Thalia's POV
Hindi ko akalain na ganun pala magalit si chucky doll.
Nakatingin na lang ako sa malayo dahil pag sakanya ako nakatingin baka patay na ako sa mga titig niyang parang lazer.
"A-ano bang g-ginawa kong masama?"
"Hindi mo ba alam na nasasaktan ako? Na nag seselos ako?"
Seryoso talaga siya? Akala ko trip trip lang lahat nang mga sinasabi niya.
"Ilang beses ko na bang nasabi sayo na gusto kita, na nag seselos ako sa tuwing kasama mo si Fabian. Bakit ba binabalewala mo lang ang nararamdaman ko para sayo?"
Ano ba sasabihin ko?
Uhm uhm...
"S-sorry. Akala ko kasi pinag tritripan mo lang ako."
"Ganun ba ang tingin mo sa akin? Hinding hindi ko yun gagawin sayo. Please, just give me a chance." mahinahon niyang sabi.
Ano ba to?! Nag mumukha na akong gurang sa sobrang stress.
---
Edrian's POV
Nakita kong hinila ni Tyrone si Thalia kaya sinundan ko sila hanggang nakarating sila nang rooftop.
Narinig ko ang mga pinag usapan nila.
Naalala niyo ba nung araw na binugbog ako ni Tyrone sa abandoned gym? Alam ko kung bakit niya yun ginawa. Alam kong narinig niya ang pinag usapan namin nang mga kaibigan ko sa spade bar.
[Flashback]
Spade Bar
"Next time na lang mga bro. Kailangan niya munang mahulog sa akin." sabi ko sakanila at nakita kong umalis na si Tyrone.
"Wow pare, playboy ka na pala ngayon. Akala ko pa naman kami lang ang playboy dito."
"Joke lang mga bro. Ngayon nga lang ako nakaramdam nang ganito eh. Seryoso ako sakanya."
[End of flashback]
May kaagaw na pala ako ngayon sa puso ni Thalia. Tignan natin kung sino ang pipiliin niya.
Let the game begin!!
---
Dismissal
Thalia's POV
"Nakapag decide ka na?"
Napatigil ako sa pag aayos nang gamit ko nang biglang may nag salita.
For sure, si Edrian to.
Lumingon ako nang dahan dahan at nakita ko ang malapad na ngiti niya.
"......"
Hindi pa ako nakakapag salita nang bigla niya akong hinila papuntang parking area.
Ganito ba talaga ang mga lalaki? Nang hihila na lang bigla bigla.
"Pumasok ka na sa sasakyan." sabi niya at binuksan yung right side na pintuan nang kotse niya.
"M-may gagawin pa ako."
"Fun date natin ngayon diba? Wag mong sabihin na tatanggihan mo ako." pagkasabi niya nun ay medjo tinulak niya ako papasok nang kotse pero hindi naman malakas.
May date ba na sapilitan?
Mga ilang minuto ay nakarating na kami sa isang umm...hindi ko alam.
"Nasan tayo?"
"Nandito tayo sa peryahan." masayang sabi niya sabay hila sa akin papasok nang gate. "Tara!"
Pumunta kami sa isang sakayan na sinasabi nilang ferry's wheel pagkatapos ay sumakay pa kami sa mga iba't ibang rides. Pagkatapos nun ay kumain kami sa isang stoll na puro isaw, barbeque, at kung ano ano pang pagkain.
Hindi ko namalayan na dumidilim na pala.
First time kong pumunta sa isang peryahan. Ang saya pala!!
"San ka nakatira? Ihahatid na kita." sabi niya habang inabot niya sa akin yung tinatawag nilang dirty ice cream.
"Salamat." sabi ko at kinuha yung ice cream. "Mag tataxi na lang ako."
"Hindi. Ihahatid na kita."
"Okay lang. Mag tataxi na lang ako. Salamat. Nag enjoy ako." sabi ko nang nakangiti at pumara na nang taxi.
---
Rest house
Ang saya pala niyang kasama. Ang dami kong nasubukan na mga bagay na hindi ko ineexpect na magagawa ko.
Humiga na ako sa kama para matulog na pero biglang may tumawag kaya inabot ko ito.
Calling +63915*******
Sino naman to?
(Hello?)
(Nag enjoy *hiccup* ba kayo?) sabi nang lalaki na mukhang lasing.
(Sino po ito?)
(Ty, tama na! Wag ka nang uminom) sabi naman nang isang lalaki na hindi lasing.
(Sandali lang *hiccup* kinakausap *hiccup* ko pa *hiccup* girlfriend ko.)
Nung narinig ko yung salitang girlfriend ko, alam ko na kung sino ang kausap ko.
(Chucky doll? Pano mo nalaman number ko?)
(Nag enjoy *hiccup* ba kayo ni *hiccup* Edrian? *hiccup*)
(Lasing ka?)
(Sorry Thalia. Ngayon lang kasi nag lasing si Tyrone. Sorry kung naabala ka namin.) sabi ni Miguel sa kabilang linya.
Mukhang inagaw niya yung phone kay chucky doll.
(Okay lang. Uhm, bakit siya lasing? I mean, sabi mo kasi ngayon lang siya uminom nang marami.)
(Siguro mas magandang bukas na lang natin pag usapan.)
(Ah, sige.) sabi ko at inend na yung call.
Hay! Bakit kaya siya nag lasing?
"Teka nga Thalia!! Bakit mo ba siya inaalala? Bakit ka ba nag aalala sakanya?" sabi ko sa sarili ko at sinampal sampal ang mukha ko habang nakahiga sa kama.
---
School
"Musta date niyo ni papa Edrian?" tanong sakin ni Anne.
"Papa Edrian ka jan? Okay lang naman. Masaya."
"Ayiiiee! Bubuksan mo na ba ang puso mo para sakanya?" tanong naman ni Sharina.
"Hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita sakanya yung spark at fireworks na hinahanap ko sa isang lalaki."
"Wew! May nalalaman ka na palang ganyan." singit naman ni Clarisse.
Kahit na isa akong prinsesa, nag hahanap din ako nang prince charming ko o knight in shining armor.
Sa totoo lang po, marami akong napapanuod at nababasa na nagkakaroon nang arranged marriage ang mga prinsesa, pero ako tinanong ko ang kamahalan kung ganun ba ang mangyayari sa akin, ang sabi po niya hindi. That means, I can be married to a guy I love. Ang saya noh? XD
"Pwede ko bang mahiram ang kaibigan niyo na si Thalia?"
Napatingin ako kay Miguel nang bigla siyang sumingit sa usapan namin.
"Bakit mo siya hihiramin? May borrowers card ka ba, bro?" pamimilosopo ni Fabian.
Tumawa kaming anim, kasama na rin si Miguel.
"Sorry bro. Naiwan ko yung card sa bahay. Ipapaxerox ko lang naman siya." pamimilosopo din ni Miguel.
"Uhm...Uhm..." sabi ko. "Andito ako oh. Hindi ako libro."
"Sorry." sabay nilang sabi.
"Ano bang pag uusapan natin?" tanong ko kay Miguel at hinila siya sa palabas nang classroom.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
HumorNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...