S2 Chapter 42 Who will you choose?

1.6K 44 1
                                    

Thalia's POV

Nang hihina na ako...


Pero sinusubukan kong maging matatag.


Nakahawak si Stella sa braso ko na parang gusto niya akong kaladkarin.


Napatingin ako sa mga lalaki na may binubugbog.


Si Zak at Tyrone.


"T-tama n-na..." nanghihina kong sabi.


Naririnig ko ang sigaw nila Tyrone at Zak.

"Kuya John!! Tama na muna yan." rinig kong sabi ni Stella. "Amina yang baril mo, kuya."

Kinaladkad ako ni Stella papunta sa gitna nila Tyrone at Zak.

Nakita ko na nang hihina na rin silang dalawa.

"Who will you choose, Thalia? Zak or Tyrone?" tanong ni Stella sa akin at tinapat yung baril kay Zak.


"Wag..." tipid kong sabi kaya tinapat niya yung baril kay Tyrone.

"Please...Stella...wag..."

"Thalia naman. Mamimili ka lang nang isa na gusto mong iligtas. Mahirap ba gawin yun?" parang naiirita na sabi ni Stella.


"A-ako na lang a-ang patayin mo. Tutal naman...s-sa akin ka galit diba?" nanghihina kong sabi.


"T-thalia...wag...." sabi ni Zak.

"A-ako na lang ang patayin mo...Stella. P-pakawalan mo na sila." sabi naman ni Tyrone.


"Ang swerte mo talaga, Thalia. May mga taong nag mamahal sayo." sabi ni Stella na parang naging malumanay yung boses niya.

"Marami din naman ang nag mamahal sayo eh. Minsan kasi hindi mo lang sila napapansin dahil napapansin mo lang ang mga taong hindi ka naman talaga mahal. Kaya mo yan nasasabi kasi sa iba ka nag fofocus, nag fofocus ka sa mga bagay o tao na hindi ka naman napapansin."

"Siguro nga tama ka...pero...huli na ang lahat. Mamili ka na!!" sabi ni Stella.


"Stella...please lang..." pagmamakaawa ko.

"Kung ayaw mong mamili kung sino ang ililigtas mo...ako ang mamimili para sayo." sabi niya at tinapat yung baril sa noo ni Tyrone. "Si Zak ang ililigtas mo...at si Tyrone ang mawawala."


Nang pinaputok na ni Stella yung baril bigla akong humarang...


Tyrone's POV

Kasabay nang pag putok nang baril... nakita kong napahiga si Thalia sa sahig at dumating na rin ang mga pulis at nakita ko naman na nandun rin sila Migs at pinag bubugbog ang mga razor gang.

Wrong timing talaga ang mga pulis.

Lumapit ako kay Thalia na nakahiga na sa sahig at hindi na humihinga.

"Thalia!! Please. Gumising ka. Stay with me."

The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon