kung nagawa lang niya yun para protektahan ka?"

"Protektahan? Para saan? Kanino? Prinoprotektahan niya ako in a way na masasaktan ako? Ganun ba yun? Kung mahal niya ako hindi niya yun gagawin. Bakit hindi niya ipaintindi sa akin? Kung ano man yung rason na yun siguro naman maiintindihan ko siya diba?"

Alam kong nasasaktan si Thalia pero mas nauuna ang galit niya.

Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganun na lang siya kagalit kay Ty.

Thalia's POV

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

"I'm sorry kung napaiyak kita. Sana pala hindi ko na tinanong sayo yun." naguiguilty na sabi ni Migs.

Pinunasan ko yung mga luha ko.

"Hindi. Okay lang. Ako dapat ang mag sorry kasi umiyak ako sa harapan nang big boss nang brix gang."

Si Miguel na po ang bagong big boss nang brix gang at si Tyrone pa rin ang gang leader nila. Si Edrian at Fabian naman ang new member nang brix gang.

"Kahit na. Sorry. Basta andito lang kami nila Nathaniel, Edrian at Steven kung kailangan mo nang tulong."

"Salamat."

---

Fourth day na namin dito sa Rain forest camp.

"Tara mag zipline?" yaya sa akin ni Zak.

"Ayoko. Ayoko pang mamatay noh." sagot ko sakanya.

"Pag zipline mamamatay kaagad? Hindi ba pwedeng mag enjoy muna bago mamatay?"

"Whatever! Yayain mo na lang sila Anne."

"Busy sila. Wala tuloy akong kasama." sabi niya at nag pout.

"Okay. Fine, sasamahan na kita."

---

Nandito na kami sa may zipline churva na sinasabi ni Zak.

The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon