Brix gang's hideout
Miguel's POV
"Anong problema?" tanong ko kay Tyrone.
"Wala."
"Lagi na lang ganyan ang sagot mo, bro. Sabihin mo na kasi." singit na sabi ni Steven sakanya.
"Tungkol ba to kay Thalia?" tanong ko sakanya.
"Aish!! Bakit ba kasi pa hard to get pa siya?" inis na sabi niya.
Sabi na nga ba, tungkol ito kay Thalia. Grabe na ang tama ni Ty sakanya ah. Ngayon lang nag kakaganito si Ty sa isang babae.
"Inlove ang cold hearted guy natin mga bro." pang aasar na sabi ni Nathaniel.
"Dibale Ty, kami ang bahala sayo." sabi ko kay Ty.
"Mga bro, tara sa labas at may pag uusapan tayo." pagpapatuloy ko.
Lumapit sakin sila Steven, Nathaniel, at Ty.
"Ooops!! Hindi ka kasali dito." sabi ko kay Ty at hinarang ang kamay ko.
---
Thalia's POV
Yay!! Holiday bukas, ibig sabihin walang pasok at may mga meeting pa ang mga teachers kaya one week na walang pasok. Yahoo!! Google!!
"Thalia!!" sigaw ni Anne.
"Oh ano?"
"One week na walang pasok diba? Tara mag outing?" sabi niya.
"Sure!! San ba?"
"Dun sa Resort Island. Kasama natin sila Sharina, Clarisse, at Fabby."
"Ako, hindi ba kasama?"
Nagulat kami ni Anne nang sumingit sa usapan namin si Edrian.
"Umm, itetext na lang kita. Sige." pamamaalam ni Anne sa akin at umalis na.
"Bakit ka sasama eh hindi naman tayo close."
"Kaya nga sasama ako para mas makilala pa natin ang isa't isa." sabi niya at lumapit sa akin.
"Alam mo, hindi ako interesado na makilala ka, okay?"
"Pero ako interesado sayo."
"Sorry pero hindi ka talaga pwedeng sumama atsaka kasama ko mga kaibigan ko. Hindi mo sila kilala. Kaya wag na lang."
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako.
"Thalia!!" sigaw niya pero hindi ako lumingon.
"Babe!!" sigaw niya ulit.
Lumingon ako kasi ang sarap niyang batuhin nang sapatos.
"Tumahimik ka na!!" sigaw ko sakanya sabay irap nang mata at umalis na ako.
---
Resort Island
Omo! Ang ganda!
"Guys! Dun tayo sa cottage house." sabi samin ni Anne.
"Ang ganda naman dito." sabi ko kay Sharina.
"Oo nga eh. Kila Anne kasi tong resort island kaya libre tayo pumunta dito."
"Ows?! Ang yaman pala nila. Ngayon lang ako nakapunta sa isang beach. Ay, pangalawang beses pala. Nung nagkaroon pala tayo nang school activity sa isang resort."
"Pangalawang beses lang? Bakit, nung bata ka hindi ka ba namamasyal?" takang tanong niya.
"A-ah, umm...h-hindi masyado."
"Okay lang yan. Atleast nakakapasyal ka na...Andito na pala tayo." sabi niya at pumasok na sa cottage house.
Nang pumasok na ako sa cottage house...ang ganda. Lima ang kwarto sa second floor, may veranda pa at sa first floor naman, andun ang kusina at sala.
"Pwede na akong tumira dito." pabiro kong sabi sakanila.
"Kung kaya mo." pabiro din ni Clarisse kaya tumawa na lang kami.
"Si Fabby nasan?" tanong ni Anne.
O.O
Tumakbo kami sa labas at nakita namin si Fabby na mukhang pagod na pagod na sa bitbit niyang gamit namin.
"Pffft...Hahahahahaha..." tawa naming apat.
"Sorry, Fabby!!" sabay sabay namin sabi at tumakbo sakanya para tulungan siya.
"Is this the cottage house?" tanong niya.
"Hindi. Dun ka sa kabilang cottage house." sarcastic na sabi ni Clarisse.
"Okay." pagsang ayon naman ni Fabby.
"Hep! Joke lang yun. Isang cottage house lang ang gagamitin natin noh. Ano ka, sineswerte?" sabi ni Anne sakanya.
"But I'm the only guy here. I'm not gonna sleep with you girls."
"Ney! Ang arte mo naman. Lima po ang kwarto dito kaya tig isa tayo. Dibale, hindi ka namin type kaya hindi ka namin rarapin."
Pagkasabi ko nun kay Fabby ay nagtawanan na lang kami.
---
"Naayos niyo na ba mga gamit niyo? Tara mag lakad lakad." sabi ni Anne sa amin.
"Tara!!" excited na sabi ni Sharina.
Nag lakad lakad kami paikot nang resort island.
Nakakarelax.
---
Anne's POV
Andito kami ngayon sa cottage house, kasama ko sila Sharina, Clarisse, at Fabby. Iniwan muna namin si Thalia dun mag isa sa isang restaurant.
May plinaplano kasi kami para kay Thalia kaya kami pumunta dito sa resort namin.
"Pano natin gagawin yun?" takang tanong ni Sharina.
"Basta akong bahala." sabi ko.
"Girls, wag na natin ituloy yan. Baka may mangyari pang masama kay Thalia." pag alala ni Fabby.
"Naplano na namin kaya wala nang aatras." sabi ko sakanya.
"Why did you even trust them? Pag may nangyari lang kay Thalia, lagot kayo sa akin." sabi ulit ni Fabby.
"Yes, yes. I'm sure, walang mangyayari kay Thalia. Promise!" sabi ko at tinaas ang kanang kamay ko.
"Masyado ka namang protective kay Thalia. May gusto ka pa rin ba sakanya?" tanong ni Clarisse.
"Wala na. Sympre, kaibigan ko siya. Kung kayo din naman proprotektahan ko kayo." sagot ni Fabby.
"Ay ang sweet naman nang boy friend natin. Hiwalay yung spelling ah." sabi ni Sharina.
"Okay then, let the plan begin." sabi ko at umalis na kami para puntahan si Thalia.
---
Thalia's POV
"Ang sarap nang hangin!! Mmm..." sabi ko habang inaantay sila Clarisse na may kinuha lang daw sa cottage house.
"Anong lasa?"
Lumingon ako sa likod ko para makita kung sino ang nag salita.
O.O
Anong ginagawa niya dito?!
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
HumorNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...