Thalia's POV
"Miss me?" sabi niya.
"No!! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sakanya.
Nakakainis naman! Imbes na masaya ang bakasyon ko, hindi na ngayon. Ang daming resort na pag pipilian tapos dito pa siya napad pad.
"Bakit, masama bang pumunta dito? Destiny siguro na mag kikita tayo dito." sabi niya nang nakangiti.
"Hindi!! Aish!! Nakakawalang gana naman." sabi ko at umalis na.
"Hoy kalansay! Bumalik ka nga dito!!" sigaw niya pero tuloy tuloy pa rin ako sa pag lakad hanggang nakarating na ako nang cottage house.
Wala namang tao. San na sila Anne?
"Thalia!! Tara dun sa may isang cottage house, may handaan daw dun. Invited daw tayo." salubong sa akin ni Anne sa labas nang cottage house.
---
Pumasok na ako sa cottage house kung saan meron daw handaan pero wala naman katao tao sa loob.
BOOGSH!! (Tunog po iyan nang pintuan na sinara.)
"Guys!! Wag niyo akong iwan dito!!" sigaw ko habang sinusubukan kong buksan yung pintuan na mukhang linock nila sa labas.
"Ano bang ingay yan?!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses na yun.
O.O
Andito siya?! Aish!!
"A-anong ginagawa mo d-dito?" tanong ko sakanya.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito sa cottage house na tinitirhan namin?"
Tinitirhan nila?! Ibig sabihin...
O.O
"D-dito kayo naka check in?!" gulat na tanong ko.
"Oo. Bakit ka andito? Naliligaw ka ba o sinasadya mo lang?"
"Hindi ah. Linock kasi nila yung pintuan sa labas kaya hindi ako makalabas." kinakabahan na sabi ko.
"Miguel..." bulong ni chucky doll.
"Miguel? Ibig sabihin plinano nila lahat nang to?!" gulat na sabi ko.
"Mukha nga."
"What?! Seryoso?! Bakit nila gagawin yun?!" nag papanic na sabi ko.
Tyrone's POV
Hindi ko akalain na ito ang plinaplano nila Miguel. Kaya pala hindi mabuksan yung mga bintana dito.
"Guys!! Anjan ba kayo sa labas? Buksan niyo naman oh." sigaw ni kalansay.
"Tumahimik ka nga!!" sigaw ko sakanya.
Calling Migs...
(Hello, Migs?)
(Musta kayo jan?) sabi niya sa kabilang linya.
(Ito ba yung plinaplano niyo? Dinamay mo pa pati mga kaibigan niya. Buksan niyo na yung pinto.)
(Hindi pa pwede, bro. Kailangan mo munang sabihin ang tunay na nararamdaman mo para sakanya bago namin bubuksan yung pintuan. Goodluck bro.) sabi niya sabay end nang call.
"Anong sabi? Bubuksan na ba nila?" tanong niya habang nag lalakad nang pabalik balik.
"Wag ka ngang mag lakad. Nakakahilo ka!" inis na sabi ko sakanya.
Nang sinabi ko yun ay umupo siya sa tabi ko.
"Hanggang kailan ba tayo dito? Ano bang dahilan at linock tayo dito?"
Pag sasabihin ko ang nararamdaman ko sakanya ngayon, bubuksan na nila Migs yung pintuan. Pero pag hindi ko pa sasabihin sakanya, mag kakasama kami nang matagal.
"Ano ka ba, news reporter? Ang dami mong tanong."
"Gusto ko na kasing lumabas dito. Sayang naman yung oras. Gusto ko pa sana mamasyal." sabi niya habang sinusubukan niyang buksan ulit yung pintuan.
"Wag mong sirain yang pintuan. Ikaw mag babayad kung nasira yan." suway ko sakanya.
"Mag gagabi na." sabi niya sabay upo sa gilid nang pintuan.
Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.
Sasabihin ko na nga. Mukhang gusto na niyang lumabas.
"Umm..."
Pano ko ba to sisimulan?
Uhm, uhm..
"Alam mo ba ang kwento nang kuneho at nang pagong?" tanong ko sakanya.
"Oo. Lahat naman nang tao alam yun eh." sagot niya sa tanong ko.
"Siguro, yun lang naman alam nang mga tao eh. Yung storya lang kung pano nanalo ang pagong. Pero hindi nila alam kung ano ang nararamdaman nang kuneho para sa pagong."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Kaya nag patalo ang kuneho dahil ayaw niyang maging hadlang sa pangarap ng pagong. Gusto niya na lahat nang pangarap nang pagong ay matupad kaya niya yun ginawa. Gusto kasi nang pagong na may mapatunayan siya sa lahat nang tao."
"Pano mo naman nasabi yan?"
"Dahil mahal nang kuneho si pagong. Lahat ay gagawin niya para kay pagong kahit buhay pa niya ang kapalit."
"Ganyan ba talaga yung kwento nang kuneho at nang pagong?" tanong niya ulit.
"Oo. Alam mo ba kung gano katigas ang shell nang pagong?"
"Oo. Parang bato. Dun nag tatago ang pagong pag alam niyang delikado ang mga tao o mga hayop sa paligid niya." sagot niya sa akin.
"Tama ka. Ganun din katigas ang ulo nang pagong. Pero kahit na ganun katigas ang ulo niya, mahal na mahal ng kuneho si pagong."
"Ganun ba yun? Sa tingin mo ba may totoong ganun na love story?" tanong niya.
"Oo." matipid kong sagot.
"Kung meron, odi ano magiging pangalan nang offspring nila? kunegong? Rabtle?" sabi niya at tumawa.
"Baliw ka talaga. Hindi yun ang ibig kong sabihin." sabi ko sakanya. "Kinocompare ko lang ang sarili ko sa kuneho at ang nag iisa kong pagong ay walang iba kundi..."
Sasabihin ko na ba? Ngayon lang ako kinabahan sa pag amin nang nararamdaman ko sa isang tao. Aish!
Tae naman! First time kong babangitin ang pangalan niya. Aish!
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
HumorNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...