Thalia's POV
Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong mag kasayaw si Tyrone at Clarisse.
Aray! Bakit parang ang sakit?
Bakit umuulan? ....... Hindi pala umuulan, pumapatak lang pala mga luha ko.
T_T
Pinunasan ko muna mga luha ko saka nag paalam kay Fabby at umalis na ako.
Tinanggal ko muna yung suot kong heels at nag patuloy na sa pag lakad dito sa hallway nang hotel.
"Wag kang umiyak Thalia." sabi ko sa sarili ko.
Fabian's POV
Biglang nag paalam si Thalia sa akin.
Alam kong umiiyak siya. Gusto ko siyang sundan pero alam kong mas gusto niyang mapag isa.
Maya maya ay napansin ko na lumapit sa akin si Edrian.
"Fabian, san si Thalia?"
"Umalis."
"San daw pupunta?"
"Wala siyang sinabi pero...umiiyak siya nang umalis dito."
Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala kay Thalia.
Mukhang seryoso din siya kay Thalia.
"Sige. Salamat." pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya paalis.
Thalia's POV
"Damdam!!"
Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako lumingon sa likod ko.
"Damdam, saglit lang...san ka pupunta?...hindi pa kita nasasayaw." sabi ni Edrian na mukhang hingal na hingal.
"Uuwi na. Masama kasi pakiramdam ko." sabi ko at kinagat yung labi ko.
Pagkasabi ko nun, pumunta siya sa harapan ko nang nakatalikod sa akin at bigla siyang lumuhod.
"Lalong sasama yang pakiramdam mo kung naka paa paa ka lang. Sige na. Sumakay ka na sa likod ko."
"H-ha?"
"Sakay ka na sa likod ko. Bubuhatin na kita."
Wala na akong nagawa kundi sumakay na sa likod niya.
Sana si Edrian na lang ang nagustuhan ko.
Pinaupo ako ni Edrian sa loob nang kotse niya at may kinuha sa likod nang upuan.
"Oh, suotin mo to." sabi niya sabay abot sa akin nang tsinelas.
"Bakit ka may tsinelas?" tanong ko sakanya na natatawa.
"Ako ang fairy godmother mo diba? Alam kong mangyayari ito kaya may dala akong tsinelas."
"Salamat ha."
---
School
"Okay ka lang ba? Umalis ka kasi kaagad kagabi. Sabi ni Fabby, masama daw kasi pakiramdam mo." sabi ni Sharina sa akin.
"Okay na ako. San pala si Clarisse?"
"Guys, sabi pala ni Clarisse hindi na muna siya sasama sa atin." singit na sabi ni Anne.
"Engaged na kasi sila Clarisse at Tyrone." sabi ni Sharina.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Okay lang yan Thalia.
"What?! Akala ko ba ayaw ni Clarisse kay Tyrone? Bakit?!" gulat na sabi ni Anne.
"Ewan ko. Minsan hindi ko naiintindihan si Clarisse." sabi naman ni Sharina.
"Is it okay with you, Thalia? Diba alam naman nating lahat na may gusto sayo si Tyrone." sabi naman ni Fabby.
Silence...
"Good for them! Kailan daw ang kasal?" masaya kong sabi sabay kagat nang labi ko.
"Pwede ba kitang kausapin?"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Edrian.
"Sandali lang ha?" paalam ko sakanila.
Sinundan ko si Edrian hanggang makarating kami sa abandoned gym.
"Oh bakit?"
"Wala. Uhm...alam ko kasing masasaktan ka kung makikita mo sila Tyrone at Clarisse na mag kasama."
"Ha? Okay lang naman sa akin yun."
"Hindi ka okay. Sabihin mo na kasi ang totoo mong nararamdaman para sakanya. Alam mo, nung una pa lang kitang nakita alam ko na yung mga titig mo kay Tyrone. Wag mo nang ideny. Iiyak mo lang. Andito lang ako. Kahit gawin mo pa akong punching bag."
Oo, gusto ko nga si Tyrone. Siguro nga dahil hindi ko na siya tinatawag na chucky doll dahil gusto ko na siya. Dahil hindi na ako naiinis sakanya.
Tama si Edrian, dinedeny ko lang tong nararamdaman ko.
Siguro kailangan kong ipagpatuloy ang pag dedeny ko sa nararamdaman ko para sakanya.
T_T
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Yinakap ako ni Edrian para icomfort ako.
Tyrone's POV
Nakita kong mag kayakap sila Thalia at Edrian.
Aish! Ang dami ko nang problema!
Wala na akong magawa dahil engaged na ako kay Clarisse.
Nakakainis kasi si mama, sabi nila kailangan kong pakasalan si Clarisse dahil gusto nilang mag expand yung kumpanya namin at yun lang daw ang paraan.
Pero ayokong makasal sa kaibigan nang taong mahal ko.
---
Thalia's POV
"Nakita niyo na ba si Clarisse?" tanong ko sakanila.
Gusto ko siyang kausapin. Kahit na masakit, kaibigan pa rin namin siya. Dapat hindi niya kami iniiwasan.
Lumabas ako nang classroom at pumunta sa hallway. Aabangan ko si Clarisse pero...iba yung dumaan sa harapan ko.
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong ko sakanya.
"Busy ako." tipid na sabi niya at linagpasan ako.
"Tyrone!!" sigaw ko sakanya at mukhang napatigil siya sa pag lakad.
Author's Note
Ano ang sasabihin ni Thalia sakanya? Aamin na ba siya?
Vote and comment po.
P2P
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
ComédieNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...