Thalia's POV
O.O
"Hi, damdam!!"
"Ha?!" sigaw ko at napatayo ako kaya napatingin sa amin lahat nang kumakain sa restaurant.
"He he...Joke lang po." sabi ko sakanila at umupo na.
"Damdam naman, parang hindi naman ako naging part nang buhay mo. Tsss...ang sakit! Tagos hanggang sa puso ko. Ouch!"
"OA ka kung makareact. Oo na. Tutal mag kakaibigan naman tayo eh."
"Bukas na tayo mag sleepover ha!" sigaw ni Sharina.
"Bukas?"
"It's okay with me." sabi ni Fabby.
"Ako rin!" sabay sabay na sabi nila Anne at Edrian.
"Kayo talaga namili kung kailan noh? Galing ah. Dibale, mukhang bahay niyo naman yung pag slesleepoveran natin. Okay lang noh? Bahay niyo eh. Nakakahiya naman sainyo." sarcastic na sabi ko.
"Hahahahaha. Thalia naman. Kailan mo ba kasi gusto?" sabi ni Sharina.
"Okay lang bukas pero itetext ko na lang kayo kung pumayag si ladyguard."
"Ladyguard?" takang tanong nila.
"It means, security guard. Right, Thalia?" sabi ni Fabby.
"Ah...o-oo."
---
Rest house
"Ladyguard....umm, pwede bang maki sleepover dito mga kaibigan ko?"
"Opo naman, mahal na prinsesa." nakangiti niyang sabi.
Pagkasabi niya nun ay tumalon ako at yinakap si ladyguard. Parang nanay ko na rin siya.
Naalala ko nanaman ang mama ko. Si mama kasi namatay siya sa aksidente nung 13 years old ako. Sabi kasi ni pap---kamahalan, nabunggo yung sinasakyan niyang kotse at nahulog sa tulay. Hindi na siya nailigtas dahil nakulong si mama sa loob nang kotse at nalunod.
"Thank you, ladyguard!!"
---
Sleepover
"Wow! Ang laki pala nang bahay niyo. Ang dami ding mga guards at maid. Yaman!" manghang sabi ni Sharina.
"Oo nga! You're so lucky!" sabi naman ni Anne.
"Guys! Okay lang ba na dito tayo sa sala matulog? Maluwang naman." sabi ko sakanila.
"Oo naman!! Tara na mag ayos. 7pm na pala. Madami pa tayong gagawin!" sigaw ni Anne.
"Damdam, pwede ba tayong tabi matulog?"
"Oo naman. Dun ka sa labas matulog, ako dito sa sala."
"Mag katabi ba yun?"
"Oo, iisang floor lang naman yung tinutulugan natin ang pinag kaiba lang, nasa labas ka."
"Ang bait mo talaga noh, damdam?"
"Salamat."
Nag ayos na kami at nag simulang manuod nang The Hobbit part 1 and part 2.
"Grabe! Nakatakas yung dragon. Nakakabitin naman!" sabi ni Anne.
"Nakakaloka!"
"It's a great story. I love it!" sabi ni Fabby.
"Mag laro naman tayo guys!" sigaw ni Edrian sabay tumayo at nag unat unat.
"Spin the bottle!!" sigaw naman ni Sharina.
Lumapit ako kay manang at sinabi ko na kumuha siya nang isang bote na walang laman para yun ang gagamitin namin.
Maya maya ay dumating na si manang.
"Mahal na prinsesa, ito na po."
O.O
Si manang naman oh.
"Sorry po." bulong ni manang sa akin at umalis na.
"Mahal na prinsesa?" takang tanong nila.
"Yan daw ang tawag nila kay Thalia dito sa bahay." sabi ni Edrian.
"Tara na mag laro." sabi ko na lang.
Inikot na ni Sharina yung bote at tumapat kay Edrian.
"Truth or truth?" tanong ni Sharina sakanya.
"Ang unfair naman yan." sabi ni Edrian.
"Come on, mas maganda kung puro truth na lang tayo okay?" sabi ni Sharina. "Sino ang first love mo?"
"Tinatanong pa ba yan? Sympre si Damdam."
Ako? First love niya?
"Ayiiiee!!" sigaw nila.
Nag spin ulit si Sharina at sa akin tumapat.
"Bakit mahal na prinsesa ang tawag sayo?"
Oh gosh! Truth or truth tong linalaro namin. Sasabihin ko na ba ang totoo?
Tumingin ako kay Fabby na parang kinakabahan.
"Umm...p-pag sinabi ko ba n-na isa akong p-prinsesa....umm...m-maniniwala b-ba k-kayo?"
"Hindi. Hahahaha." sabi nila.
Sila Sharina talaga. Bahala na nga!
"Since kaibigan ko naman kayo, sasabihin ko na ang totoo kahit na hindi kayo maniwala. Uhm, uhm...ang totoo niyan...umm...a-ako si Nathalia Annabeth Del Valle."
O.O
Okay, mukhang nagulat sila.
"Huy!" sigaw ko sakanila para hindi sila tumunganga.
"Talaga?!"
"Seryoso?!"
Sabay nilang sabi.
"O-oo. Sana hindi mag bago ang tingin niyo sa akin."
Pagkasabi ko nun, sabay sabay silang nag bow at nag sabi nang...
"Mahal na prinsesa."
"Osige na. Matulog na tayo." sabi ko na lang at humiga na.
"Opo, mahal na prinsesa." sabi ulit nila.
"Please. Wag niyo na akong tawagin na ganun. Isipin niyo na lang na hindi ko yun sinabi sainyo."
"Pero Thalia, hindi kami makapaniwala na.....na isang prinsesa ang kaibigan namin." sabi ni Anne.
"Basta, tayo tayo lang ang makakaalam ha. I trust you guys!"
"Your secret is safe with us. Don't worry." sabi ni Fabby.
Napatingin ako kay Edrian na mukhang hindi pa nag sisink in sakanya.
"Oh ano? Tititigan mo lang ba ako?" sabi ko sakanya.
"Sorry. Hindi ko akalain na...maiinlove ako sa isang katulad mo na prinsesa."
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
HumorNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...