Thalia's POV
"Thalia, gising na po. Papasok na po kayo sa eskwelahan."
"5 hours pa po."
"Hours? Ang OA naman nang bata na ito. Pero malalate na po kayo, mahal na prinsesa."
"Malalate po saan?" pagtataka ko kay manang maid. Kahit medjo inaantok pa ako.
"Pinaenroll po kayo ng mahal na hari sa Dalle University Highschool."
"Mag aaral po ako?! Dun po sa marami pong mga estudyante?!" gulat na sabi ko.
Home schooled kasi ako noon. Bawal kasi akong lumabas. Kung mag aaral ako, odi 4th year highschool na pala ako. Lapit na akong mag college. XD
"Parang ganun na po. Sainyo ang eskwelahan na iyon."
"Pano po? Tsaka sino po nag pangalan ng school na yun? Ang weird." sunod sunod na tanong ko.
"Ang kamahalan po ang nag pangalan. Kaya po Dalle dahil pinag combine po ang Del Valle na apilyedo niyo po."
"Ah ganun po ba? Wow! Astig!" weird kanina pero nang malaman ko na kami pala ang may ari. Astig!
Nag bihis na ako tapos umalis na ng bahay.
First time kong maranasan ang maging ordinaryong tao. Sarap sa pakiramdam. Excited na ako.
DUHS (Ganda po ng acronym ng school noh? Duh! Kaso may S po kasi. Peace!)
Ang bongga naman dito! Ang daming tao! Mukhang mayayaman ang mga tao dito ah.
Nag lakad lakad ako dito sa may hallway nang biglang...
BOOGSH!!!
"Aray!" bulong ko sa sarili ko nang may nakabunggo sa akin. Ang sakit kaya sa pwet. Napaupo kasi ako sa sahig.
"Sorry miss, di ko sinasadya. Nakaharang ka kasi." nag sorry pa siya kung ako din lang sinisi niya.
"Okay lang. Sorry din." yan na lang sinabi ko at tumayo na.
"Umm, Hi ako nga pala si Clarisse Mae Mentoya and you are?"
"Th-thalia Beth Delavell" tapos nakipag shake hands ako.
Nag tataka po siguro kayo kung bakit hindi po yung mahaba kong pangalan ang sinabi ko. Kasi po sabi ni ladyguard na wag sabihin yun dahil kilala ng buong school ang mga Del Valle dahil kami ang may ari diba. Kaya ayun. Shinort cut ko na lang at pinag jumble na lang ang pangalan ko.
"Nice to meet you, Thalia." sabi niya. "Transferee ka ba dito? Ngayon lang kita nakita eh." pagpapatuloy niya.
"A-ah o-oo. Hehehe" nauutal kong sabi.
"Oh I see. Sama ka na lang sa amin" sabay turo niya sa dalawa pang babae na lumapit sa amin.
"Girls, this is Thalia Beth Delavell our new bestfriend." masayang sabi niya.
"Thalia, meet Amethyst Anne Gomez and Sharina Daisy Alonzo they are my BFF's" nakangiting sabi niya.
Hmm... Mukha naman silang mabait. Ang kaso lang eh, masyadong complicated ang pangalan nila.
"Hi!" sabay na sabi nila.
"You can call me Anne for short." sabi nung isang black headed hair.
"And you can call me Sharina or Rina for short." sabi naman nung brown headed hair.
"Hi, Anne." sabi ko dun sa black hair.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
ComédieNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...