Chapter 14
"H-hi, Nax", saad ko at nag-iwas ng tingin dahil kahit si Naxus ang kaharap ko ngayon, tagos naman ang tingin ko patungo sa kapatid niyang nasa likod lang niya.
"Didn't see you for a while. Belated happy birthday", he greeted and smiled at me.
"Thank you", sagot ko at agad na hinanap ng mga mata ang mga magulang ko. "Uh... tuloy kayo sa loob. Doon tayo", sambit ko at kay Naxus sumabay ng paglalakad.
I don't know but it feels weird that I can sense Rafael staring at my back. Bahala na. After dinner, I'll excuse myself na lang. Sigurado akong usapang pang matanda naman iyon kaya ayos lang kung aalis ako.
Nagkamustahan saglit at nanatili ako sa gitna ng mga pinsan ko. Minsang nagtama ang mga mata namin ni Rafael. He smiled at me but I pretended that I didn't see him. Agad akong tumingin sa katabi kong si Kuya Brandon at nagsabi na lang ng kung anong pwede naming pag-usapan.
"Nakakatuwa at aktibo sa public service itong si David. Mukhang mayroon na akong pagpapasahan ng pagiging mayor ko sa susunod na termino"
"Do you have new plans for your campaign this election?", si Daddy.
Oo nga pala. Malapit na ang election. Huling termino na nina Papa at ni Uncle. Ang alam ko ay tatakbo sa Senate si Papa at si Uncle naman ay tatakbo bilang gobernador.
"Naghahanda na po ako, Sir. Sa ngayon po, pinapasiguro ko sa team ko na hindi kami sosobra sa budget para sa kampanya. Gusto ko pong malinis at walang lalabagin na kahit ano sa pagtakbo ko", pormal na sagot ni David.
"Mabigat ang makakalaban nitong panganay ninyo, Alejandro at Nathalia. Kilalang pamilya ang mga Rances sa probinsya natin pero si David ang kauna-unahang pumasok sa mundo ng politika"
"That's why we're worried, Gov., for our son's safety", si Atty. Nathalia Rances ang sumagot.
"Ma, wala naman pong dapat ipag-alala. Maingat naman po ako at may mga kinuha na rin po akong bodyguard. Padadagdagan ko pa po next month"
"We'll also provide more security for David. Don't worry about it", si Papa.
"Hindi na po kailangan, Gov."
"It's fine. Lahat naman ng mga kasama sa partido ay pinadaragdagan ng security dahil marumi maglaro ang kalaban"
Kalaban. Ni hindi mabanggit sa hapag ang apelyido ng mga Rivas. Tahimik kaming mga nakababata habang hinahayaan lang na mag-usap ang matatanda.
Minsan ay napapatingin ako kay Rafael dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin. At tama nga ako dahil laging nagtatama ang mga maya namin.
"Maiba ako. Kumusta nga pala itong internship ni Rafael? Graduating na rin pala itong pangalawa niyo, Attorney"
"Maayos naman po, Mayor. Medyo busy pero kapag nakakalibre ng oras, nakakalabas labas pa rin naman po ako kasama sina Ashton at Brandon"
"Mabuti. You should enjoy your lives while you're still young. Minsan lang kayo daraan sa pagkabata kaya mabuti pang samantalahin niyo na", humalakhak si Uncle at tumingin kay Dad. "Ganyan din kami noon ni Samuel"
"Oo naman. Hindi nga lang kasing gala mo dahil kami na ni Rebecca 'non"
"Ah! Doon lang ako natalo ni Samuel dahil maagang nahanap ang para sa kanya. Mabuti na lang at nauna akong ikasal at magkaanak"
"Pinikot mo kasi itong si Margaux", si Atty. Alejandro Rances.
Malapit na ba talaga sila noon pa? Kaya siguro dikit ang mga Buenconsejo sa mga Rances.

BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...