Thalia's POV
BOOGSH!!!
BOOGSH!!!
"Tama na!!" sigaw ko sakanila habang sinusubukan ko silang paglayuin. "Zak!!" "Tyrone!!"
Pero hindi pa rin sila tumitigil.
Nakahiga si Zak sa damuhan habang binubugbog ni Tyrone.
"Tyrone, please lang. Tama na!!" sabi ko sakanya at tinutulak siya para hindi niya mabugbog si Zak pero...
Natulak niya ako kaya napaupo ako sa damuhan at medjo nasugatan at nasaktan yung kaliwang kamay ko.
Napansin ko na tumigil na siya sa pag bugbog kay Zak at napatingin sa akin.
Nakatingin lang din ako sakanya.
Hindi ko alam na pumapatak na pala ang mga luha ko.
Lumapit sa akin si Zak at tinulungang tumayo.
"I'm sorry, Thalia." sabi ni Tyrone at akmang lalapit sa akin pero lumayo ako.
"W-wag mo na akong lalapitan o kakausapin kahit kailan." sabi ko sakanya at umalis na.
Sinundan naman ako ni Zak.
---
Tyrone's POV
"Sh*t!!" sigaw ko nang umalis na sila Thalia.
Hindi ko sinasadya.
Sa sobrang galit ko kay Zak, nadamay pa si Thalia.
"Dwayne!!" sigaw ni Stella sa akin at lumapit. "Anong nangyari?"
"Wala. Tara na."
"But babe...may sugat ka, dumudugo yang kamay mo at may pasa ka pa sa mukha, ano bang nangyari sainyo ni Zak?" sabi niya habang nag lalakad kami. "I saw him and Thalia...may pasa si Zak at dumudugo rin yung mukha...nauna na pala silang umalis, sumakay sila nang van kasi hindi pa naaayos yung zipline...um...tara na rin mag van?"
Sumakay na rin kami ni Stella sa van at pumunta na nang Rain forest camp.
---
Thalia's POV
"Ginawa yun ni Tyrone?!" gulat na sabi ni Anne.
Tumango lang ako bilang sagot.
Kinwento ko kila Anne ang nangyari kanina.
"Pupuntahan ko si Tyrone. I'll talk to him." mukhang galit na sabi ni Fabian.
"Wag na Fabian. Okay lang. Wag na natin palalain ang sitwasyon." sabi ko sakanya at tumingin kay Anne nang iparelax-mo-muna-si-Fabian look.
Lumabas muna sila Anne dahil ayaw daw nilang makita si Zak na puro dugo ang mukha at para ipachillax si Fabby.
"Arouch!!" sigaw ni Zak habang ginagamot ko yung mga sugat at pasa niya sa mukha.
"Maka arouch ka naman. Gaya gaya." sabi ko na lang sakanya.
"Kamusta yang kamay mo? Masakit ba?" tanong ni Zak sa akin.
"Okay lang. Na-sprain lang siguro." sabi ko sakanya at pinunasan yung dugo sa gilid nang labi niya.
Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
Napatitig lang ako sakanya.
"Arouch!!" sigaw ko. "W-wag mo ngang hawakan yang kamay ko. M-masakit."
Sa totoo lang, hindi naman masakit yung kamay ko kasi light lang yung pagkakahawak niya pero kunyari lang na masakit kasi naman...kung makatitig, wagas.
"Ay ganun ba? Sorry. Sorry." sabi niya.
"Bahala ka nang mag gamot jan sa sugat mo." sabi ko at tumayo na.
"Saglit lang." sabi niya at hinawakan yung kamay ko (yung kanang kamay ko po yung hinawakan niya kaya hindi masakit).
"B-bakit?"
"Dito ka lang."
"Pero..."
"Please?"
Hindi naman ako makatanggi kaya umupo na lang ako sa tabi niya.
A moment of silence...
"Inaantok ako." sabi niya at biglang...
O.O
Humiga siya sa lap ko.
O.O
"Huy." bulong ko sakanya at medjo yinugyog ko yung ulo niya. "Zak?"
Mukhang tulog na siya ah.
Tinitigan ko lang siya.
Tama naman pala si Zak sa sinabi niya about sakanya na gwapo siya.
Kaso, mataas lang talaga ang confidence niya kaya parang mayabang ang dating niya.
Sana ikaw na lang ang nauna kong nakilala, siguro pag ganun, hindi ako masasaktan.
Sana ikaw na lang ang minahal ko Zak.
Hindi ka naman mahirap mahalin eh.
Nag momoment ako nang biglang bumukas yung mga mata niya.
"Kung nakakatunaw lang ang titig, natunaw na siguro ako." sabi niya at ngumiti.
O.O
"Um..." nauutal kong sabi. "P-pumunta ka na lang sa kwarto mo para makatulog ka nang maayos."
"Hatid mo ako." sabi niya.
"Jan na nga lang yung kwarto mo tapos mag papahatid ka pa?"
"Baby ko naman, please?"
"May sarili kang paa diba? Gamitin mo naman para may silbi." sabi ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Gangster (Season 1 & 2) - COMPLETED
HumorNote: NO TO PLAGIARISM Pano kung nameet ni Mr. Gangster si Ms. Princess? o kaya Pano kung nameet ni Ms. Princess si Mr. Gangster? When two different worlds collide... "Siya ang nag iisang pagong ko. Siya ang babaeng minahal nang isang cold hearted g...