Chapter 43

479 9 4
                                    

Chapter 43

"Uuwi kami ng Daddy mo. Nakabili na kami ng ticket and our flight's in an hour", si Mommy na hindi man sumisigaw ay ramdam ang tensyon sa boses.

I bit my lower lip and sighed. It's a holiday today kaya wala kaming pasok sa opisina at kaya rin hanggang ngayon ay narito ako sa penthouse ni Rafa.

I had to call my parents the morning I woke up. Nangako ako kay Oliver na ako ang magsasabi sa mga magulang ko ng tungkol sa nangyari. Pakiramdam ko tuloy ay mapapagalitan pa si Oliver dahil sa katigasan ng ulo ko. But if my parents fire him, I'll take him.

Ilang minuto lang pagkarating namin ni Rafael sa bahay ay dumating na rin ang mga magulang ko. It's a holiday so I think Kuya Ashton's here. Hindi ko lang alam kung narito rin ba si Kuya Brandon dahil lagi iyong busy sa ospital.

Nagmano si Rafael sa mga magulang ko. Bakas sa mga mata ng mga magulang ko ang pagtataka kung bakit ganito kaaga ay narito si Rafael sa bahay. Ngunit ang mga tanong at paliwanag tungkol doon ay para mamaya na. Mas mahalaga ay maipaliwanag ko sa kanila kung bakit ako nakipagkita kay Alec at kung anong mga sinabi ni Alec sa akin.

"Sana sinabi mo muna sa amin, anak, ang tungkol doon. At naroon si Oliver. Hinayaan mo lang si Adrianna?", bumaling si Daddy kay Oliver na akmang sasagot ngunit inunahan ko na.

"Hindi niya po kasalanan, Dad. Ako ang nagpumilit. Hindi ko rin alam ang lahat ng nangyari noon dahil wala po kayong sinasabi sa akin. Sa tuwing magtatanong ako, laging iniiba ninyo ang usapan. I need answers! Hindi naman din po ako nasaktan dahil kasama ko si Oliver."

"Paano nga kung nasaktan ka, hija? What if that man brought a gun with him? O paano pala kung may kasama rin siyang security niya? Hindi natin alam kung anong kaya niyang gawin. They might not be ruling our province anymore but that doesn't mean they are not as influential as before!"

Tumungo ako dahil ngayon ko lang din naisip ang bagay na 'yon. He is still a Rivas. Maaaring mabuti siyang tao sa pinsan ko ngunit maaaring sa iba ay hindi. He lost the woman he loved and he is not over what happened yet.

Kaya kung mabuti nga siyang tao, may pagkakataon pa rin siguro na kaya niyang maging masama, mapanakit, at makasalanan para amuin ang nasaktan nitong puso.

"Ang mahalaga ay ligtas siya, Samuel", alo ni Mommy. "Anak, sa susunod don't be reckless. Ang mga ganitong bagay ay dapat sinasabi mo sa amin ng Daddy mo. We know that you're an adult now but this is about your safety."

"I know, Mom. Sorry po", sambit ko. Si Rafael ay nanatili sa may di kalayuan at tahimik lamang na nakamasid sa amin.

Galit siya sa akin kagabi dahil sa ginawa ko kaya hindi na rin nakapagtataka na galit din sina Mommy at Daddy sa akin.

"And this does not only apply to the Rivases. Kahit sa kung kanino pa, lalo ngayon na ongoing pa rin ang kaso ni Senator Buenconsejo", si Dad.

"Yes, Dad. Hindi na po mauulit", sagot ko at sumulyap kay Rafael na ganoon pa rin ang hitsura. Nakikinig lang.

"Mabuti na lang at... naroon si Rafael. Kasama ka rin ba ni Adrianna, hijo?", si Mommy na bumaling kay Rafa.

Rafa was quick to answer. Ni hindi man lang nagulat sa pagtawag sa kanya ni Mommy. Sa aming dalawa, parang ako pa yata ang nagitla sa biglaang paglipat ng atensyon sa kanya.

"Hindi po, Tita. Wala po ako noong nagkita sila ni Alec. Kilala ko po si Alec at kung naroon po ako, hindi ko rin po hahayaan na magkita sila nang ganoon ka-biglaan. If he wants to talk with her, given the circumstances between the two families, I think it's proper to ask permission from her parents first."

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon