Chapter 10 Activities

3.8K 128 3
                                    

Tyrone's POV

Volleyball?! Aish! Nakakatamad!!

Pumunta na kami sa pwesto namin. Kalaban ko ang team nila kalansay.

Ang mga kateam ko ay sila Miguel, Nathaniel, Steven, at Fabian. Six dapat per team kaso lima lang kami dahil mukhang ayaw nang iba sumali samin.

Thalia's POV

Kateam ko sila Clarisse, Sharina, Anne, at Abby. (Si Abby po ay isa sa mga kaklase namin)

As usual, kalaban namin ang mga gangster hearthrob.

Ang unfair nga ni ma'am eh. Dapat girls vs girls hindi boys vs girls. Malakas kaya ang mga lalaki kung mag spike.

Nag lalaro na kami at 4-2 ang score. Malamang ang 4 points ay sa mga lalaki.

Bakit kasi volleyball pa? Pwede namang hide and seek.

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako nila Clarisse.

"Thalia yung bola!!!" sigaw nila sa akin.

Pagkatingin ko sa harap...

BOOGSH!!

Anne's POV

"Thalia yung bola!!!" sigaw namin sakanya.

BOOGSH!!

Tumakbo kami papunta kay Thalia na mukhang nahimatay.

Kung bakit kasi ngayon pa nag daydream eh. Thalia talaga.

Umiling iling na lang ako sa sinabi ko.

"Is she okay!?" kinakabahan na tanong ni Fabian. "I'll take her to the clinic."

"Hindi! Ako na ang mag dadala sakanya sa clinic. Tutal naman ako ang may kasalanan." sabi ni .... Tyrone?!

"No, I'll bring her to the clinic." sabi naman ni Fabian.

"Ako na!" pamimilit naman ni Tyrone.

"Guys! Patay na yung tao oh. Kami na lang mag dadala sakanya sa clinic para walang away." sabi ni Sharina.

Haba ng hair ni Thalia ah. Dalawang gwapo na lalaki ang nag aagawan sakanya para lang ipunta sa clinic. Ang mas nakakapag taka....si Tyrone the cold hearted guy pa ang isa dun. Taray!

Tama po kayo nang nabasa. May clinic po dito sa beach resort.

---

Clarisse's POV

"Bakit hindi pa siya gising?" tanong ko kay Sharina.

Andito kami sa clinic.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako nurse." pamimilosopo na sagot ni Sharina.

Inirapan ko na lang siya. Sakto naman at dumating na ang nurse.

"Wag kayong mag alala. Magigising din siya mamaya. Antayin niyo na lang." sabi nung nurse.

"Okay po. Salamat." sabi ko at umalis na siya.

---

After 100 years nagising din siya.

Thalia's POV

Minulat ko ang dalawa kong mata at.....

"Nasan ako?" sabi ko.

"HUWAT???!!! Nagka amnesia ba siya?" sigaw ni Anne.

"Amnesia?" tanong ko sakanila.

"Hala!! Pati amnesia hindi na niya alam ibig sabihin. Tawagin niyo ang nurse." sabi naman ni Clarisse.

The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon