S2 Chapter 21 Just keep on smiling

1.6K 46 0
                                    

Thalia's POV

"Sabi kasi nila Anne, nawawala ang prinsesa kaya hinahanap namin siya. Nakita mo ba siya?" sabi ni Migs na nasa front seat.


"Baliw talaga kayo." sabi ko at tumawa nang matipid.


"Ang hinahanap namin na prinsesa ay matapang, hindi sumusuko, masiyahin, mabait, matalino..." sabi ni Nathaniel.


"Laging tumatawa, palabiro, walang inuurungan, at higit sa lahat, nakangiti." pagpapatuloy ni Edrian.


"Um, ako nga ata ang hinahanap niyo?" sabi ko sakanila.


"Nope!! Hindi ikaw." sabi ni Migs kaya nagtawanan sila.


"May kulang eh." sabi naman ni Steven.


"Oo. May kulang na isa sayo eh." sabi naman ni Nathaniel.


"Ano?" takang tanong ko.


"Those sweet smile of yours. Yan ang namiss namin." sabi ni Edrian.


Ngumiti ako sakanila. "Oh, yan. Nakangiti na ako oh."

"Real smile ang hinahanap namin Thalia, not fake smile." sabi naman ni Steven.


"Real smile naman to ah..." sabi ko at ngumiti. "Kasi napapangiti niyo ako pag may problema ako."

"Aba bumabanat. Ikaw na talaga ang hinahanap namin." sabi ni Migs.


"Just keep on smiling." sabi naman ni Edrian at ngumiti.


"Kayo talaga. Opo. Mag smasmile na po ako. Hindi niyo ba ako papasakayin?"


"Ay oo nga. Sorry. Sakay ka na." sabi ni Migs at bumaba sa front seat para dun daw ako uupo at para hindi daw ako masikipan sa likod.


"Salamat, Migs." sabi ko na lang.

---

Nakabalik na kami sa Rain forest camp.

"Thalia!!!" sigaw nila Anne.


"Where have you been?" tanong ni Fabian sa akin.

"Wala. Nag pahangin lang."

"Nag pahangin tapos hindi nag paalam?" sabi ni Clarisse.

"Eh nakatulog pa kasi kayo. Ayaw ko naman kayong gisingin."

"Basta andito ka na. Okay na. Salamat guys!" sabi naman ni Sharina.

"Bakit pala nakaempake na kayo? Wala pa naman tayong isang liggo dito ah." tanong ko kila Anne kasi nakaready na silang umalis.

"We've decided na umuwi na tayo para mas makarelax ka naman. Mukhang stress na stress ka naman kasi pag dito tayo mag stastay." explain ni Clarisse sa akin.


"Sorry ha? Kung pati kayo nadamay sa pagkakastress ko. Kahit ako na lang yung uuwi. Maiwan na lang kayo dito."


"No, Thalia. Nakakastress din lang dito. May ahas kasing nakapalibot satin. Ssssssarap patayin!!" inis na sabi ni Anne.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Si Sssstella. Yung bruhang babaeng yun. Siya ang dahilan kung bakit ka nahulog sa bangin diba?" sabi naman ni Sharina.

Pano nila nalaman?


"Ha?"


"Naku Thalia. Wag ka nang mag maang maangan jan. Sinabi ni Zak sa amin." sabi ni Clarisse.


Zak? Pano?

"Guys, tara na. Malapit na daw yung sasakyan natin." sabi ni Zak pagkalabas niya nang cottage 1.

Kaya napatingin ako sakanya.


"Zak!! Diba si Stella may gawa nun kay Thalia?!" sigaw ni Anne sakanya.


Lumapit naman si Zak sa amin.

"Um, yeah." tipid niyang sabi.


"Pano mo nalaman?"

"I just knew it, okay? Wag ka nang mag tanong." sabi niya at lumapit kay Edrian. "Give this to Stella, sabihin mo na nakita ko yan kung san niya tinulak si Thalia." sabi niya at inabot yung bracelet kay Edrian.


O.O


"What?! Tinulak ka ni Stella sa bangin?!" gulat na tanong ni Steven.

"She did that to you?!" sabi naman ni Nathaniel.

"Kailangan tong malaman ni Ty----" hindi ko na pinatapos mag salita si Migs nang sumingit ako.

"Hindi na...h-hindi na niya kailangang malaman." sabi ko. "Sige, kailangan na naming umalis. Salamat sa pag hatid sa akin." paalam ko sakanila.

---

Naihatid na ako nila Zak dito sa resthouse.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, bigla akong tumalon sa kama ko at natulog na.

---

Ladyguard's POV

Knock...knock...

Kanina pa ako kumakatok sa kwarto nang mahal na prinsesa pero hindi pa niya binubuksan yung pintuan.

"Mahal na prinsesa?" tanong ko habang kumakatok. "Mahal na prinsesa?"

Ayaw pa rin niyang buksan ang pintuan kaya kinuha ko na lang yung isang susi nang kwarto niya sa may kusina.


Nang nabuksan ko na ang pintuan nang kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya kaya linapitan ko siya.


"Mahal na prinsesa? Gising na po. Pinapatawag po kayo nang kamahalan sa palasyo." sabi ko at tinapik tapik ang balikat niya pero hindi pa siya nagigising. "Mahal na prinsesa?" ulit ko pero hindi siya gumagalaw.


Hinawakan ko ang noo niya at mukhang mataas ang lagnat niya kaya tinawagan ko ang driver para ipunta siya sa ospital.

The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon