Chapter 5
Cain: Kailan ka babalik sa Manila?
Adrianna: Not sure when basta a few days before the class starts again. Why?
Cain: Papayag kaya si Tito at Tita kung manood tayo ng sine?
My forehead creased after reading Cain's message. Okay lang naman sa akin na manood kami ng movie kaya lang I don't think my parents will allow us if it's just the two of us.
Adrianna: I'll ask my parents.
Cain: Alright. Excited na ako. Sana pumayag sila.
"Sine?", Rafael asked while reading my exchange of messages with Cain.
He was at my back, towering over me. Nagpahain siya ng merienda namin dito sa kanilang garden kaya umalis siya saglit at naiwan ako rito mag-isa. Not far from here, they have a half-court where Kuya Brandon and Naxus are playing.
"Uhh... he's asking if I can watch a movie with him"
"Asking you out on a date", he corrected and sat beside me.
"He didn't say that it was a date, though"
"He doesn't need to explain that it's a date because it's obvious, Adi", he said and helped their helper bring down the food from the tray to our table. "Salamat po", he politely said before the helper left.
"But we're just friends and he knows that"
"At alam niya rin na inosente ka pa sa mga ganyang bagay. That Fuentes is taking advantage of your naivety, Adi. Ano pang sabi?", he said while mixing the halo-halo.
Tumapon ang gatas at yelo sa kanyang daliri dahil sa diin at bilis ng paghalo niya roon. Agad akong kumuha ng tissue at marahang pinunasan ang parte ng kamay niyang nabasa.
Nagtama ang mga mata namin at nakita kong hindi talaga siya natutuwa sa nabasa niyang conversation namin ni Cain.
"Iyon lang naman ang sabi niya at magpapaalam pa naman ako kina Mom at Dad. I am still not sure if my parents will allow me"
He scoffed and rolled his eyes. "Sa iyo na 'to", he handed me the halo-halo that he mixed. "Ni wala man lang lakas ng loob na humarap sa mga magulang mo para ipagpaalam ka, Adrianna. Bulok naman niyang manliligaw mo", he said, still frustrated.
"Hindi naman kasi 'yon date. Gala lang. Hang-out", I pouted and looked at my phone again. Hindi ko pa nasasagot ang last message ni Cain dahil sa pag-uusap namin ngayon ni Rafael.
"Kung ako ang masusunod, hindi ako papayag. Siguro kung may kasama kayo na matanda o kung marami kayo, pwede pa. That boy likes you, Adi. Ang pagpayag mo sa panonood niyo ng sine... baka mag-isip 'yon na gusto mo rin siya"
My eyes widened at the thought of me liking Cain. Hindi 'yon ganon! Hindi ko siya gusto!
"Wala ako sa lugar para magdesisyon para sa'yo. Darating din naman ang araw na ikaw na ang magdedesisyon para sa sarili mo pero habang bata ka pa, makinig ka na lang muna sa parents mo. At sigurado akong hindi papayag sina Tito at Tita. Nood agad ng sine amp! Hindi man lang muna nag-aya sa foodcourt o kaya arcade!"
"I don't like him, Rafael", I said firmly while looking straight into his eyes.
His Adam's apple moved as his eyes met mine. He licked his lower lip and nodded.
"Huwag mo sanang masamain ang pagbibigay ko ng opinyon sa mga ganitong bagay. Ayaw ko lang na mapahamak ka...", makahulugan niyang sabi.
"Pero ayos lang ba if he's my friend?"
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...