Thalia's POV
Nung nakipag handshake ako kay Tyrone, parang may nakalimutan ako pero hindi ko lang maalala.
Parang kilala ko siya?
Parang dapat ko siyang maalala?
Hindi ko alam. Basta yun ang naramdaman ko.
"Clarisse!!" sigaw ko. "Nasan si Tyrone? Ayaw ba niyang sumali sa picture taking?"
"H-hindi daw siya mahilig mag picture picture."
"Ah ganun ba? Sige."
---
Mall
Nag shoshopping kami ngayon nila Anne.
Nang napadaan kami sa may baby's wear, may nakita akong frogsuit.
(Flashback)
"Ang cute nitong frogsuit oh. Bilhin na natin." nakangiting sabi ni Tyrone kay Stella.
"Dwayne...wag yan. Mag mumukhang frog ang anak natin. Kaya nga frogsuit diba?" sagot naman ni Stella sakanya.
Nakita kong nawala ang ngiti ni Tyrone at binalik na niya yung frogsuit na kinuha niya.
(End of flashback)
T-tyrone?
Bakit parang...
Sumikip 'tong puso ko nung naalala ko si Tyrone?
Bakit ang sakit?
Hindi ko na lang pinansin yun at nag lakad na.
Andito kami sa quantum, mag KTV daw kami nila Clarisse.
Biglang pinatugtog yung "Collide" by Howie Day.
Favorite song ko to ah.
(Flashback)
"The dawn is breaking..." kanta ni Stella sabay hawak nang kamay ni Tyrone kaya nag tilian mga kaklase ko.
Theme song namin ni Tyrone yung kinakanta nila.
T_T
"Even the best fall down sometimes, even the stars refuse to shine..." kanta naman ni Tyrone.
"We finally find, you and I collide..." duet nilang dalawa.
Ang sweet nila.
Ayokong umiyak.
Pero nasasaktan talaga ako.
Tumayo ako at nag paalam kila Anne na pupunta muna ako sa rest room.
(End of flashback)
T_T
"Thalia? Okay ka lang?" tanong sakin ni Anne.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Ayoko na!!" sigaw ko at tumayo.
"Bakit? Thalia?" sabi ni Clarisse at lumapit sa akin.
Bigla kong yinakap si Clarisse.
"B-bakit sa tuwing naaalala ko si Tyrone, s-sumisikip 'tong puso ko? Ayoko na siyang maalala."
"Thalia...tiisin mo na lang. Maaalala at maaalala mo pa rin siya. Wag ka ng umiyak." sabi ni Sharina at hinawi yung buhok ko.
"Sino ba talaga siya? Bakit pag naaalala ko siya, nasasaktan ako?"
Hindi umimik sila Anne.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
HumorNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...